Chapter 14

1.8K 40 2
                                    

I drummed my fingers nervously. I felt my heart was going to explode as I glared down at the mahogany table. Isang buntong-hininga ang narinig ko galing sa katabi ko. Si Sack ay naka-krus ang kanyang mga braso sa harap niya.

Sa ilang minutong pananahimik namin ay si Farren ang unang bumasag ng katahimikan.

"Alam niyo, itong ate niyo ang pinaka-matalino sa inyo eh. Pero sa ginawa niya, siya yung naging super agag. Pumunta ba namang mag-isa sa isang six-star hotel tapos hindi tayo sinama? O edi nakarma ka bes dahil sa pagiging super gaga mo." sambit niya.

"Agree ako diyan." dinig kong sambit ni Sackary.

Sinamaan ko siya ng tingin nang lumingon ako sa kanya at katabi ko pa. Lahat kami ay nandito sa apartment ko. Aside from Skandar of course because she's in Australia. Hindi pa siya uuwi dahil mayroon siyang reality show na kailangan siya bilang guest.

Skandar was quite famous in a culinary world in Australia. Mayroon din siyang libro na ginawa at ang laman nun ay puro mga ginawa niyang pagkain, mapa-dessert man o hindi. Siya yung pinaka-bata sa amin at siya yung mapalad talaga.

Si Safara ay nakaupo sa isang single sofa na malapit sa bintana at nakatukod ang dalawang binti sa coffee table, parang pahiga na yung posisyon niya kasi nagslide ang kanyang katawan, at bored din ang kanyang tingin dala na ng antok.

Si Skim din ay nandito at may hawak ng dalawang tasa na kape. Yung isang kape ay binigay kay Safara para hindi masyadong antokin. Yung caffeine ay dala lang ni Safara galing sa apartment niya kasi wala akong caffeine dito sa apartment.

"Alam mo Santi hindi sa pagiging proud sa nangyari sa akin ha, pero kung kagaya lang ni Oxford si Leighton na mabait at may respeto ay okay ka. Pwede natin siyang kausapin sa pamamagitan kay Oxford dahil magkaibigan naman sila." Billie inserted.

Kasama siya ni Skim dahil galing sila sa Silk Corp para sa mga tela na gagamitin namin lahat. Sila na yung bahala kasi at halos kami na yung umoorder sa mga tela dahil pati yung mga ibang fashion brand din ay nakikipag-agawan sa tela na yun kaya bago pa kami maubusan ay inuunahan na talaga namin. Kaya magkasama din sila na pumunta dito, ewan ko ba kung bakit halos lahat ng mga kapatid ko eh pinagsabihan ni Farren eh siya lang naman ang pinapapunta ko dito sa apartment.

Kagabi ay tandang-tanda ko ang nangyari. The most terrifying here was that, Leighton and I had sex. A real goddamn sex. And we didn't use protection. So basically, there's a chance that I'd get pregnant.

Hindi ko lang alam kung mabubuo ito agad pero sana lang ay hindi. Pero kung uminom ako ng contraceptive ay may chance na hindi ako mabuntis.

I took a deep breath and made a final decision. Ito nalang ang gagawin ko para hindi ako mamromblema. Ito kasi ang nagpapasakit sa ulo ko simula pa kaninang paggising ko, yung takot na baka mabuntis ako ni Leighton.

"Alam niyo magsiuwian nalang kayo kasi sumasakit ang ulo ko. Sack, ikaw lang muna ang bahala sa shop at sa boutique. Magpapahinga lang muna ako." sambit ko at ipinikit ang aking mga mata habang nakayuko sa lamesa.

Hindi ko masyadong natuunan ng pansin ang sinabi ng mga kasama ko dito sa loob ng apartment ko pero narinig ko na nagpaalam sina Billie, Farren, Skim, and Sackary.

Nang wala na akong narinig na ingay sa apartment ay saka ko lang inangat ang mukha at pinalibot ng tingin hanggang sa matagpuan ko si Safara na siyang natira na kasama ko dito sa apartment. Yung pwesto niya ay ganun parin.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sabay tayo.

Inayos ko ang silya ko. Mabuti at walang kalat dito sa apartment dahil sa mga bisita ko.

Leighton (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon