Kabanata 1

22 3 0
                                    

Kabanata 1

Smile

Pagkauwi namin that day ay siyang pagbuhos ng malakas na ulan. Buti nga at sakto lang ang pagdating namin sa bahay ni lola at hindi na kami naabutan.

Sa bahay ni lola hinatid ng mga kaibigan ni kuya Harrold si Steven dahil sa malakas na ulan. Kaya sa bahay rin ni lola pinagalitan si Steven ng kanyang kuya at nakisali na rin doon si lola.

Talaga ngang nakalimutan ako ni Stev noong araw na 'yon. Nasa sala kami noong pinapagalitan siya kaya rinig ko ang mga paliwanag niya at ang mga pagalit sa kanya.

Kaya noong buong bakasyon na 'yon, hindi na pinayagang bumaba si Stev nina tita Selena, kahit sa patag ay pinagbawalan na siyang pumunta dahil sa nangyari.

Kaya buong bakasyon na 'yon nasa sitio lang kami ni Stev namalagi.

Buti nga ang mga kaibigan niya ay pinunpuntahan na siya sa taas noong bakasyon na 'yon. Kahit papaano ay naibsan ang guilty ko sa nangyari at  nakilala ko rin ang mga kaibigan niya.

"Natakot nga si Stev noong  hindi ka rito umuwi noong sumunod na bakasyon" ani Pia. 

Nasa covered court kami ngayon at nanonood kina Stev at ilan nitong mga kaibigang naglalaro ng basketball.

"Nagtatampo ka raw sa kanya" patuloy ni Pia na nasa aking tabi.

Nakaupo kami rito sa gilid kung saan may mga konkretong upuan. Kaninang umaga pa sila Stev naglalaro at ngayo'y magtatanghalian na pero patuloy pa rin sila.

Galing kami ni Pia kina Daisy at pauwi na sana nang madaanan namin sina Stev na naglalaro pa rin hanggang ngayon.

"Bakit naman ako magtatampo sa kanya?" kunot noo kong binalingan si Pia. 

"Dahil daw sa nangyari noong nakaraan sa baba?" agad akong umiling at binalik ang tingin sa mga naglalaro.

Hindi ako rito nakapagbakasyon dahil sa father side ako nagbakasyon noong nakaraan. Nagtatampo raw ang lola ko roon at mga pinsan kaya napagdesisyunan ni mama na roon ako noong isang taon. Sinabi ko 'yon kina Stev, kaya nakakagulat na iniisip niya pa rin 'yong nangyari sa baba.

"Hindi ako nagtampo sa kanya. Kawawa nga 'yan at pinagbawalang bumaba noon dahil sakin"

Malayas si Stev. Siya 'yong tipo ng tao na hindi napipirmi sa isang lugar.Kaya hindi na nakakapagtaka na kahit sa baba ay kilala ito. 

Okay lang sakin na kahit hindi na ako bumaba dahil wala naman akong gaanong kilala sa bayan, si Steven ang inalala ko noon. Hindi niya naman sinasadya ang nangyari noon, masyado lang siguro akong naging OA at dinamay pa siya roon.

"Gutom ka na?" tanong agad ni Stev sakin nang nakalapit na sila sa kung nasaan kami ni Pia nakaupo.

Katatapos lang nilang maglaro.

Binigay ko kaagad ang tuwalya sa kanya nang makitaan ito ng pawis  nang nasa harapan ko na siya.

Tinanggap niya ito at agad pinunasan ang mga pawis na nasa kanyang mukha at leeg.

"Tapos na kayo?" tanong ko rito sabay sulyap sa mga kasamahan din niya.

 Umiinom at nagpupunas na rin ang mga ito. Hingal na hingal pa dahil sa kakatapos na laro.

"Gutom ka na ba?"  tanong ulit sakin ni Stev kaya napatingin ako rito.

Kakakain lang namin ng meryenda kina Daisy kaya hindi pa ako gutom.

Sinulyapan ko muli ang mga kaibigan ni Stev. Tahimik ang mga ito at hindi nag-uusap sa isa't isa. Mukhang mga pagod na.

Mas maaga sila ngayong araw dahil rinig kong nag-jogging pa ang mga ito bago naglaro rito sa taas.

Meet Me In ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon