"Jolly afternoon, sir."Napawi ang matamis na prinaktis kong ngiti sa harap ng customer nang mamukhaan ko ang lalaking nasa harap ko ngayon.
Gayonpaman, pinili kong maging professional.
"Welcome to Jollibee, dine or take out?"
Naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin bago sabihin ang sagot.
"For take out." Malalim at baritonong tono niyang pagkasabi.
May pinindot ako sa pos ko bago itanong kung ano ang order niya.
"What's your order sir?"
"Isang order ng chiken sandwich, 'yong may fries and drinks. Btw, 'yong drinks niya ay upgrade mo sa coke float."
Habang nagsasalita siya ay isa isa ko nang pinunch sa pos ang mga naiwika niyang order.
Pagkatapos ay tumingin ako nang diretso sa mata niyang animo'y ako ay pinag-aaralan.
"Okay lang po ba for 15 minutes?"
Napatango siya 'tsaka ko ni-repeat order sa kaniya ang sinabi niya atsaka ko cinall sa mike para marinig ng mga nasa kitchen.
"C for pos 1 chickenwich 1 number ok pls"
Pagkatapos ay sinabi ko na ang total ng kaniyang order.
Inabot naman niya ang pambayad.
"I received 1,000." Pagkatapos ay pumindot pa ako sa pos ko para ma-open ang drawer ko at maibigay ang change.
Nang makakuha na ako ng sukli niya ay binilang ko ito sa harap niya atsaka hinayaang kunin niya.
"Pakitingin na lang po ang number sa monitor, thank you po."
Plastic akong ngumiti sa kaniya 'tsaka niya lang akong tinanguan. Ikinadurog ng heart ko ang sumunod na nangyari nang makitang may babaeng yumakap sa kaniya at kiniss siya sa pisngi.
Ang dating malalamig na titig na itinapon niya sa akin kanina ay napalitan ng ngiti simula nang makita niya ang babaeng 'yon.
Napulunok na lamang ako atsaka nag-focus sa customer na nasa harap ko.
Hindi dapat ako masaktan. Ayan ang nasa isip ko. Deserve ko naman sigurong masaktan after all pero bakit ang bilis?
It's been one month since we broke up after spending 2 years of being together.
And now, we met each other again but with a thick line between us.
He's my customer, I am a counter
and that's the only relationship left I have with him now.Nothing but a stranger with memories.
BINABASA MO ANG
Victim of Romantic Love
RomanceAng romantikong pag-ibig ay isang bagay na hindi napipili at hinding-hindi mo kontrolado kung kanino mo ito mararamdaman pero.. Paano mo nga ba masasabi na ang taong mahal mo ngayon ay siya nang ihaharap mo sa altar? Hanggang kailan mo kaya masisig...