Episode 28

6 2 0
                                    

umaga nagising si anvi para magluto ng almusal mabagal ang lakad niya dahil sumasakit ang tiyan niyang hindi maintindihan.. pababa na siya ng hagdan ng tawagin siya ni luna..

"anvi..", sabi ni luna lumingon si anvi kaya lang hindi agad siya nakahawak sa hawakan ng hagdan dahil nakababa na ang isa niyang paa

"anvi..!", sabi ni luna sumigaw pero palihim na natuwa hindi pa siya agad bumaba at mabagal ang paglalakad niya habang si anvi namimilipit sa sakit ng tiyan niya may lumabas na dugo

"ahhhhh!", sabi ni anvi sumisigaw sa sakit at dumating si rox nakita niya si anvi nasa lapag ng tumingin si rox sa hagdan nakangiti si luna.. at tumakbo si rox kay anvi tumawag ng ambulansiya

"anvi, iha.. kumalma ka parating na ang ambulansiya

"tita.. aray! masakit.. ahhhh..", sabi ni anvi umiiyak na at napatakbo ng mabilis si luna pababa ng makita si rox

"kapag may nangyari masama kay anvi ikaw ang may kasalanan.. narito ka pero hindi mo binabantayan ang kasama mo!", sabi ni rox nagagalit kay luna

dumating ang ambulansiya.. kinuha si anvi na nahimatay sa sakit na nararamdaman..

"prime.. si anvi.. nahulog sa hagdan..", sabi ni rox umiiyak kausap sa cp niya tumawag kakamustahin sana sina anvi at luna.. kaya sabi ni prime pupunta siya ng pilipinas may aasikasuhin lang muna..

"odd mahal ko.. si anvi naaksidente nahulog sa hagdan..", sabi ni rox iyak ng iyak nasa labas siya ng emergency room

"nasa operation sina uno mabuti at sakin ka tumawag kundi mabubulilyaso ang mission nila.. tumahan ka na kailangan mo maging kalmado.. balitaan mo ako mayamaya..", sabi ni odd kinakabahan din dahil mahigpit na kalaban si pancho

"tita.. wala akong kasalanan, hindi siya nag iingat sa pagbaba ng hagdan", sabi ni luna lumapit kay rox

"huwag mo akong kausapin doble kara ka!", sabi ni rox sinampal si luna galit na galit kaya may mga nurse na lumabas sa pinto dahil sa sigaw ni rox at pinuntahan sila

"tita..", sabi ni luna umiiyak hinawakan ang pisngi

"ipagdasal mo walang mangyari masama kay anvi at sa bata kungdi..", sabi ni rox umiiyak pa rin napahawak sa bewang niya

"ma'am, tama na po mabubulabog ibang pasyente natin, huminahon po kayo.. yung doktor bahala sa pasyente..", sabi ng nurse inaalo si rox kasi iyak ng iyak habang si luna nasa tabi naka upo umiiyak din

makalipas ang isang oras na paghihintay.. lumabas ang doktor

"sino po ang guardian ng pasyente?", sabi ng doktor at lumapit si rox

"ako po dok, kamusta po pamangkin ko?", sabi ni rox umiiyak

"the mother is safe but her child did not survive because the child died in the womb, sorry for the loss.. madam she needs rest to recover immediately..", sabi ng doktor na babae umalis na

pumasok si rox sa private room na umiiyak at hinawakan ang kamay ni anvi na tulog pa rin..

samantala.. sa laban nila uno kina pancho nagkaroon ng tagisan ng lakas at pabilisan ng pagputok ng baril.. parang mga robot na hindi natatamaan ng bala kung matamaan naman hindi agad namamatay.. kailangan pang barilin sa ulo para siguradong tama sa utak dahil naka konekta roon ang micro chips.. pinaka huling laban ng grupo ni uno ay naroon sila sa loob ng bodega at mayroon palang mga dinamita na panggamit sa pangingisda nakalagay sa mga malalaking drum.. sumabog ang buong bodega kasama sina uno, dos, at mga kapatid na naroon sa loob.. pina labas muna niya ang mga kasamahana nila nasa special task force rin akala ng commander susunod sila uno at mga kasama niya iyon pala hindi na dahil isinara na ang pinto.. ng masira ang pinto pagbukas ay sumabog na ang loob ng bodega..

tinawagan si odd na successful ang operation nila pero hindi naka survive sila uno, dos, tres, four, singko, six, seven, at eight..

dumating si prime sa ospital at nakita niya si anvi nakatulala na lang hindi na maka usap dahil sa nangyari sa pagkawala ng anak niya.. hindi rin niya masasabi na wala na rin ang anak niya baka mag suicide na ito.. kaya nagpasya siyang dalhin sa bahay niya at isinakay na sa private jet si anvi..

bago pa nakauwi sina prime at anvi sa hershey peninsula pinarangalan muna sina uno, dos, tres, four, six, seven, at eight bilang mga bayani.. hindi na pinapunta si anvi dahil wala siya sa wisyo.. kaya si prime na lamang ang tumanggap ng parangal..

"anvi.. uuwi na tayo sa bahay..", sabi ni prime binuhat si anvi at binaba sa kama tumabi sa kanya si prime

umiiyak na naman si anvi kaya hinayaan na lamang niya maya maya nakatulog na ito..

si luna naman ay umuwi na rin sa kanila nagpa alam kay prime.. nilagay sa columbarium sa makati ang abo ng mga anak ni prime at apo..

naka uwi na sila sa mansion.. at si anvi binuhat niya hiniga sa kama doon na sa guest room hindi sa kuwarto ni uno para di mag collapse pag napansin niyang nasa kuwarto ng asawa niya..

naiiyak si prime pero kailangan niya magpakatatag dahil hindi na maibabalik ang mga namatay..

halos isang taon na hindi maka usap si anvi at tulala lang sa kawalan.. inalagaan siya ni prime at pinagtiyagaan kausapin kahit umiiyak ito sa harap niya.. hindi maintindihan ni prime kung bakit nasa kanya si anvi naisip niya dahil sa awa.. pero masaya siya na kasama ang  babae na nakikita niya at kakausapin siya pag gusto lang magsalita..

"prime.. wala na asawa ko at anak hindi na ako dapat naririto.. kung umuwi na lang kaya ako sa pilipinas para magtrabaho..", sabi ni anvi malungkot na tumingin kay prime naroon sila sa sofa naka upo nanonood ng tv

"paano kung sabihin ko sayo na wag ka na umuwi at dito na lang sakin.. papayag ka ba?", sabi ni prime lumapit sa kanya kinausap siya

"prime..", sabi ni anvi nagtaka

"tapos na ang babang luksa mo sa anak ko kaya puwede ka na ulit mag asawa at magkaroon ng sariling pamilya..", sabi ni prime nakatingin kay anvi

"prime, hindi naman ganoon kadali iyon ang magpamilya ulit.. pero susubukan ko baka sakali makahanap ako diba..", sabi ni anvi ngumiti ng tipid

"bakit ka pa maghahanap?.. narito na sa harap mo ang hinahanap mo..", sabi ni prime ngumiti kay anvi

nagulat si anvi sa sinabi ni prime..

mafia's dollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon