Chapter 3

61 1 0
                                    

Kinaumagahan ay para akong pinatungan ng cabenit sa buong katawan ko... T.T ang sakit ng mga paa ko... Halos hindi na ako makatayo sa higaan ko kanina... Kapag uupo naman ako sa upuan... Kailangan pang humawak sa magkabilang hawakan dahil sa sobrang sakit ng paa ko...

Buti na lang hindi na masyadong masakit nung monday kaya hindi na ako nahirapan... Pero pag.akyat  namin sa hagdan... 

"OUCH! Naman ang paa ko T.T"

"Ano ba kasing nangyari sayo at masakit ang paa mo?" si jelai nga pala kasama ko ngayon dahil medyo busy si ate vern.. paakyat kami ngayon dahil may laboratory kami sa isang major subject namin...

"nagRO kasi ako noong saturday... Hindi ko naman alam na ganito pala ang magiging resulta T.T"

"Ahahahahaha... bakit ka kasi nagRO huh?"

"Pinagtawanan pa ako tulungan mo na lang kaya akong umakyat para hindi tayo malate... Kasi po gusto ko lang machallenge ang life ko sa college heheehehhe ^______^"

Matapos ang isang oras at kalahati... Natapos din kami sa lab namin pababa na kami at papunta na kami sa next class namin ng makasalubong ko si sir Henry..

"Good MOrning Sir" Bati ko sabay bow... Pero dinaanan lang niya ako..

"ganun? Suplado naman... >_<" napahiya ako nun ah!

"Hydz canteen tayo"

"cge daan muna tayo ila ate vern sa may library"

Pagdating namin sa library ay nandoon sila ateh vern, nilapitan namin at inaya namin siyang pumunta sa canteen para magrecess... Medyo nakakagutom din kasi sa klase... Pagdating namin doon nakta ko ulit si sir Henry at kasama atah classmate niya at kumakain ng ginataang halo.halo... Pero para atang nakakita ng multo dahil nagmamadaling kumain.. At pag.upo namin ay nagmamadali silang umalis...

O_o huh? anong mayroon sa akin at para atang may mali?

"Jelai may dumi ba ako sa mukha or something?"

"Wala naman... bakit?"

"Wala lang..." hmfp! second time... una hindi ako pinansin sa pagbati ko sa kanya kanina... ngayon parang ayaw akong makita... anong meron?

Days has past naging close ko na rin sila Jhie at apple... Pati na rin sila Melo at Ramir... Lumipat din si Jelai sa ROTC dahil nainganyong sumali kaya may kasama na rin ako na kainstitute ko na IT...

*Saturday 0430H

Medyo late na ako ng 30 mins... Pagdating ko wala pang tao sa office kaya pumasok na lang ako... Sira kasi ang lock kaya isang tulak mu lang ay mabubuksan mu na ang pintuan... Bago ako tuluyang pumasok ay ini.on ko muna ang ilaw dahil madilim baka kung anong meron dito...

Pag.On ko ng ilaw ay nagpatay-sindi... O_o huh? Kinakabahan ako dahil na papanuod ko ito sa mga horror movie... yung patay. sindi ang ilaw...

Naku! //T.T\\ kung may multo naman dito sana wag magpakita sa akin... Baka atakihin ako ng hindi oras dito.. wala pa naman akong kasama T_T

Maya.maya ay naging okey na rin ang ilaw... Medyo maliwanag na rin sa labas dahil malapit ng mag.5... Naupo lang ako sa isang sulok habang hinihintay ang mga kasamahan ko... Ilang minuto ay dumating si Sir Henry... Hindi siya naka unifor pero malaki ang bag niya... Para pangHiking na bag..

"Ikaw pa lang?" Nabigla ako dahil sa lahat ng Officer sa kanya lang ako hindi kumikibo... Kumikibo lang ako kapag tinanong niya ako tulad ngayon...

"Aye sir" tapos tahimik ulit... tingin sa phone ko at tinext ko sila kung nasaan na sila...

"Kain pala tayo" medyo ngumiti ako dahil sa itsura niya habang kumakain..

Meet In The ROTCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon