Prologue

24 0 0
                                    


"Huwag mo na ako hintayin, Saffira. Hindi na ko babalik."

"NO! Hihintayin kita. Or s-sasama nalang ako sayo. Saan ka ba kasi pupunta? Wag mo kong iwan please?" mahigpit na hawak ko kay Xander.

"Hindi ko gustong iwanan ka p-pero kailangan eh. Hindi ka pwede sumama saken."

"Bakit ba kasi? Ano bang dahilan? Sabihin mo na kasi. Hindi ako titigil hangga't di ko nalalaman dahilan mo kung bakit ka aalis!" umiiyak na tugon ko.

"Basta."

"Anong basta?! Ano iiwan mo nalang ako ng basta-basta?! Ng walang dahilan?!"

"Oo. Kalimutan mo na ko. Humanap ka nalang ng iba."

"Ako? Hahanap ng iba? Bakit ba Xander? Hindi mo na ba ko mahal?"

"Hindi ako deserve para sayo. Sorry. Mag-iingat ka nalang. Bye." Hinalikan nya ko sa noo at umalis na.

Hindi ko na sya nagawang habulin pa. Pinagmasdan ko nalang syang umalis. Mugtong mugto na mga mata ko sa kaiiyak.

Bakit? Bakit nya ko iniwan? Ano ba pagkukulang ko sa kanya? Binigay ko naman lahat sakanya ah. Ano? Sasayangin lang nya yung 4years relationship namin? Ganun-ganun nalang yun.

Akala ko may surprise sya saken kaya gusto nya makipagkita saken. Yun pala sorpresang iiwanan nya ko ng biglaan. Ni hindi ako nakapaghanda. Ni hindi nya naisip kung ano mararamdaman ko.

Ngayon hindi ko na alam kung paano ako nito. Kung paano ko haharapin ang bukas na wala sya.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon