Chapter 51

77 9 3
                                    

Dreii/huminga ako ng malalim at tinawag siyang muli, "Sabrina, sandali lang. Please, pakinggan mo ako."

Nilapitan ko siya, bawat hakbang ko ay may bigat, parang pinapasan ko ang lahat ng kasalanan ko.

Dreii:"Sabrina... hindi kita ginamit," sabi ko, pilit pinipigil ang panginginig ng boses ko.

Dreii:"Oo, aaminin ko... may mga bagay akong naramdaman para kay Aliah, pero hindi ibig sabihin nun na ginamit kita para lang takpan yun."

Dreii/huminga ako ng malalim ulit:"Noong una, akala ko pwede ko siyang kalimutan, na kaya kong isantabi yung nararamdaman ko para sa kanya. Kaya kitang mahalin, Sabrina. At minahal kita... minahal kita sa paraang alam ko."

Nakita kong bahagya siyang kumilos, pero hindi pa rin siya nagsasalita. Patuloy akong nagsalita, sinasabi lahat ng nasa loob ko.

Dreii:"Pero alam kong mali. Mali na hindi ko kayang burahin si Aliah sa isip ko. Hindi ko alam kung paano ito nangyari, Sabrina, pero naniniwala ako na meron kang lugar sa puso ko... Pero hindi ko na kayang itago yung nararamdaman ko. Hindi ko na kayang lokohin ka o sarili ko."

Dreii:"Oo, masakit. At alam kong nasaktan kita ng sobra. Pero hindi ko intensyon na gawin kang panakip butas. Hindi ikaw yung problema, Sabrina. Ako. Ako yung may problema. Kaya siguro mas mabuti nga na tapusin na natin toh ngayon."

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Gusto ko siyang yakapin at hilingin na sana hindi kona lng ginawa saknya toh.

Dreii:"Hindi ako deserving sa pagmamahal mo, Sabrina. Alam kong mahirap itong tanggapin, pero ayaw kong lokohin ka pa. Gusto ko lang na maging masaya ka, kahit hindi ako yung kasama mo. Sana... sana matagpuan mo yung taong tunay na magmamahal sayo nang buo at walang alinlangan."

Natigilan siya sa sinabi ko. Kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot. "Dreii," mahina niyang sabi, halos bulong na.

Dreii:"Hindi kita sisihin, Sabrina. Alam kong mahirap toh para sa atin pareho. Pero sana, sa kabila ng lahat, mapatawad mo ako. Huwag mo nang hayaan na masaktan ka pa ng dahil sa akin. Sana, makahanap ka ng kaligayahan sa buhay mo, kahit hindi na ako ang bahagi nun."

Nagulat ako nang bigla niyang lapitan at yakapin ako. Ramdam ko ang kanyang panghihinayang, ang sakit na nararamdaman niya, at parang isang bahagi ng puso ko ang nawawala.
Muli ko syang niyakap.

Dreii:"Thank you sabrina"

Sab:"No. Dapat nga ako magpasalamat kasi naramdaman ko ang tunay na pagmamahal, kahit sandali lang. Ipinakita mo sa akin ang lahat ng yun, kahit na nagbigay ka lang ng sakit sa huli."

Dreii:"Minahal namn kita sabrina"

Sab:"Pero hindi yung katulad nang pagmamahal mo ky aliah"

Dreii: "Sabrina, hindi ko alam kung paano ko mapapalitan ang sakit na naibigay ko, pero sana malaman mong naging espesyal ka sa akin."

Dreii:"Una ko palang syang makita, hindi na sya mawala sa isip ko."

Sab:"Mahal mo talaga si aliah noh"

Dreii:"Mahal na mahal"

Sab:"Ang swerte ni trixia at aliah na may nagmamahal sakanila samantalang sakin, wala eh"

Dreii:"Sab,minahal kita, nung tayo naramdaman ko yung pagmamahal mo, masarap kang magmahal pero mas nauna si aliah na minahal ko"

Sab:"I know nmn, wag mo na ipagmukha mo sakin, charot lang, —oo na alam kona si aliah namn nauna eh"

Dreii:"Sorry ulit kung—" bigla nlng nyang dinampi ang hintuturo nya sa bibig ko. At pagtapos nun di ko inaasahan hinalikan nya ako sa pisngi.

Sab:"Huling halik sa gabeng ito para sa boyfriend ko na magiging ex boyfriend ko."

TO LOVE AGAIN Where stories live. Discover now