Chapter 15

150 9 0
                                    

Mataman kong tinignan si Skim na galing palang sa banyo. Halos malaglag ang puso ko nang makita ko yung dilim sa itsura niya, parang may hindi maganda o kung may nakita man siya na hindi niya gusto ay siguradong hindi niya talaga aprobado.

Lumapit siya amin. Kaming magkakapatid ay nandito sa bahay ni Skan. Kararating niya lang galing Australia kagabi. Anim na linggo narin ang nakalipas mula nung umalis siya papunta doon at ngayon ay kababalik niya lang dahil tapos na siya sa mga appointment niya doon. So ibig sabihin, balik na ulit kami sa kanya-kanya naming trabaho kasi nandito naman siya at siya na yung bahala sa mga restaurant niya.

"So? Anong resulta?" tanong ni Safara na half anxious na pero hindi niya lang pinapahalata.

But I knew she's a little anxious because she's biting her nail on her thumb. I knew every bit of my sisters because I raised them. Pero kung may sekreto sila na hindi sinasabi sa akin ay malalaman ko rin dahil hindi nila natitiis yung problema nila kaya sinasabi nila sa akin.

Skim on the other hand, had tried to open-up her self to me but it's not that much. Yet, she's able to come to me when she's not doing okay because I knew I could give her some advices. Hindi naman ako expert sa pagbigay ng advice pero I was their guardian when we're younger than our ages today. Naging parent nila ako dahil ako yung panganay dahil wala silang ibang matakbuhan kundi ako lang.

So Skim and I were in a better terms than before. I thought of that because we're not our silly teenage years and we're both adult. We're going to be thirty and we're really growing up.

Pabagsak na umupo si Skim sa pwesto niya at marahas na bumuga ng hangin.

Isa-isa niya kaming tinignan. Ako yung huli niyang tinignan na may pagkatagalan pa bago namin nakuha ang sagot na kanina pa namin gustong malaman.

"Positive." sagot niya.

Natahimik kaming lahat. Alam ko na naiinis na sila sa akin pero hindi nila ako masisisi. Kahit ang bigat ng tensyon dito sa kusina, sa kabila nun ay magaan ang loob ko dahil sa wakas. Magkaka-anak narin ako.

"Ano na ngayon ang desisyon mo ate?" Si Skandar ang bumasag sa katahimikan.

Bumuntong-hininga ako at pinatong ang kaninang naka-krus ko na braso sa aking tiyan. Nagkibit-balikat ako.

"Papalakihin ko ang bata." Matibay kong sagot laban sa tingin na hindi pagsang-ayon sa gusto ko.

Natahimik lang sila. Pinagtignan ko lang ang mga seryosong ekspresyon nila. Skim was playing with her fingers while looking at the different direction and Sack was just staring blankly at the wall and the two youngest were just looking down but they're frowning.

"Pero paano si Leighton? Paano kung malaman niya?" Si Safara ang nagtanong. Siya lang talaga ang pinakaayaw na mabuntis ako—sa anak ni Leighton.

I cocked my head and looked at her in vain. "Kung malaman niya ay wala akong pakialam. Ang importante ay wala akong masisirang relasyon dahil hindi naman ako maghahabol sa kanya." sagot ko.

Ilang beses ko ng sinabi sa kanila na hindi ako maghahabol kay Leighton. Ayoko lang na patayin ang bata kahit noong hindi pa siya talaga buo sa tiyan ko. As what I said, I wanted to have a baby of my own and I thought this was chance to have my own baby even though I didn't have a husband yet.

Simula kagabi ng sabihin ko sa kanila na gusto kong subukan yung pregnancy test na binili ko sa botika. Nitong nakaraang linggo ay nakaranas na kasi ako ng sintomas na baka buntis ako. I was a little grumpy lately and I craved for foods which were sometimes were weird for my taste buds. And I sought for my sisters' presence because I wanted them to know first of my condition than our friends.

Leighton Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon