CHAPTER 26 - CHANGES

5.2K 110 8
                                    


~ Ashley's POV ~


"Speaking of "daddy", asan pala si Khian?" , tanong ni Clace


"Panigurado tulog pa yun" , sagot ni Tommy


"Oo nga no? Humanda sakin yun! Naka off yung phone nya, ayan tuloy di ko nakamusta tong si Rhiri, baka mamaya pinabayaan nya lang! Wait lang, bez hold Rhiri muna. Puntahan ko lang si kuya dyan sa kwarto nya. Gigisingin ko sya ng bonggang bongga" , sabi ko sabay pinabuhat si Rhiri kay bez Haley.


Lumabas na ko sa kwarto ni Rhiri. Didiretso na sana ko sa kwarto ni kuya Khian na nasa kabilang kwarto lang ng biglang may narinig akong ingay sa kabilang kwarto kung nasaan ang P room.


Nandoon kaya si Kuya Khi?


Pero alam kong matagal tagal na din itong di nabubuksan simula nung nag away away sila. Ano kayang pumasok sa isip ni Kuya Khi at nandito sya?


Dahil na din sa pag ka curious ko, tinry kong buksan yung pintuan at saktong nakabukas naman ito. Sinilip ko yung loob at nagulat ako sa nakita ko. Isang lalaking nakatalikod at may kinakalkal sa drawer! Hindi si kuya Khi to dahil mas maliit sya kay kuya at mas payat ng kaonti! OMG!! MAGNANAKAW BA TO?!


Dahil sa gulat ko ay bigla kong binuksan yung pintuan ng malakas at sumigaw!


Halatang nataranta sya at nagulat sa pagkakasigaw ko.


Sisigaw na sana ko ng magnanakaw ng biglang humarap sya sakin at....



(O___________________________________O)



Napanganga ako sa nakikita ko. Para kong nakakakita ng multo.


OH MY GOD! Bat sya andito?!! Alam ba to ni kuya!!??


Agad agad lumabas sina bez ng narinig ako sumigaw.


"BEZ?! WHY?!" 


"Anong nangyari?" ,tanong ni kuya Ram.


"Bakit ka pala andito sa P room? Andito ba si Khian? Bakit ka sumig...." , natigilan si bez ng nakita nya kung sino yung nakikita ko.


"Oh my god" 


"Bakit? Anong meron?" ,tanong ni kuya Dane at sabay sabay nilang tiningnan nina kuya Ram, Tommy at Clace kung sino yung nasa loob at nanlaki yung mata nila ng nakita ito.


"Hehe! Hi guys! SURPRISE!" , sabi nung lalaki na nasa loob ng P room.


....


....


A Gangster Daddy Story (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon