Chapter one

9 1 0
                                    

Iginala ko sa paligid ang aking paningin ng magising ako.

Nasa hospital pala ako.

Wala akong ibang maalala kundi ang lalaking tumulong sa akin ng mahulog sa bangin ang sinasakyan ko. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari pagkatapos nun.

Maswerte nga at buhay pa rin ako hanggang ngayon.

Si mama ang unang bumungad sa akin ng magising ako.

Bakit wala sila papa at Kleo? Nasaan sila? Bakit si mama lamang ang nandito?

Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga labi.
Pilit ko mang igalaw ang mga daliri ko ngunit nabigo din ako.

Anong nangyayari sa akin?
Puro impit at mahihinang ungol ko, at ang tunog ng mga aparato na nakapaligid sa akin ang tanging maririnig lamang sa kwartong ito.

Kumalma ako ng hawakan ni mama ang magkabilang pisngi ko pero hindi ko makita ang pag-aalala sa mga mata niya.

Wala akong narinig na salita galing sa kanya.

Ilang minuto din niya akong tinitigan bago siya nagsalita.

Ngumisi ito sa akin. 
"Nabuhay ka pa talaga! Lakas din ng fighting spirit mo, ano?"Dahan dahan na pinadausdos niya ang kanyang mga kamay sa leeg ko. Ang malapad na mga ngiti niya ay napalitan na lamang ng nakakatakot na aura.
"Sana namatay ka nalang sa pagka aksidente mo. Pinapahirapan mo pa talaga ako."Nanlilisik ang mga mata nito habang binibigkas ang mga salitang iyon.

Kumawala ang napakaraming luha sa aking mga mata ng marinig ko ang sinabi niya.

Hindi ito ang inaasahan kong sasabihin niya.

Baka naapektuhan din ang pandinig ko. Baka nagkamali lang ako ng pagkarinig. Hindi magagawa ni mama sakin 'to. Mahal ako ng mama ko.

"Matagal na kitang gustong patayin, Elly. Kay tagal kung hinintay ang pagkakataon na ito."

Gusto ko mang sumigaw ngunit walang lumabas ni isang salita sa aking bibig.

Habang patagal ng patagal, unti-unti ring humihigpit ang pagkasakal ni mama sa akin.

"Killing me softy..." Kanta pa niya habang naroon pa rin ang nakakatakot na mukha niya. Mukhang desidido talaga ito sa kanyang gagawin na para bang hindi ito takot na pumatay.

Hindi ako makahinga. Iyak lamang ako ng iyak kasabay sa pagbilis ng tibok ng puso kong parang gusto ng kumawala. Hindi magtatagal ay kakapusan na ako ng hininga.

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwal doon ang isang lalaking may sout na mask, hairnet, hawak ang isang syringe."Mam, what are you doing?!" Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkataranta.

Bigla akong niyakap ni mama at nagpanggap itong umiiyak.

"I'm just hugging my daughter, namimiss ko na kasi ang anak ko. Isang araw na kasi siyang tulog...but now, Doc, gising na po ang anak ko."

Agad naman kaming nilapitan ng lalaking sinasabi ni mama na isang Doctor. Tumingin ito sa akin at kumunot ang makakapal na mga kilay nito.

Chi-neck niya ang heartbeat ko, pati na rin blood pressure ko. Tumaas ang BP ko at okay na man daw ang heartbeat ko.

"I am Doc Jessie. Ako ang Doctor mo. Tutulongan kita para mas mapadali ang pag galing mo." Ngumiti ito sa akin.

Ibinaling ng Doctor ang paningin kay mama. Ngumiti ito sa mama ko bago nagsalita saka kinuha ang isang syringe.

"Para ito sa mga pasa niya, mam."tumango naman si mama.

Nagkatinginan kami ng Doctor. Tinitigan ko ito sa mata. Hindi man ako makapagsalita, umaasa akong marunong bumasa ng mga mata si Doc Jessie.

Huwag ka munang umalis.

Papatayin ako ng mama ko.

Tulongan niyo ako.

Huwag niyo akong iwan, mamamatay ako.

"Mam, are you okay? May masakit ba sayo?" Bigla nalang akong nawalan ng pag-asang mailigtas sa kamay ng mama ko. Tumitig na lang ako sa kesame at hinayaang mag-uunahan ang mga luha ko.

Tuloyan na ngang umalis ang Doctor na inaakala kong iyon ang makaliligtas sa akin.

"Paalam, Elly."ngumisi sa akin si mama.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak habang pinapanood siyang nasisiyahan sa kaniyang ginagawa.

Isa isa niyang binunot ang mga nakasaksak na aparato na nakakabit sa akin. Agad naman siyang umalis at dahan-dahan na isinara ang pintuan.

Hindi ko alam bakit nagawa nya ito sa akin.

Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya?

Kung dahil lamang sa yaman na pinamana sa akin ng lolo at lola, hindi ko naman tinanggap yun. Deserve yun ng kuya ko dahil siya naman talaga ang tunay na apo at hindi ako.

Kaya nya ba ginawa sa akin 'to dahil ayaw niyang may kahati si kuya Kleo? Na kay kuya naman lahat. Wala naman akong ibang gusto kundi ang magkaroon lang ng buong pamilya, hindi ba niya naiintindihan yun?

Ma, bakit nagawa niyo ito sa akin?

Pa, kuya, nasaan kayo?

Kailangan ko kayo.

Kinakapos na ako ng hininga. Humihina na ang katawan ko. Unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

Babalik ako. Babalikan ko kayo.

Yun ang huling mga salita ko bago pa man huminto ang pintig ng puso ko't tuloyan na nga akong lamunin ng dilim.

***

"Anak, gising kana! Kumusta na pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Just tell me, anak. Nandito kami ng papa at ng kuya mo." tumingin ako sa babaeng nagsasalita.

Sino ba ang tinatawag niyang anak?

Agad naman akong bumangon sa pagkakahiga. Wala ng nakakabit na kung ano-ano sa katawan ko. Nakakagalaw na rin ako. Maayos na din ang pakiramdam ko. Kinapa-kapa ko ang mukha ko at tumingin sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Anak, okay ka lang ba?"kumunot ang mga kilay ko.

"Anak? Ako?"Biglang naglaho ang mga ngiti ng babae.

"Teka, nasaan ako? Sino kayo?"iginala ko ang paningin ko. Napako ang paningin ko sa lalaking umiiyak na nakatingin sa akin.

"Doc Jessie?"kumunot naman ang makakapal na mga kilay nito.

"Ako ito si Riley, kuya mo. Hindi mo ba ako naaalala?"

Riley? Hindi ako maaaring magkamali, si Doc Jessie ito lalaking nakatayo sa harapan ko.

"Anak, naiiintindihan ka namin. Naniniwala kaming magiging okay din ang lahat."sabi ng lalaking nasa tabi ng mama ko raw.

"Anong nangyari? Bakit nandito ako?"wala sa sariling tanong ko.

"Hindi mo ba talaga naaalala, anak?"umiling naman ako.

"Nanonood ka ng laro ng kuya mo nun, bigla ka nalang tinamaan ng bola na sanhi ng iyong pagkatumba kaya nabagok ang ulo mo sa sahig. Nawalan ka ng malay kaya dali-dali ka naming dinala sa hospital."

"Ilang araw ka ng tulog, White akala namin, hindi ka na talaga magigising. Salamat sa diyos at sa wakas ay nagising kana."Dagdag naman ng lalaking sinasabing kuya ko raw.

"White, anak, magiging okay ka rin. Wag kang mag-alala, nandito kami palagi, anak."sabay hinawakan ang kamay ko ng lalaking sa palagay ko ang edad ay nasa sikwenta na.

Tinignan ko ang isang kulay puti na nakapulupot sa aking pulsohan.

"White Cruz"

Nanayo ang mga balahibo ko ng matutop kong nasa ibang katawan na pala ako. Nagising nga ako pero sa katawan ng ibang tao.

Paano ito nangyari?

60 Days SwitchWhere stories live. Discover now