3

456 44 13
                                    

Jhoanna Robles' Point of View

"What if magpacheck up ka muna bago ka pumunta? Gaga kasi ba't ka ba nahulog sa kama?" sabi ni Sheena habang pinipindot-pindot yung balakang ko.

"Ah! Huwag nga masakit," I groaned. Earlier when I checked, nagkaroon ako ng pasa sa kaliwang part. Lumayo ako kay Shee para tigil tigilan na niya yung paghawak sa hips ko kasi masakit talaga kapag hinahawakan.

"Tara nga, sasamahan kita sa hospital baka may cancer ka na." She even said with an ever serious look.

I glared at her.

"Ikaw nalang ang pinaka OA na babae sa buong mundo." reklamo ko. "Huwag na, nagkapasa lang naman, mawawala din 'yan. Baka iniintay na ako ni Laurelle."

Sheena raised one side of her lips while her brows knitted, evidently showing unconvinced she is. "Feeling mo naman, bakit ka iintayin no'n? If I know mas gusto pa niyang hindi ka makita."

"Isa ka pa! Tumigil ka nga!"

I've had enough with Stacey tapos ngayon si Sheena naman 'tong nang-iinis. Ngayon ay pinagsisisihan ko nang kwinento ko sa kanila ang about kay Laurelle.

"Bakit ba ang ingay niyong dalawa? Piskit lumayas na nga kayo." Dumating si Ate Colet na kagagaling lang sa kwarto niya.

Nandito kami ngayon sa condo ni Ate Colet para kunin yung gamit namin na hinabilin sa kanya. After this, I'm going to Laurelle's house to pick up the clothes I lent her last time.

"Ito kasing si Ate Jho, nahulog kagabi sa kama eh nagkapasa sa balakang. Sabi ko magpacheck up muna bago pumunta sa longtime crush niyang di naman siya bet!"

I pointed my index finger at Sheena. "Kanina ka pa Sheena ah! Nakakasakit ka na!"

"Truth hurts." sabi nito at binelatan pa ako.

"Bakit ka ba kasi nahulog sa kama? Hindi ka naman malikot matulog ah?" Tanong ni Ate Colet.

"Awan basta!"

I was half asleep last night when Laurelle called. Nang magpakilala siya ay napabalikwas ako ng bangon dahil nakakagulat ang pagtawag niya. I didn't realize I was on the edge of the bed kaya nung akala kong tutuon ako sa mattress ay hangin ang natuunan ko at nalaglag ako ng kama. Ang sakit, shet.

Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam na sa dalawa.

Before driving, I decided to call Laurelle to inform her na pupunta na ako. It took a lot of rings before she finally answered the call. "Hello, Laurelle? Papunta na ako."

"Pake ko? Bilisan mo." ang sungit na agad ng bungad niya sa akin. Her voice was really firm and halata talaga ang inis sa tono niya.

Instead of being disappointed, I smiled. "Bakit, gusto mo na akong makita?"

"The fuck? Ew." She then ended the call right away.

Natawa nalang ko.

I'm glad that we're talking like this, kahit gano'n ang mga response niya sa'kin. It's nothing compared to seven years ago when she wasn't talking to me at all. Kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya, kukunot ang noo niya, then her brows will knit. Mapapaiwas ka nalang sa sobrang sama ng tingin niya.

Everytime I would approach her, bago palang ako magsasalita ay umaalis na agad siya at nilalampasan ako. At least ngayon even though she's still mean, we're making a progress. She's now talking to me.

Laurelle's subdivision is just an hour and half drive from Ate Colet's condo. Nakakainis, napaniwala akong sa Vigan talaga siya nakatira, sa Ayala Westgrove Heights lang pala. Nagmukha tuloy akong desperada.

CHANCE ENCOUNTER | Jhoanna RoblesWhere stories live. Discover now