Jillian's Diary (One shot)

49 3 0
                                    

JILLIANA'S POV

"Hoy Jillian! Ayusin mo nga ang kwarto ko! Ang kalat eh!" Sigaw ko.

"Opo ate!"

Psh ate her face! Pagka-akyat niya sa kwarto ko, bigla ko siyang sinampal ng napakalakas. Hah! Bagay lang sakanya yan! Maka-ate kasi eh! Mamaya dumating pa mga friends ko at marinig siya! Peste!

"Wag mo ko ma-ate ate ha?! Kahit kailan hindi kita tatratuhing kapatid ko! Wala akong kapatid! Boss mo ko dito ok?! Baka may makarinig pa sayo tapos pandirian ako ng mga friends ko! Dalian mo na nga ang paglilinis jan! Peste ka talaga! Kayo ng tatay mo!"

By the way I'm Jilliana Rodriguez, 22 y/o, That girl was ....err....my half sister, Jillian San Jose, Tsk I'm 1 year older than her.

Tsk kainis! Kung hindi dahil sa tatay niyan at sa malanding nanay niya na sa kasamaang palad ay nanay ko rin kaya nagkandaleche leche na ang buhay ko,Kami ng tatay ko!

Masaya na kasi kami na wala yang sampid na yan dito eh kaso malandi ang nanay niyang si Jennifer kaya ayun, ang sabi niya hindi niya daw yun sinasadya pero hindi naman kapani-paniwala sumama nga siya dun eh ibig sabihin mahal niya peste! Lalakero kasi bwisit! tsk! Naghiwalay sila ni Daddy Joesph at dahil rin dun namatay ang daddy Joseph ko! Nagpakamatay lang naman kasi siya dahil sa sobrang depress! Nakakainis! Dahil sakanila nawalan ako ng tatay pero pinamana naman sakin ng daddy ko ang yaman niya, Samantalang sina Jennifer ay naghirap, Hinire ko pa nga na maging maid sila eh hahaha at nakakatuwang makitang naghihirap sila tulad ng paghihirap namin ng daddy ko!

Pero sa totoo namimiss ko ang mommy Jennifer ko, One time mag-sosorry na sana ako sakanya ang kaso pinatay siya ni Jillian! Peste talaga ang babaeng yun! Nakita ko lang naman kasi siyang may hawak na kutsilyo na kakahugot niya lang sa dibdib ni mommy, nasa kusina kasi sila nun nung narinig ko na may umiiyak tss paawa effect pa itong si Jillian eh siya naman ang pumatay! Ang sabi pa niya may nagtangka daw kasing pumasok sa loob ng bahay namin kaya ipinagtanggol daw siya ni mommy pero napatay daw si mommy meron ngang nawala kaso halata namang siya lang ang kumuha nun at pinatay niya ang mommy ko! Salot talaga siya sa buhay ko!

Gusto ko sana siyang ipakulong at palayasin na lang dito pero naisip kong dito na lang siya dahil kung dito siya sa akin nagtatarabaho mas mapapahirapan ko siya, wahahaha!

Yung pera na meron ako ay nakuha ko sa trabaho ko kahit naman kasi ganito ako marunong naman akong magtrabaho noh! I have my fashion boutique sa isa sa mga mamahaling mall dito.

Pagkauwi ko.........

"Jillian! Ihanda mo na ang pampaligo ko!!!" Sigaw ko, Sabay tapon ng mga gamit ko sa sahig, lilinisin niya naman yan eh!

"At--Miss Jilliana ihahanda ko na po" Sabi nito saka nagmadaling umakyat sa bathroom ko at inayos ang pampaligo ko sa bathtub ko.

Haist ang bagal niyang kumilos!

After 20 minutes

Haist nakatulog na pala ako!

"Tapos ka na ba maghanda? Ang bagal mo talaga kahit kailan! Bwisit!"

"Miss Jilliana tulog po kasi kayo kaya hindi ko na po kayo nagising.

"Tsk I don't care! Tabi!!" Sigaw ko sabay tulak sakanya ng malakas kaya alam kong nasugatan siya nagasgas kasi yung braso niya dun sa kanto ng table, Tsk buti nga sakanya! Wahahahaha!

After kong maligo nag-ayos na ako para matulog haaay nakakapagod ang araw na to! Psh!

NEXT DAY....

Haist nakakainis!

"Miss Jilliana saan ka po pupunta? Nagmamadali ka po ata?"

Hay leche! Hindi ba halata! Bwisit!

"Magbihis ka nga! Sasamahan mo ako! Dali!!!" Inis na sigaw ko sabay tulak sakanya, kaya napatumba siya at nauntog sa sahig, tsk bahala siya jan!

Jillian's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon