⚰️

4 0 0
                                    

"Raoul... Raoul..."

Humalakhak siya nang napakalas matapos niyang banggitin-hindi, matapos niyang kantahin ang pangalan ng lalaking wala akong kaideideya kung sino.

Nananakit na ang kamay ko sa patuloy na pagpalangpang ng ataol para makalabas na ako rito.

Putangina.
Putangina.
Putangina.

Ayan na lang nasasambit ko sa utak ko habang sinusubukan kong kumawala sa lintik na ataol na 'to. Naririnig kong lumalalim na ang aking paghinga. Sumisikip na rin ang aking dibdib na para bang may sumasakal na sa'kin. Ramdam na ramdam ko ang butil ng aking mga pawis na halos lunorin na ako.

"Raoul... Raoul... Nakatago sa baol!"

Umalingawngaw ulit ang tawa niya na para bang nababaliw na.

Kailan kong makalabas dito. Hindi pwedeng makulong ulit ako! Ayoko! Ayoko!

"Let me out!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

23:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon