Click 8

1.2K 42 13
                                    


Liam's

Napapanguso akong kinakalkal ang bag na dala namin ni Eli habang inaayos niya ang hihigaan namin mamaya sa loob ng cabin.

Nakarating na kami sa hotspring na gusto kong puntahan at maganda rito. Kami lamang ang tao rito. Parang waterfalls pero mainit ang bumubuhos na tubig kung saan naiipon ito at nagmumukhang pool na puro bato ang palibot. Pwedeng lumangoy kung kaya mo na ang init. Kanina ay tinest ko na kung gaano iyon kainit at pwede na itong languyan. May mga warm lights rin sa palibot kaya kahit tago ay hindi madilim at pwedeng-pwede ka lumangoy. Ang kaso ay naiinis ako dahil hindi pa rin ako kinikibo ni Elizer. Mukhang badtrip pa rin ito at nababadtrip na rin ako sa trip niya.

Nakamot ko ang leeg ko dahil kumakati iyon. I also feel lightheaded probably because of the liquor I drank earlier. Mahina pa naman ako sa mga purong alak.

“Oy,” Natuwa ako nang may makalkal akong malaking chocolate sa bag na dala namin. Sakto naman na lumabas si Elizer at tiningnan ang ginagawa ko. Nginitian ko siya at ipinakita sakaniya ang dala niyang chocolate. Siya kasi ang nag-ayos ng dadalhin namin kanina.

“Sayo 'to? Pahingi ah.” Sabi ko at binuksan ko na iyon. Mapait pa rin kasi ang lasa ng dila ko dahil sa alak na ibinigay saakin ni Derek.

“It's yours.” Maikli niyang sagot bago kinuha ang bag na nasa harapan ko at ipinasok iyon sa cabin. Maya-maya ay lumabas siya ulit at may dala siyang maliit na bote ng alak at baso, dala niya rin iyong paperbag. Tumaas ang kilay ko. Hindi ko iyon nakita sa bag na dala namin. Siguro ay nakalagay iyon sa malaking paperbag na dala niya rin kanina.

“I brought something we can drink and eat while we swim.” Sabi niya kaya natuwa ako. Umupo siya sa tabi ko. Nasa isang maliit na cottage kami ngayon kung saan malapit lang sa cabin at sa mismong hotspring. Ipinatong niya ang mga dala niya sa lamesang bato sa harap namin bago umupo sa harap ko. Napanguso ako dahil hindi siya sa tabi ko umupo.

“Galit ka ba? Kanina ka pa ah.” Sabi ko sakaniya. Tinitigan niya naman ako kaya nagsalita ulit ako. “Ang sama ng trip mo, hindi ka naman inaano tapos gaganituhin mo ako.” Nguso ko at tumaas ang kilay niya.

“You are drunk.” Iyon lamang ang sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

“No, isang baso lang ang ininom ko.” I denied. Umiling siya.

“Why would you accept that drink anyway, you also promised to have a drink with that prick.” Sabi niya habang umiiwas ng tingin saakin. Ako naman ang tumitig sakaniya bago napangiti.

“Ahh, iyon ba ang kinakagalit mo? Hindi naman ako nag promise 'e, nagrason lang ako sakaniya kanina para pakawalan niya ako, napaka friendly talaga ng mga foreigner.” Paliwanag ko at nakita kong napairap siya.

“Yeah right, he likes you.” Sabi niya kaya natigil ako sa pagnguya sa chocolate at pinagmasdan ang mukha niya bago napangiti.

“Talaga? Kaya ka ba nagseselos?” Tudyo ko at sinamaan niya naman ako ng tingin bago tumayo at hinubad ang damit niya.

“Jealous? Who? I just don't like anyone lingering around what's mine.” He muttered something under his breath that I couldn't hear the last thing he said. Bago pa man ako makapag tanong ay lumakad na siya at lumusong sa hotspring. Napailing ako.

Nagseselos siguro yun.

Napapailing akong nagsalin ng alak sa baso na nasa mesa at ininom ko iyon. I'm probably lightheaded dahil bitin ako sa ibinigay kanina ni Derek na alak. I'm not drunk but I am also not sober, my head is dizzy.

Maya-maya ay bumalik si Elizer kung nasaan ako at tumayo siya sa harap ko.

“Warm na lang iyong tubig, you can now swim. Give me a shot of that.” Sabi at utos niya na ang tinutukoy ay ang alak na hawak ko. Kagat-labi ko naman siyang sinunod habang pasulyap-sulyap sa bakat sa shorts na suot niya. Dahil nabasa siya ay bumakat ang kalakihan niya sa suot niyang short. Pinagmasdan ko pa ang abs at kabuoan ng katawan niya.

Click Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon