Chapter 1: 5 Years Ago

10 0 0
                                    

Chapter 1

5 Years Ago


-------


"Ayoko nga sinabi." Tumalikod na 'ko kay kuya Nico saka ako naglakad palayo. Tinatawag niya ko pabalik pero hindi ko siya nililingon. Bahala siya. 


"Zach, sige na naman." Pagmamakaawa ni Kuya Nico habang sinasabayan ako maglakad sa third floor ng building namin. Pinipilit kasi nila ako sumali sa pageant ng College of Education. Ako raw ipanlalaban nila para sa Org namin.


"Kuya, hindi pwede. Kagagaling lang namin sa gastusin. Katatapos ko lang kaya mag-debut."

"Oh, happy birthday, girl!" Biglang singit naman niya.


"Haha, thanks! Pero ayun nga. Kagagaling lang namin sa gastos. Saka hindi papayag sila mama."

"Sayang, ikaw pa naman pambato namin." Singit naman ni Marlene, ang class mayor namin, na kanina pa pala nasa likod ko.


"Naku, nambola pa. Sige na iba na lang." Saad ko nang bigla ako hilahin ni Kuya Nico, "Ipapasponsor ka namin kay Dr. Castillo. Please, Zach."


Napabuntung-hininga na lang ako.

Sa totoo lang, gusto ko naman talaga. Kaso, nahihiya na 'ko sa parents ko kasi ang dami nilang ginastos nung bithday ko. Besides, I never experienced joining a beauty pageant kaya medyo kinakabahan ako. Sa huli, nasabi ko na lang sa kanila na "Let me think about it."


----------


"Good morning po Ma'am. May I excuse Zacharie Gonzales?" Sabi ni kuya Nico habang nagkaklase kami sa SPEd.


Hinanap naman ako ng instructor namin at saka sumenyas na puntahan ko si Kuya Nico. Nag-thank you naman ako sa kanya saka lumabas.


"Nako kuya sorry, start na ba? Nag-quiz kasi kami e." Sabi ko kay kuya habang naglalakad kami kasi kanina niya pa ko tinatawagan. Kailangan ko raw kasi magpunta sa meeting ng mga candidates.

Yes, pumayag na ako. After all, wala namang masama. Also, my parents were supportive about it.


"Okay lang girl. Sige na pasok ka na. Good luck!" Masaya niyang sabi saka binuksan yung pinto ng Dean's Office para sakin. "Teka kuya--"


At ngayon, lahat sila nakatingin sa'kin. Well, this is quite awkward.

Ngumiti na lang ako sa Governor ng College namin at saka pumasok. I signed for something while listening sa Governor as she explains everything about the pageant.

"So guys, list down your numbers so I may be able to contact you or send you a message regarding the time and the venue for photo shoots, rehearsals, and meetings.."


Tinitignan ko lang yung mga makakasama ko habang nagsasalita si Gov. Syempre, magaganda lahat ng babae. Bigla na naman akong kinabahan kasi naiisip ko yung mga mangyayari. Kaya mo 'to, Zach! Get out of your comfort zone!


Isa-isa ko namang tinignan yung mga lalaking candidates habang sinusukatan sila para sa damit. I swear, hindi ko pinlanong mag-boy hunting on this event, okay?

Pero mayroon talagang nakakuha ng attention ko.


Yung lalaking sobrang tahimik lang pero sobrang lakas ng dating.

Nakalagay sa Org Shirt niya, "E-Circle".

Summer StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon