Sa mundong ginagalawan natin iilan na lang ang totoo,
iilan na lang yung mga taong nandyan para tumulong ng walang kapalit,
yung mga taong totoong may malasakit,
yung mga taong alam mong hindi ka iiwan at ipagpapalit.
SANTITA...
ang mga tawag sa taong mapagpanggap, kaibigan ka kapag kaharap , pero lihim mong kaaway kapag nakatalikod ka.
mga taong nandyan kapag may kailangan sila ,
mga taong nagbabait baitan para magkaroon ng maraming kaibigan.
mga taong akala mo hindi makabasag pinggan.
inosente sa harapan pero mas masahol pa sa demonyo ang kaloob-looban.
Mga taong akala mo bida sa teleserye at api apihan.
pero ang totoo sila yung mga taong , naninira ng talikuran..
hanggang kailan ka magtatago sa maskara mo ?
hanggang kailan mo kaya ?
hanggang kailangan mo kayang maging mabuti para palakpakan ka at kainggitan.
hanggang kailan mo kayang magpanggap para sa katanyagan ?
SANTITA...
masasabi kong sila yung mga taong magaling umarte sa harap ng kamera, magaling makipagplastikan sa lahat ng taong kaharap niya.
mga taong , hindi mo aakalaing gagawan ka ng masama, mga taong sa oras ng kagipitan akala mo sila ang malalapitan pero sila pa tong unang umiwas at lumalayo.
Paano mo makikilala ang tunay na ikaw kung ayaw mong ipakita sakanila kung sino ka talaga ?
paano nila matatanggap ang ugali mo kung lagi kang magtatago sa yong maskara ?
paano mo haharapin ang buhay kung mananatili kang santita ?
SANTITA...
hanggang kailan mo kayang magtago ?
paano kung nalaman na nila ang tunay na kulay mo ?
handa mo ba silang harapin at patunayan kung sino ka ? o magpapatuloy sa pag arte bilang santita.
SANTITA
Mga taong gagawin ang lahat makuha lang ang gusto nila , pagkatapos , iiwan ka sa ere .
mga taong nabuhay para manggamit
mga taong nabuhay para manlamang ng kapwa.
mga taong nabubuhay sa inggit.
mga taong walang tiwala sa sarili.
mga taong pinatay na ang mga pangarap.
mga taong walang kasiyahan sa nakamit nila.
mga taong frustrated sa buhay kaya gagawin ang lahat makamit lang ang gusto kahit sa masamang bagay.
mga taong trying hard.
pero alam mo anong mahirap sa pagiging santita ? yun ay maging sila mismo.
SANTITA...
sila yung mga taong palaging nakangiti pero umiiyak ang kalooban,
mga taong nawalan ng pag-asa hindi dahil ginusto nilang maging masama kung hindi wala talaga silang choice.
mga taong nilipasan na ng panahon,
mga taong tunay na malungkot ,
mga taong nagtatago sa likod ng maskara para hindi kaawaan ng iba.
mga taong hindi maipakita ang totoong sarili dahil natatakot makatanggap ng puna.
mga taong hindi naman talaga masasama,
mga taong naging masama dahil na rin mismo sa impluwensya ng kapwa.
mga taong nilimot na ng lipunan
Sa mundong ginagalawan natin iilan na lang ang totoo,
iilan na lang yung mga taong nandyan para tumulong ng walang kapalit,
yung mga taong totoong may malasakit,
yung mga taong alam mong hindi ka iiwan at ipagpapalit.
pero sa huli ,
ikaw lang mismo ang tutulong sa sarili mo ,
hindi ng sinomang PONCIO PILATO
sa huli , sarili mo pa rin ang makakapitan mo dahil lahat sila, iiwan ka nila , matitira kang nag-iisa. yan ang realidad ng buhay ,
lahat tayo nabubuhay bilang SANTITA
kumakapit sa bituka ng iba para mairaos ang sikmura ,
pero hanggang kailan ka magtatago sa likod ng maskara SANTITA ?