• Isang Anghel

0 0 0
                                    

Hindi ako naniniwala sa himala
o sa mahika
hindi ako naniniwala
sa hindi nakikita ng mata
mga hindi naririnig o nararamdaman
hindi nasasalat ng palad
at mga bagay na hindi ko saklaw
swerte
kamalasan
tadhana
bahala na
iyon lang
ang tanging salitang
pinanghahawakan ko
at ang lahat ay matatapos
nang may hangganan
walang
habang buhay
pero
naniniwala ako sa anghel
isang kabalintunaan
sa kabila ng mga binitawang kong salita
ipokrito
hangal
mapagkunwari
sinungaling
patumapat
kahit anong sabihin nila
wala akong pinakinggang salita
simula nang
makatagpo ako ng liwanag
sa dakong hindi ko tanda
ang nagturo sa isang damuhong
na tangan ng kahit na sino
ang sariling kapalaran
ang patutunguhan ng pangarap
ikot ng swerte
at lalim ng kamalasan
pinili niyang maniwala sa akin
at pinilit niya rin ako
na maniwala sa akin
nakita ko mula sa mga mata niya
kung para saan ang magpatuloy
at simula noon, umibig ako
sa isang anghel.

Ang Aking Soluna (Sol At Luna - Aking Araw at Gabi)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon