**The Mysterious Girl**Walang nakaka-kilala sa tunay na pagkatao niya, even her family doesn’t know. Ang alam lang nila, ay inosente si Celeste, pero marunong siyang lumaban dahil tinuruan siya ng kuya niyang si Aiden kung paano mag-self defense. Kilala siya bilang palatawa at mahilig kumain ng chocolate kapag kaharap ang mga magulang. Pero ang hindi nila alam, sa likod ng mga tawa niya, may nakatagong demonyo.
"She's cold."
"She's dangerous."
"She kills brutally."
"She's the girl who hides her face in makeup and a mask."
---
"Celeste, baba ka dito, may sasabihin kami sa'yo." Tawag ng sigaw ni Dad, kaya sa gulat ko, muntik na akong mahulog sa kama. "Oh, fuck." Mabuti na lang, nauna ang paa ko kaya hindi ako nahulog.
"Yes, Dad! I'm coming!" Sigaw ko pabalik.
Pagbaba ko, naabutan ko silang seryosong nag-uusap sa sala. Curious ako sa topic kaya tinanong ko sila, "Mom, Dad, Kuya, ano pinag-uusapan niyo? And Dad, ano yung importanteng sasabihin mo?"
Napatingin sila sakin at si Dad ang unang nagsalita, "Anak, napag-usapan kasi namin ng Mom mo na sasama ka kay Kuya mo pabalik ng Pilipinas. I-eenroll ka namin sa *Celestial Springs Academy*—mag-aaral ka ulit doon."
Nagtaka ako, "Pero Dad, Mom, tapos na ako mag-aral, di ba? And ayaw ko bumalik ng Pinas!"
Nagpaawang tumingin ako kay Kuya hoping na hindi siya papayag na isama ako pauwi, pero umiling lang siya. "Wala kang magagawa, Lil Sis. May mission kang dapat gawin."
Mas lalo akong nagtaka. "Ano'ng mission, Dad?" Tanong ko. Binigyan niya ako ng folder, at nung tiningnan ko, nandoon ang impormasyon tungkol sa Celestial Springs Academy at ang mission ko doon.
"Whether you like it or not, kailangan mong umuwi ng Pinas dahil may mission kang dapat gawin. Hindi mo ito puwedeng ipasa sa iba dahil makakatulong ito sa'yo," seryosong sabi ni Dad.
"What do you mean, Dad, na makakatulong sakin ang mission na 'to?" Tanong ko ulit. Seryoso akong tinitigan ni Dad sabay sabing, "It's for you to find out, Princess."
Napabuntong-hininga na lang ako at tumango.
"At Princess, kailangan mo nang mag-impake dahil maaga ang flight niyo bukas ni Kuya mo," dagdag ni Mom.
"Okay, Mom." Tumango na lang ako at lumapit para halikan sila sa pisngi bago umakyat para mag-impake.
---
**Meanwhile, sa mysterious section...**
Nag-uusap ang grupo tungkol sa mga bagong transferee.
"Boss, balita ko may mga bagong transferee daw," sabi ni G.
"Sabi tatlo daw sila," dagdag ni E.
"Galing kaming principal's office. Nabalitaan namin na ang isa daw sa mga transferee ay dito sa section natin mapupunta," sabi ni D, ang kambal ni E.
"Anong pangalan ng transferee?" Tanong ni Boss.
"Veil. 19 years old."
"Yun lang?"
"Oo."
"How about yung ibang impormasyon niya?"
"Wala, Boss. Tanging name at age lang nya ang nalaman namin."
"Lalaki ba?" Tanong ni M.
"Babae ba?" Tanong naman ni X.
Singit na sabay na natanong nina X at M, kaya napatingin ang lahat sa kanila, lalo na kay X. Alam kasi nilang hindi sila tumatanggap ng babae sa section nila. Kase para sa kanila, ang mga babae ay mahihina, at kahit lalaki pa ang bagong transferee, pinahihirapan nila ito hanggang sumuko at hindi na pumasok.
Dahil dito, nakatanggap sina X at M ng masamang tingin mula sa kanilang boss. Napakamot na lang ang dalawa sa ulo nila at bumalik sa paglalaro ng ML.
"N, imbestigahan mo ang bagong transferee," utos ng kanilang boss na si L. "Bilisan mong kumalap ng impormasyon. Kailangan nating malaman kung sino ang misteryosong transferee na 'yan."
"Copy, boss," sagot ni N.
Biglang nagtanong si X, "Boss, paano kung babae 'yung transferee? Ano gagawin natin?"
"Maghanda kayo," sagot ni L, "dahil kahit babae pa siya, hindi natin siya palalampasin. Papahirapan natin siya hanggang sumuko siya at umalis sa section natin.
"Napangisi naman ang lahat sa sinabi ng kanilang boss.
______________________________________
Celeste POV
Pagkatapos kong mag-impake, bumaba ako para kumain. Habang kumakain kami, nagsalita si Dad, "Princess, sa makalawa na ang pasok mo. Ako na ang nag-enroll sa'yo. Kukunin mo na lang ang schedule mo sa principal's office."
"Okay, Dad. Thanks," sagot ko nang nakangiti. Pagkatapos kong kumain, umakyat ako, nag-half bath, at natulog.
Nagising ako sa alarm clock, kaya bumangon na ako at naligo dahil malapit na ang flight namin ni Kuya. Pagkatapos kung maligo, bumaba na ako at dumiretso sa dining area dahil alam kung nandon na sila mom. At tama nga ako, nandoon na sila Mom at Dad kaya umupo na ako sa tabi ni Kuya para kumain ng breakfast.
<Fast forward>
Na nga at nasa plane na kami pauwi ng Pinas. Hinatid kami nina Mom at Dad papuntang airport, pero umalis din agad sila dahil may business meeting silang pupuntahan. By the way, ang suot ko pala ay all-black, which is my favorite color. I'm wearing a black fitted turtleneck tucked into high-waisted black jeans, paired with black ankle boots, silver jewelry, a black leather belt, and a structured black bag. Napahikab naman ako dahil sa antok kaya napag pasyahan kung matulog muna, at nakatulog naman agad ako.
Nagising ako nang may yumuyugyog sa akin. Si Kuya pala.
"Lil Sis, nandito na tayo. Tumayo ka na d'yan at nandito na 'yung sundo natin," sabi niya.
Tumango ako at humikab muna bago tumayo. Antok na antok pa talaga ako. Lumabas na kami ng airport at nakita namin si Mang Robert na kumakaway, kaya lumapit kami at sumakay na sa sasakyan. Mga 6 PM na kami dumating sa bahay, at nadatnan namin si Manang Linda na nagluluto ng dinner.
"Welcome back, Ma'am Celeste and Sir Aiden," bati ni Manang Linda.
"Hello, Manang. Kumusta naman po kayo ni Mang Robert habang wala kami?" bati ko pabalik.
"Okay lang po, Ma'am," sagot ni Manang.
"That's good to hear. Pwede naman kayong manatili dito kahit kailan niyo gusto. Kami lang naman ni Lil Sis ang tao dito dahil busy sina Mom and Dad sa States. Wala nang aasikaso sa bahay na 'to," sabi ni Kuya.
"Maraming salamat, Ma'am, at sa inyo rin, Sir Aiden," sabay na sabi ni Manang at Mang Robert.
"Walang anuman, Manang," sagot ko, at umakyat na kami ni Kuya sa kanya-kanyang kwarto dahil sa pagod at antok. Pagkatapos kong mag-half bath, nahiga na ako at everything went black.
---

YOU ARE READING
The Girl Behind Her Name
Mister / ThrillerA mysterious girl transferred to Celestial Springs Academy and ended up in the mysterious section that everyone fears. The section, merciless in its killings, eliminates anyone who sees their faces in a brutal manner. No one has ever known their tru...