Chapter 1: How It Started

3 0 0
                                    

Chapter 1: How it started

I was just an average 3rd year student of Business Administration when I first met him. Hindi ako yung tipo ng estudyante na masasabi mo'ng sikat. Ngunit di rin naman ako yung tipo ng estudyante na masasabi mo'ng loser. Just an average, normal student. Hindi ganoon katalino, ngunit hindi rin naman bobo. Hindi marami ang kaibigan, pero hindi rin naman walang kaibigan. Hindi rin ako natatanging estudyante na matalino, ngunit hindi rin naman tamad kaya nakakapasa sa konting pagtyatyaga. Maybe some people may view it as boring. But I see it as normal.


But my seemingly normal, boring life was suddenly shaken when I first met him. Not love at first sight. Maybe love at first encounter?


*


"Rachel!" I stopped walking and looked back to see the person calling me.


"Lana." I muttered as she closed up to me then we walked together.


"Sorry, natagalan ako. Late na naman kasi nagpalabas si sir Ramon! Ang dami pang iniwan na assignment." Pagrereklamo ng kaibigan ko.


"Okay lang. Nagpang abot pa rin naman tayo since tinapos ko yung school works sa library para review na lang gagawin ko sa bahay." Saad ko sabay yakap sa mga libro ko na kailangan kong aralin mamaya.


Nag antay kami ng jeep sa harap ng university. Magkaiba kami ng lugar na inuuwian kaya hindi kami pwede magsabay ni Lana sa jeep.


"Bye, Lana" I said to Lana habang pasakay siya ng jeep at kumaway naman siya sa akin.


Mukhang matagal tagal pa ang pag-aantay ko. For some reason, marami ako'ng kalaban ngayon sa jeep na same ng route ko. Kaya naman nung may nakita ako na isa na lang ang kulang, agad ko itong pinara. Pasakay na sana ako nang biglang may humila sa bag ko kaya napaatras ako nabitawan ko ang librong dala ko.


Inis akong napalingon sa humigit sa bag ko at agad ko'ng nakita ang lalaking estudyante na nakangiti na parang humihingi ng paumanhin.


"Sorry, miss. Kanina pa kasi si lola dito sa antayan. Okay lang ba na paunahin na natin siya?" Aniya sabay turo sa isang matanda na mukhang kanina pa nga nakatayo dahil nakita ko na siya nung dumating kami ni Lana. Agad naman akong binagabag ng konsensya ko kaya lumingon ako sa matanda.


"Sige na po, lola. Sakay na po kayo." Mukhang natuwa naman yung estudyante na nanghigit sa bag ko at dali daling inalalayan si lola hanggang sa makaupo siya sa bungad ng jeep. Kinuha niya rin yung nalaglag na libro ko at binigay ito sa akin.


"Here. Pasensya na ulit ha? Naawa lang kasi talaga ako kay lola." He said while scratching his nape. Medyo na cute-an naman ako sa kanya. He has nothing to say sorry for kasi it was for an elder naman. Although, I think he can ask me in a nicer way instead of pulling my bag. Or maybe he panicked.


"No worries. I actually appreciate nga yung ginawa mo para sa lola. Not everyone can do that." I smiled at him.


"Naawa na kasi ako. Ah, my name is Vans nga pala. Nice to meet you."


"I'm Rachel. Nice to meet you too." I said with a smile. Inabot niya kamay niya kaya nakipag kamay din ako. Medyo awkward kaya natawa kami parehas.


And at that moment, I knew, he lit up a small part of my heart.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OFFLINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon