XHENLEY'S POINT OF VIEW
Tahimik kong tinatahak ang hallway patungong library upang ibalik ang libro na aking hiniram last week. I was about to turn right nang mahagip ng mata ko si Sapphire. At kahit na nasa second floor ako ay kitang kita ko sila ni Aikee na magkaholding hands sa may parking area. Something's fishy, napapansin ko na 'yon kahit last sem pa pero hindi ako nagtatanong sa best friend ko. Hindi ako mahilig magtanong tungkol sa mga nangyayari kay Sapphire, hinihintay ko lang na magkwento siya.
"Sila rin pala ang tinitingnan mo?" Napalingon ako sa nagsalita, and I was right kung sino 'yon. Si Ezekiel. He was staring at me which made me feel the weird thing again. Para akong hindi mapakali tuwing malapit si Ezekiel sa akin but at the same time masaya akong nakikita siya.
One week na ang lumipas mula ng aminin ni Ezekiel sa akin na gusto niya ako. And since that day, I tried my best para iwasan siya. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa kong pag-iwas dahil may parte sa akin na nasasaktan lalo na kapag nakikita ko ang lungkot sa mata ni Ezekiel.
Marahan na naglakad si Ezekiel papalapit sa akin habang ang aming mga mata ay nakapako sa isa't isa. Nang matanto kong ilang hakbang na lamang siya sa akin ay marahan naman akong humakbang paatras pero agad niya akong hinawakan sa kamay.
"Iniiwasan mo pa rin ba ako, Xhenley?" Tanong ni Ezekiel. Agad kong binawi ang aking kamay dahil sa takot na may makakita sa amin. Daddy told me na kahit saan man ako magpunta ay nakikita niya ang ginagawa ko at kung sino ang kasama ko. Ayaw ni Daddy na lumalapit ako sa mga lalaki at lagi niyang sinasabi na mapapahamak ang sino man na susubok na lumapit sa akin. Pero naisip ko rin na hindi totoo ang sinabi ni Daddy dahil sa tagal ko ng best friend si Sapphire ay hindi pa rin niya 'yon nababanggit sa akin sa tuwing pangangaralan niya ako.
"Mauuna na ako, kailangan ko pang dalhin itong libro sa library." Wika ko saka tinalikuran si Ezekiel pero agad itong humarang sa daraanan ko. Ngumiti ito sa akin pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Gusto mo ba talaga na layuan kita, Xhenley? Gusto mo ba talaga na iwasan kita at kalimutan ang nararamdaman ko para sayo?" Saad ni Ezekiel. Nanatili akong tahimik at tila hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong niya. Tumango at ngumiti sa akin si Ezekiel saka bagsak ang balikat na tumalikod sa akin.
"Ezekiel," Tawag ko na nagpahinto kay Ezekiel sa paghakbang ngunit nanatili itong nakatalikod sa akin. Huminga ako ng malalim saka naglakad papalapit sa nakatalikod na si Ezekiel.
"Hindi ko gusto na lumayo ka, hindi ko rin hihilingin sayo na pigilan mo ang nararamdaman mo para sa akin." Saad ko na nagpaharap kay Ezekiel at kitang kita ko ang ningning sa kaniyang mga mata. Alam kong hindi ko dapat sinabi 'yon at dapat ay talagang iwasan ko siya. Pero iniisip ko pa lang na lalayuan niya ako ay tila may kirot akong naramdaman.
"So, can I ask you out?" Tanong ni Ezekiel na tila nagpabilis ng tibok ng puso ko pero agad din 'yong napawi ng muling pumasok sa aking isipan ang imahe ni Daddy na galit sa tuwing may nagagawa ako na hindi niya gusto.
"No," Sambit ko na nagpawala sa ngiti ni Ezekiel.
"No? Pero akala ko," Saad niya na tila naguguluhan na sa akin at kahit ako man ay naguguluhan na rin sa kung ano ba ang gusto kong mangyari.
"Ayaw kong mapahamak ka, hindi matutuwa ang Daddy ko kapag nalaman niya ang tungkol sayo lalo na sa nararamdaman mo para sa akin. Mas okay kung magiging friends na lang tayo," Wika ko na kahit ang sarili kong puso ay hindi sang-ayon. Ngumiti si Ezekiel sa akin na tila na gets niya ang sinasabi ko, pero ako, heto, hindi makagawang ngumiti dahil hindi tugma ang sinasabi ko sa gusto kong mangyari.
"Bakit ka ngumingiti? Hindi ka ba natatakot sa maaring gawin ng Daddy ko sayo?" Tanong ko kay Ezekiel na hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.
"Hindi, hindi ako takot, wala naman akong masamang ginagawa. Malinis ang hangarin ko sa anak ni Atty. Monte Verde at wala akong dapat ikatakot dahil nagmamahal lang ako." Saad ni Ezekiel na nagpatahimik sa akin. Mahal? Mahal niya ako?
YOU ARE READING
MVGS04: FRAGMENTS
Teen FictionMONTE VERDE GIRLS SERIES 01: FRAGMENTS As he reminisces, he ends up wanting her back in his life. But in her mind, he was just a FRAGMENT of her memory that she couldn't clearly remember. © 2024 ELLE MARI. ALL RIGHTS RESERVED.