"Ayyy ang likot ng anak ko." Sabi ni May habang hinihimas nito ang tiyan niya. Ramdam na ramdan niya ang paggalaw ng anak niya sa kanyang tiyan as May is eight months pregnant.
"Hala, sana all buntis." I said.
"Hay paano ka mabubuntis, wala ka pa ngang jowa. Maghanap ka muna ng chupapi." Balik nito sa akin. Ganito kami mag-usap ni May sa office, 2 years na kaming officemates at dahil halos sabay lang kaming pumasok dito kaming dalawa ang magkasundo. We're working in finance at pareho kaming management engineering graduate ni May. Magkaedad lang kami, pero si May...she decided to build a family at the age 24 together with her high school sweetheart.
Pwede naman pala nang ganon Lord, ba't ako wala pang bebe. Mag tutwenty five na ko, ganyan ka pala sa iba. My thoughts while looking at May's big and round tummy. Nagkaboyfriend naman ako during college days kaso hiniwalayan ko rin kasi nambabae ampucha, hindi naman gwapo tapos mataba at maliit pa. Hindi ko nga alam kung paano ako nagkagusto doon.
"Eh kung pumayag ka na kasi makipag blind date, ang dami kong nirereto sa'yo ayaw mo naman." Sabat ni Kuya Kent. He is our boss in our team. Akala ko noong una masungit siya, hindi kasi ngumingiti pero kinalaunanan, naging magkaclose na rin kami at sobrang concern nga niya sa love life namin, wala siyang ginawa kundi i-bugaw ang mga single sa office na 'to. Hindi nakapag tataka na nabansagan siyang Kent the matchmaker.
"Eh busy pa ako, sa hindi ko afford makipagdate jusko in this economy, kulang pa 'yon pambili ng sunscreen ko para sa skin care." Sagot ko dito.
"Ewan ko sa'yo. Nagrereklamo kang walang jowa tapos pag binubigaw ka ayaw mo naman." Balik ni Kuya Kent.
"Omsim." Dagdag pa ni May
"I-promote mo na kasi ako, kuya para tumaas sweldo ko. Promise makikipag date na ako after non." Biro ko dito, malay mo makalusot hehe.
"Wait ka lang jan, masyado kang mainipin e." Balik nito.
Lagi na lang nitong iniiwasan kapag usapang promotion na, tagal ko ng nagbibida-bida sa office pero wala pa rin naiinip na ko. Kapag talaga nagthree years ako sa company at wala pa, aalis ako dito.
"Sige na nga." Ito na lang ang nasagot ko. "San kayo, kakain? Baba ako may ipapasabay ba kayo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Pass may baon ako." Sabi ni May.
"May baon din ako." Sagot naman ni Kuya Kent.
As usual, may mga baon sila pineprepare ng mga asawa nila. Lord ang unfair. Bilang tamad at feeling disney princess, wala talaga akong time bumangon ng maaga at magprepare ng breakfast kaya palagi akong bumibili sa baba.
"Oh siya baba na ako." Pagkasabi ko ay tumayo na ako para bumaba at humanap ng bibilhan ng pagkain.
Pagbaba ko ng elevator wala pa rin akong maisip kung ako gusto kong kainin kaya naman ng-ikot ikot muna ako sa vicinity ng building. Since business center ito, maraming mga kainan paglabas pa lang sa office from high end restaurat to budgetarian.
At dahil ng nagtitipid ako at hindi pa ako napo-promote, dito muna ako bibili ng pagkain sa Lawson. Keri naman pagkain dito eh, mas masarap sa 7/11.
I entered the store nag nagsimula na akong mag browse kung ano ang masarap for lunch. Pumunta agad ako sa center aisle, puro chocolate lang naman kasi yung makikita sa first aisle, at tinapay at ref ng mga drinks naman sa last aisle.
Okay naman sa Lawson, kaso ang problema sa branch na 'to maliit lang yung store kaya naman limited lang din ang space.
Napansin ko yung cup noodles sa pinakabottom ng istante kaya naman umupo ako para tignan at kunin ito. "Parang gusto ko mag cup noodles lang, mukhang masarap to ah kakapanood ko lang kagabi ng kdrama nakita ko 'tong kinakain ni Song Joong Ki."
BINABASA MO ANG
New Horizon | Archie & Roxy Fanfiction
FanfictionArchie's life takes a dramatic turn when he decided to end his relationship with his long-time girlfriend as he feels unloved anymore because of his serious illness. The breakup leaves him drowning in loneliness, struggling to move past the emotiona...