Chapter 1: °Sino si Nathan Angelo?°

573 12 10
  • Dedicated kay KathNiel Lovers
                                    

Chapter 1: Sino si Nathan Angelo?

May biglang pumasok na 1st year student sa maingay na classroom ng mga 4th year. Pumunta ito sa isang grupo ng mga babaeng naguusap.

"Uhm, h-hello po." sabi ng dalaga.

"Anong gusto mo, dear?" sabi ng isa sa mga babae.

"Ah, pwede po ba magtanong tungkol sa kaklase niyo?"

"What about it?" sabi ng isa pang babae sa grupo.

"Paano niyo po madedescribe si Nathan Angelo?" sagot naman nito.

Isa-isa namang sumagot ang mga babae sa grupo.

"Si Angelo yung pinakagwapong lalake sa Bridgestone Academy ^o^"

"Angelo? Yan ang top ng class namin. Hindi bumababa sa 94% ang mga grade niya."

"Si Gelo? Ay sobrang bait niyan. Nakakatawa nga eh kasi ang alam ko, kapag mayaman at gwapo ang lalake, mababa ang grades at pasaway. Tapos playboy o cassanova pa. Pero si Gelo, ibang iba sa kanila."

"Yang si Angelo ang crush ng halos lahat ng babae sa buong school na toh. Pinaghahabol iyan ng mga babae noh."

"Psh. Manhid yang lalaking yan. Di manlang mapansin at maramdaman na deeply in love na ang bestfriend niya sa kanya. Dinedeny nga niya na siya yung crush ng bayan."

Lumapit naman ang freshman sa mga grupo ng lalake sa may gilid ng classroom. Kinalabit niya yung isang lalakeng nakatalikod ngunit hindi ito humarap sa kanya. Isang malamig na "Anong kailangan mo?" ang lumabas sa bibig niya.

"u-uhm, sino po si Nathan Angelo sa inyo?" halatang kinakabahan ang dalaga dahil sa pagkasabi ng lalakeng nakatalikod.

"Si Gelo ba?"

Tumayo yung lalake at biglang humarap sa babae at sinabing, "Ako yun. Anu pong kailangan nila?"

Nawala naman ang kaba ng babae dahil naging sweet yung boses ng lalakeng hinahanap niya.

Angelo's POV

Bigla na lang akong hinila nung babaeng kumalabit sakin. Freshman ata yun? Hindi niya ko kilala eh.. Dinala niya ko sa labas ng room namin papunta sa school garden. Buti wala pa yung teacher namin. Pagkadating namin sa garden bigla siyang umupo sa isang bench at sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya. Sinunod ko naman.

"Uhm, sorry po kuya Angelo at bigla nalang kitang kinidnap bago pa magsimula yung klase niyo.."

Haha. Natawa naman ako sa sinabi niya. Kinidnap daw. HAHAHA

"Yung mga kaibigan ko kasi eh pinilit akong iinterview ka daw.."

"ahahaha. Ganun ba? Ang epic naman mga kaibigan mo."

tapos nginitian ko siya.

"Ok lang po ba yun kuya?"

"Oo sure basta't wag mo na akong i-po. May kuya na nga eh. Feeling ko tuloy ang tanda ko."

"Eh sige p-I mean kuya Angelo."

May inilabas siyang notebook galing sa bag niya. Anung gagawin niya dun? Huwag mong sabihing idro-drawing niya ko???

"Ah, hehe.. Sinulat ng mga kaibigan ko yung gusto nilang patanong."

"O sige."

"Unang tanong, ---"

Bago pa niya sabihin yung tanong may siningit ako

"Wow feeling ko nasa The Buzz ako... Pero walang audience."

It Started With A CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon