Prologue

5 0 0
                                    


Disclaimer
The characters, names, places, events, and incidents in this story are entirely fictional and the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or to real events is purely coincidental. The story is not intended to reflect or copy any real-life individuals or situations. All creative elements are original and stem from the author's mind.


CAPTIVATED SERIES #2
Fragments of a Lost Heart


"Hindi pa ba siya nabalik?" tanong ni Renz habang naglalakad kami palabas ng hospital.



Inismiran ko siya at umiling. "Hindi na siguro... Mabuti na ngang ganon." sabi ko na lang.



Inakbay niya ang mabigat na braso sa akin. Pinagtinginan tulog kami ng mga ka co-nurses ko at mga nagbulungan.




Hindi naman kasi nila ako nakikitang ganito sa mga lalaking nakakusap ko. Or what i mean wala naman kasi akong pinapakilalang lalake sa kanila. Miski ang mga kaibigan ko ay hindi ko pinapakilala sa kanila.




"Hindi iyon mabuti. Hindi naman pedeng tumanda kang dalaga." tawa niya.




Nang makalabas kami ng hospital, naglakad kami papunta sa parking para sumakay sa kotse niya.




"Siguro nga ay mas mabuting huwag na lang akong mag-asawa," sabi ko at bahagyang natawa.




Siguro nga hanggang tumanda ako, puro pasyente na lang ang aasikasuhin ko. Wala namang iba, diba? Wala namang darating, wala namang babalik. Kahit na nasa Pilipinas na siya, hinding-hindi na niya ako babalikan pa.




"May kakilala ako. Tropa ko, mabait 'yun, gusto mo, reto kita?" ngising tanong ni Renz.



Natawa ako at umiling. Pero nawala ang ngiti sa muka ko ng makita ang taong nasa harap namin.




Miski si Renz ay natigil din nang makilala kung sino ang nasa harap namin. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa braso ni Renz na nakaakbay sa akin. Ibang-iba na siya. Ito na naman ang puso kong hindi matigil sa pagtibok.



Ilang taon din itong hindi tumibok ng ganito kabilis. Akala ko ay hindi ko na mararamdaman ito ulit. Akala ko ay hinanda ko na ang sarili kong huwag na ulit makaramdam ng kung anong pagmamahal sa kanya pag nagkita kami ulit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fragments of a Lost Heart (Captivated Series #2)Where stories live. Discover now