PAG-IBIG

5 0 0
                                    

Ibinigay ko ang aking pag-ibig sa isang lalaki na nakilala ko lamang sa social media, napakahirap isipin na nabighani ulit ako sa taong nakilala ko lamang sa social media. Bakit ang bilis ko mauto? Mauto sa mga matatamis na salita na kayang mawala ng ilang sigundo, isa ba akong langgam para maakit sa mga matatamis nyang salita?

Bakit ba ako nauuto at nabobola sa mga ganto kahit alam kong walang mararating ang mga salitang ito, nais kong malaman bat ako ganto, ganto ka tanga sa pag-ibig. Sa dami ng mga payo ko sa mga kaibigan ko, bakit hindi ko maipayo sa sarili ko? Bakit ang hirap kong mahalin?

Unsay nahitabo kanatong mga pilipino, nganong dali man ta mahigugma sa tawo nga dili nato makita sa personal, nganong dali man ta mahigugma sa mga taong hanggang salita lang? Hindi ko alam anong tawag sa gantong pag-ibig ngunit alam kong iba ito sa totoong pag-ibig, totoong pag-ibig kung saan ang dalawang pusong nagmamahalan ay pantay at alam ang nadarama ng isa't-isa.

Ang pag-ibig ay dapat pantay at hindi isang panig. Dalawang pusong nagmamahalan sa isa't-isa, dalawang pusong kayang intindihin ang isa't-isa kahit madalas nagkakaroon ng sagutan. Ang iyong kuwento ng pag-ibig ay mananatili sa iyong desisyon, ikaw lamang ang makakabuo nito. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAG-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon