Lahat tayo nagkakagusto at iba iba taste natin. hindi talaga natin maiiwasan ma-inlove' yung iba nga unang kita palang gusto na kaagad. yung tipong dipa nila kilala pero gusto na agad nila. nahulog na agad ang loob nila sa taong kakakita lang nila, ang tawag daw dun ay love at first sight.
Naniniwala ako sa love at first sight dahil naranasan kona rin mainlove agad sa taong di ko pa naman nakakausap ni minsan.
Tandang tanda kopa kung san ko sya unang nakita at yung mukha nyang sobrang gwapo at yung katawan nya na may kalakihan, at yung mga mata nyang walang ka emosyon emosyon.
enrollment non nung nakita ko sya.
tumatakbo ako papalapit sa pila ng enrollment, ng makakalapit na sana ako ng may biglang nakabangga sa akin.
"Ouch ang-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ang kabuohan ng taong nakabangga sakin. shutakte ang pogii!!
wag ka ngingite girl, wag magpapahalata na naaattract ka sa kanya. shutakte naman kasi! bakit ganyan pagmumukha nang lalaki na ito.
"I'm sorry I didn't mean to bump into you." saad nya at inilahad ang kamay nya para tulungan akong tumayo.
pag asa mo na to sana girl, kaso hindi pwedeng ipahalata na nahulog agad ang loob natin sakanya.
Tumayo ako na hindi ko inilalahad pabalik ang kamay ko sakanya, pinagpagan ko ang pwetan ko at tinignan sya ng seryuso, pero deep inside gusto konang mag wala.
"Okay lang." saad ko at nilagpasan na yung poging lalaki.
lumingon ako sa likuran ko para sana tignan kung andun pa yung lalaking pogi, sana magkita ulit kami or kapag nagkita ulit kami nako magpapapicture talaga ako.
umuwi akong malaki ang ngiti sa labi, halos sila mama nagtataka kung bakit sobrang laki na ngiti ko.
"Oh bakit ganyan mukha mo iha" sabi ni ate, buntis ito at sobrang laki na talaga ng tyan nya hindi tulad dati na hindi pa halata.
"ikaw talaga buntis ang dami mong napapansi-"
*Pop*
arayyy! ganito ba talaga mga buntis kapag hindi sila sinasagot ng maayos? HUHUHU ang sakit
"aray naman ate! nag bibiro lang naman ih" sabi ko at sumimangot, "Happy lang ako teh kasi naman nakapag enroll na ako sa gusto kong university." at nakita kona yata ang the one ko. charot HAHAHAHA hindi ko nga alam kung magkikita pa kami ni pogi.
Mahirap lang kami pero may sarili naman kaming tindahan na bubuhay samin, at sarili din namin itong bahay. ang kaso ngalang yung kuryente talaga ang problema. minsan kasi mahina lang ang tinda namin at nalulugi na rin kami.
pero kahit na ganun masaya naman kami sa buhay namin, minsan hindi' kasi tuwing nakikita ko si mama na naiyak, naluluha din ako.
buti nalang talaga si ate nakapag tapos ng pag-aaral, kaya ngayong buwan na setyembre ay malapit na sya manganak kaya makakahanap na sya ng work.
kung tatanungin nyo kung nasan yung asawa ni ate or may asawa ba sya, syempre meron ang kaso namatay yung asawa nya nung pauwi sa amin. nung nalaman nya kasing buntis si ate ay sobrang saya nya at nagmadali syang pumunta dito ayun nabangga, di kasi nag iingat.
djkl.
YOU ARE READING
My Crush Is A gay
Romancemy cruh is a gay, but i love him or her, kahit na ganun sya. I support him' because i love him, kahit hindi maging kami it's okay, basta hindi ko sya naaapakan. -Miona Jaine Reyes