53

118 8 6
                                    

Final Chapter, who?

(Huwag niyo ko ikick HAHAHAH)




































I slowly open my eyes when I heard noise. Nilibot ko ang paningin ko only to realized I was in my room. I tried to remember what happened but the last thing I knew was when I was driving home and I hit a car.

Dahan-dahan akong tumayo sa kama at naglakad palapit sa bintana. I looked around and noticed that it was so peaceful. I wonder why there's no one outside. Everything looks alive and the weather was so beautiful.

"Mahal..."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakita si Amando na nakahawak pa sa pinto at nakatingin sa akin. He was wearing an apron.

"Nagising ka ba nila?" nagtaka ako sa sinabi niya at mukhang napansin niya 'yon kaya lumapit siya sa akin. "Tara sa baba, nagluto kami ng breakfast."

He held my hand kaya napatingin ako doon habang bumababa kami ng hagdan. I kept looking at him kaya nang makarating kami ng living room ay huminto siya.

"May problema ba? Alam kong may dumi ako sa mukha dahil ang kukulit ng mga anak mo."

Tumawa siya bago punasan ang pisngi na may harina. Agad na nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka dahil sa sinabi niya.

"Anak?—"

"Mommy! Mommy!" agad nalipat ang mga mata ko sa dalawang paslit na mukhang nasa 7 years old na. "Good morning!" halos sabay nilang bati at dagliang yumakap pa sa dalawang hita ko.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila para alalahanin kung sino ba sila. Napansin ko ang sobrang pagkakahawig nila na para bang pinagbiyak na bunga.

Nang mapansin ni Amando na nakatitig lang ako sa dalawang bata ay nagsalita na siya bago niya bahagyang ilayo sa akin ang mga bata.

"Huwag niyo munang kulitin ang mommy niyo. Kagigising lang niya."

"Mommy, are you hungry? I helped Daddy with the pancakes—" sabi ng batang babae na nakapigtail ang mahabang buhok.

"Liar, puro kain ka lang kanina. Mommy, ako talaga tumulong kay Daddy—" sabat naman ng batang lalake.

"No, ako kaya!"

Nagsimula silang mag-away kaya agad silang inawat ni Amando habang nakatitig lang ako sa kanilang tatlo.

"Mga anak, kumalma kayo. Ako ang nagluto ng pancake hindi kayo..."

"Daddy!" sabay nilang atungal kaya agad na tumawa si Amando bago magtago sa likod ko dahil tinignan siya ng masama ng dalawang bata.

"Jusko, manang mana sa'yo ang mga anak mo." bulong niya sa akin kaya nabalik ang pagtitig ko sa dalawang paslit sa harapan ko.

"I heard that..." seryosong sabi ng batang babae.

"Me too..." gatong ng batang lalaki.

"Alam niyo, sumasakit na ulo ko sa inyong dalawa. Halina muna kayo doon sa mesa at kumain na tayo." nauna si Amando at agad na sumunod ang dalawang bata sa kanya.

Mahinahon lang ang lakad ko habang pinapanuod sila sa mga ginagawa nila sa kusina. They are all busy preparing for breakfast.

"Mommy, you sit here..."

"Kuya Aaron, ang daya mo! Ikaw katabi ni Mommy kahapon. Ako naman ngayon..." nakangusong reklamo ng batang babae.

"Alliyah, ikaw na nga katabi ni Mommy matulog every night ako sa tuwing kakain lang."

"Kahit na. Mommy..." humawak sa kamay ko si Alliyah na para bang nagmamakaawa. "Tabi tayo..."

"Mommy, ako tabihan mo. Ako kumakain ako ng gulay..."

Narinig ko ang tawa ni Amando kaya halos sabay kaming tatlo na napatingin sa kanya.

"Talo ka na, Alliyah. Kumakain ng gulay ang Kuya Aaron mo, ikaw hindi... Mahal, kay Aaron ka tumabi..."

"Daddy! Bakit mo palaging kinakampihan si Kuya?!" nagsimula ng umiyak si Alliyah kaya mas lalo siyang inasar ni Aaron.

"Tignan mo, Daddy. Iiyak na naman oh."

"Sa gitna niyo na lang ako..." agad nahinto ang iyak ni Alliyah at namilog ang mga mata niya nang magsalita ako. Ngumiti ako bago punasan ang luha niya.

"Bleeh, love ako ni Mommy..." pang-aasar niya kay Aaron bago umupo sa kanan ko.

Tahimik lang silang kumakain habang paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanila. Abala si Amando sa pag-aasikaso sa mga bata kaya lihim akong napapangiti.

Was this the future we've always been dreaming?

"Pero, in all seriousness... if magkakaroon ka ng anak, do you want boy or girl?"

"Gusto ko ng kambal."

"Kambal, anong gagawin pagkatapos kumain?" tanong ni Amando bago lagyan ng mga prutas ang mga plato nila.

"Matulog..." sagot ni Alliyah kaya mahina akong natawa. "Joke lang, Daddy." nagpeace sign pa siya na nakadagdag sa pagkacute niya.

"Alliyah should wash the plates, Dad. Tamad siya masyado eh." pang-aasar ulit ni Aaron.

"Why me? I already washed plates yesterday!"

"Malamang, kahapon 'yun. Alliyah, you should know how to be responsible. Babae ka pa naman." seryosong sabi ni Aaron.

Namana niya kay Amando ang pagiging seryoso at responsable. Habang si Alliyah ay nagmana ng pagiging reklamador ko. Alliyah got her features from Amando and Aaron got mine— a perfect combination from us.

"Mommy, what are you thinking? Hindi ka masyadong nagsasalita..." it was Aaron habang nagpapaint. Mukhang namana niya 'yon sa akin.

We were outside the mansion— cliff to be exact. They put white blanket while we were watching the ocean view in front of us. Nakasilong din kami sa lilim ng puno.

"Mommy, why are you so quiet?" nakisingit naman si Alliyah at naupo sa harapan ko. Natatakpan ng buhok niya ang mukha niya dahil sa lakas ng hangin. Ako na mismo ang nag-ayos 'non habang nakatitig sa kanya.

"Can I hug you both?" agad nila akong niyakap ng mahigpit bago ko maramdaman ang pagbagsak ng luha ko.

"Why are you crying?" pinunasan ni Aaron ang luha ko habang si Alliyah ay napapakagat sa kuko niya. "Hala ka, Alliyah. You made Mommy cry again..." pananakot niya sa kapatid.

"What did I do? I just hugged her, Kuya!"

Kahit umiiyak ako ay nagawa pa rin nila akong pangitiin ng mga sandaling iyon. "Mahal na mahal kayo ni Mommy..."

"We love you too, Mommy." niyakap nila ulit ako.

"It was never your fault, Mommy." napamulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Aaron. Napatingin ako sa kanya bago niya punasan ang mga luha ko. "Don't blame yourself..."

"I love you, Mommy." hinalikan ni Alliyah ang pisngi ko bago ako yakapin pabalik.

"Tita..." agad akong napalingon sa paligid ng marinig ko ang boses ni Rebecca. "We're here..."

"Mommy, what's wrong?" napatingin ako sa kambal.

"Do you hear that?" pareho silang natahimik bago ako tumayo at hanapin ang boses ni Rebecca.

"Tita, wake up..."

"Mommy, we can't hear anything..." tumayo na rin sila pareho bago hawakan ang magkabilang kamay ko. "Mommy, there's no one here."

"Mommy..." namumuo ang luha kong napatingin sa kanilang dalawa. "Stay here..."


————————————————————————



*KASSANDRA*

Living as PalaciosWhere stories live. Discover now