Third Person's POV
Mahigit tatlong daang taon na ang nakakalipas mula nang mangyari ang unang sakuna na tumama sa Lestariasra Empire. Sariwa pa sa alaala ni Soras ang buong pangyayari ng gabing iyon. Ang sumpa, ang mga kamatayan, at ang kaniyang mga kaibigan, maging ang babaing minamahal.
Natatandaan niyang nangyari ito sa taong apat na daan at siyamnapo't anim (CDXCVI) o umiikot sa taon na iyon. Ngayon ay nasa taong walong daan at pito (DCCCVII) na sila sa kasalukuyan. Napakatagal na taon na kung tutuusin.
Natatandaan din niyang sa orihinal niyang buhay, ang kapanganakan niya ay umiikot sa taong apat na daan at pitongpo't walo (CDLXXVIII). Ngunit yun ay masyado ng malabo sa kaniyang alaala.
Ang kaibigan niya noon na si Soele ay hindi nila akalaing ipapanganak ng kaniyang asawa, ni Elaria, na pinangalan nilang Eos Layton. Nalaman lamang nila iyon nang sa paglaki nito ay unti-unti itong nagpapakita ng mga senyales na siya ang dating Soele na namatay at muling ipinanganak sa taong pitong daan walong pu't siyam (DCCLXXXIX).
Nang mapagtanto ang katotohanan tungkol sa anak ay ibinalita nila ito sa mga naging matalik na kaibigan nila sa kanilang pangalawang buhay, kay na Hairi at Noziel. Duon din ipinagbigay alam ng dalawa ang tungkol kay Norn na ipinanganak naman sa taong pitong daan at siyamnapo (DCCXC).
Hindi nila maunawaan ang mararamdaman sa isat-isa. Noong tumuntong sila sa legal na edad, sa ikalawa nilang buhay, bumalik ang alaala nila sa nangyari noon mahigit tatlong daang taon na ang nakakalipas. Sinabi nila ang katotohanan sa kanilang mga magulang, kaibigan, at maging sa Exí Archés.
Ang bagay lamang na inilihim ni Soras at Elaria ay ang tungkol kay Norn at Eos. Tungkol sa pagkabuhay muli ng dalawa at tanging kay na Hair at Noziel lamang na naging matalik nilang mga kaibigan. Tanging ang pabuhay lamang nila ni Elaria ang ipinaalam nila sa iba.
Tunay na naging komplekado ang kanilang sitwasyon. Sa una ay nalilito rin sila lalo na sa mga pangyayari. Subalit binibigyang linaw iyon ni Norn sa pamamagitan ng sulat. Nagpadala ito ng mga liham mula nang magka-usap sila noon sa pagamutan ng akademya.
Pero alam nilang may itinatago pa ito na kanila namang inirerespeto. Hindi madali ang buhay na natanggap nila mula ng sila ay mapatay at isumpa ang kanilang mga kaibigan. Naiwan pa nilang nag-iisa si Venisha sa mga panahong alam nilang hindi pa nito kaya ang mapag-isa. Subalit ito ay nagpakatatag.
“Ano ang iyong iniisip riyan?” Anang boses mula sa kaniyang likuran. Naruon ang kaniyang asawa, si Elaria, papalapit sa kaniya sa loob ng kaniyang opisina.
“Wala naman. Mahirap isipin ang problema ngayon.” Tugon naman niya na ikinangiti lamang ng munti ng emperatris.
“Kung ano man ang gumugulo sayo ngayon, tandaan mong hindi lamang ikaw ang namumuno sa buong emperyo. May edad na tayo pero hindi naman yun basehan upang hindi tumanggap ng tulong mula sa ating mga kaibigan. Marahil ay naipit tayo gulo ng ating kabataan subalit magagawa natin itong malampasan. Malaki ang tiwala ko sa taong iyon.” mahabang saad nito na ikinangiti rin ni Soras.
“Malaki rin ang tiwala ko sa kaniya, sa kanila. Inaalala ko lamang si Eos. Nasa walong taong gulang na siya at hindi tayo nakakasiguro kung kailan babalik ang alaala niya.” aniya at muling tumingin sa labas ng bintana.
“Kahit ako ay nag-aalala rin. Siguradong mahihirapan ang ating anak na harapin ang buong katotohanan. Kanina nga ay dumating ang liham niya. Ipinaaalam niyang ibinahagi ni Nornea ang nangyari noon. Mga bagay na tungkol sa atin, sa kaniya, at sa ating anak na si Eos. Subalit ramdam daw niya na may mas malalaki pang lihim ng kanilang nakaraan na hindi pa handang ibahagi ni Nornea. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit tila walang epekto iyon kay Eos. Tila hindi nito naaapektuhan ang kaniyang alaala pabalik.” nalilitong salaysay nito sa nabasang sulat ng anak.
BINABASA MO ANG
The Eternity's Lie 1: Knight's Tale
FantasyNorn, a seventeen years old lady, have a life full of mystery. Everyone wonders if she can even feel emotion. Simula ng matapos ang 4th phenomenon ay nawala na rin ang kakayahan niyang makaramdam. Ngunit nawala nga ba ito? O sadyang inilayo niya lam...