“Annie, TRUTH OR DARE?” Tanong ni Mandi sakin. Nasa school kami ngayon, walang klase kasi may general meeting yung mga teacher kaya nakakalaro kami, nang nilalaro namin ngayon. Hindi naman talaga ako sasali sa larong ito,kung hindi dahil sa napansin ko na, kung hindi ako sasali magmumukhang tanga at KJ lang naman ako, kasi ako lang kung saka-sakali ang hindi sasali, lahat kasi sila pati mga lalaki sumali. At sa kasamaang palad, ako talaga ang unang natamaan nang bote. Pag sinisuwerte ka nga naman o.
“ DARE.” Sagot ko kay Mandi, humiyaw naman bigla ang mga kaklase ko.
“Ang tapang mo Annie ah!” classmate 1. Tumingin ako kay Mandi, at may binulong ang isang kaklase ko sa kanya, at biglang ngumiti si Mandi, parang I smell something fishy.
“Okay! I DARE YOU TO KISS THE PERSON YOU LIKE, AT SA LIPS.” Tulala ako sa dare niya sakin. Seryoso ba siya? Alam naman niya na bawal ang PDA dito, tapos yun yung ipapagawa niya sakin. Catholic School kaya ang pinasukan namin.
“Pero… diba bawal yun?” reklamo ko, hindi naman kasi sila ang magka-detention kung saka-sakali na mahuli ako, ako lang naman kasi.
“So hindi mo kaya? Hindi mo pa nga nasusubukan, sumusuko ka na?” hamon naman ni Mandi sakin. Sa totoo lang napaka-hirap nang pinapagawa niya sakin, sa taong gusto ko pa talaga. Eh ang hirap ngang lumapit dun, tapos hahalikan ko pa.
“Okay I’ll do it!” tumayo ako, at lumabas nang classroom namin, tumayo naman silang lahat at sinundan ako hanggang sa may pintuan namin. Habang papalapit na ako sa classroom nila, nanginginig ang buong katawan ko, hihimatayin yata ako eh, ba’t ba kasi ako sumasali-sali sa larong ‘to. Pagdating ko sa classroom nila, tumalikod ako, aatras nalang ako, bahala na kung ano ang isipin nila, basta hindi ko kaya. Bumalik ako sa classroom namin.
“No I can’t do it!” Sabi ko sa kanila, as expected tumawa silang lahat. Ano ba ang nakakatawa sa ginawa ko, muntik na nga akong himatayin sa nerbiyos tapos pagtatawanan pa ako.
“As expected! So the consequence,isasayaw mo ang pangalan nang gusto mo. Siguro yan, magagawa mo na.”
“What?! Pa’no ko gagawin yan?” Clueless ako kung ano ang ibig niyang sabihin, eh sa hindi ako magaling sumayaw at wala akong passion dun.
“Easy, gamit ang butt mo, isasayaw or i-foform mo ang pangalan nang taong gusto mo. Naiintindihan mo na?” Now I get it. Kahit na sobrang nakakahiya, isinayaw ko talaga ang pangalan niya. Tawa naman nang tawa ang mga classmates ko, nakakuha nga kami nang atensiyon nang ibang estudyante, kasi panay silip kasi sila samin. Ang haba naman kasi nang pangalan niya, kaya ang tagal kung natapos. Pagkatapos kung “sumayaw”, bumalik kami sa aming laro. Nagtataka siguro kayo kasi parang alam na nang mga classmates ko, kung sino siya, kasi pinakilaman lang naman kasi ni Mandi ang cellphone ko at dun niya nakita ang pinakatinatago kung picture niya at yun nalantad sa madlang people, pero sa tingin ko hindi niya alam hindi naman kasi ako tinutukso nang mga kaklase ko sa kanya kapag nagkakasalubong kami, parang wala nga lang sakanila eh, at lahat naman ata kaming mga babae dito may crush sa kanya. Perfect Prince Charming na sana, kaya lang may sabit, wala naman kasing perpekto lahat tayo may kulang at siya? Babaero lang naman, hindi ko nga alam kung bakit gusto ko siya eh,halata namang wala siyang gusto sakin, baka nga hindi niya ko kilala. Buong araw kami walang klase, napaka-boring nga eh. Kaya ako, pagala-gala lang sa campus, walang magawa eh. Nung bandang uwian na, pumunta na kaagad ako sa classroom namin, pero pagdaan ko sa room nila lumabas naman siya kaya nagkabanggaan kami, nahulog tuloy yung cellphone niya. Kinuha ko kaya lang inunahan niya ko.
BINABASA MO ANG
TRUTH OR DARE???(ONE SHOT STORY)
Romance“Annie, TRUTH OR DARE?” Tanong ni Mandi sakin “ DARE.” Sagot ko kay Mandi, humiyaw naman bigla ang mga kaklase ko. “Okay! I DARE YOU TO KISS THE PERSON YOU LIKE, AT SA LIPS.”