I let out a small giggle at the sight of my mom fixing my dad's tie. I don't know how they managed to keep the spark in their relationship, and even after all these years, he still had the same look on his face everytime she looks at her, just like their old wedding pictures– they look so genuinely in love, and they still do.
Nagkataon na naabutan ko si papa sa umaga sa bahay, kahit sa gabi, kadalasan ay maaga ang alis niya sa umaga at hating gabi na siyang umuuwi, minsan nga ay hindi na, at nagpapalipas nalang siya ng gabi sa opisina.
"Bungad na bungad sa umaga ko ang kacornyhan niyo." Nagkunwari akong naiirita sa nakikita.
"Good morning, princess!" Magkasabay na bati nila sa akin.
"Wala namang corny sa pag-aayos ng mama mo sa neck tie ko." Giit ni papa.
"Oo alam ko, pero the way you look at her is so corny, pa. Matutunaw si mama niyan." I grabbed a piece of sausage using a fork and made my way to the kitchen counter to make some iced coffee for myself.
Bahagyang sumeryoso ang ekspresyon ni mama, pinipigilan ang sarili na ngumiti sa sinabi ko. It's evident she's flustered, mukha na siyang kamatis.
"Ma, kinikilig ka ba or napindot mo lang si sadness?" Biro ko, ngumiti naman nang nakakaloko si papa.
"Isa pa Ysabelle, tatalian ko yang leeg mo gamit itong necktie."
"Ang kuya mo, nasaan na?" Inaayos ni mama ang mga platong nakalatag sa hapag. A drop of happiness washed over me nang makita kong naglagay si mama ng plato sa pwesto kung saan umuupo si papa. Bukod sa hindi madalas na madadatnan namin si papa na natutulog kasama si mama, hindi rin gaano kadalas na nakikita namin siyang sinasabayan kami sa hapag, o kahit mag meryenda man lang sa sala.
"Pa, ako na magtimpla ng kape mo! Ma, upo ka na doon, ako na ang bahala diyan!" I would always offer a hand to help my mom, but this time, with extra excitement. It just hits different kasi kasama namin si papa sa almusal.
Umupo na si mama sa katabing upuan ni papa. Dali-dali naman akong nagtimpla ng kape para sa kanilang dalawa, at nagsalin ng tubig sa kanilang baso. Saktong paglapag ko ng mga pagkain ay bumaba na si kuya.
"Nasaan ang akin?" Kuya raised his hand, gesturing for a cup of coffee.
"Ubos na ang creamer." Tipid kong sagot. I lied. Pabigat talaga sa bahay kahit kailan.
"Eh paano ba naman kasi, araw-araw ka nalang nag-a iced coffee, hindi ka naman aesthetic. Mamamatay ka diyan." Ako pa ang may kasalanan kung hindi ka marunong magtimpla ng sarili mong kape?
Aamba siyang kunin ang iniinom ko pero agad siyang sinita ni mama. I secretly sticked my tongue to mock him. Of course, ako ang prinsesa, ako ang masusunod.
"Your dad made a reservation at a restaurant. We're going to have dinner with the Gray's tonight."
Paliwanag ni mama habang nagsasalin ng poached eggs sa plato niya. Para namang nakajackpot ang kuya ko nang marinig ni kuya ang sinabi ni mama. The Gray's middle daughter, Alana, is a close friend of mine, and our families have a special bond with each other. Alana's dad is a great friend of my dad. They went to the same school and went to training together in the military.
Kuya has a big crush on Alana. Buti nalang single si Alana, dahil ang isa rito, OA kung magpapansin, pero kung aalukin ng suntukan, naduduwag. Paano mo ipagtatanggol ang anak ng isang heneral, kahit sa pagpatay ng ipis ay ang mismong nakababatang kapatid na babae ang inuutusan. I rolled my eyes at the thought of my kuya dating my best friend, masyadong corny si kuya para patulan ng isang Alana Gray.
"I need the two of you to be on your best behaviour." Dagdag pa ni mama. Sinamaan ako ng tingin ni kuya, I silently mouthed the word "ano?"
"I'll pick the two of you sa school, mamaya." Ngumiti ako nang napakatamis. The last time this happened was noong grade 10 ako. I am in my 3rd year of college now, and usually si mama ang naghahatid sa akin or kuya would drop me off and pick me up after school. Yep, I still get excited at the thought of my dad picking us up after school. Counted na rin to as bonding namin.
YOU ARE READING
The Item
Mystery / ThrillerAn adventure that was supposed to be memorable for them took a twisted turn. A group of teenagers discover that these trips have become a deadly game when unknown monsters begin targeting them. As the teens are killed one by one, the survivors must...