"GOODLUCK, Reign! Sana maging okay ang daloy ng meeting."
Tinapik ni Major ang balikat ko. "Let's go, Rei."
"Kapag late na ako makalabas, bilhan mo ako nung paborito ko Luna." Tumango naman ito sa akin.
"Aye aye, Captain!"
Tumawa naman kami at tinahak na namin ang daan patungo sa pagmemeetingan namin.
"Binasa mo ba ng mabuti ang content ng binigay ko sa'yo?" Tumango ako kay Major.
"Iilan lang ang dadalo ngayon, pero mahahalaga ang mga ito sa mission na gagawin mo, Ibarra."
Nacucurious ako kung ano ba talaga ang mission ko at kung bakit napakaconfidential nito. Kung maraming buhay ang madadamay, bakit kailangan ay ako lang?
Kumatok si Major sa pintuan. "Come in."
Binuksan niya ito at parehas kaming sumaludo sa heneral.
"General, Colonel."
Sumaludo ito pabalik sa amin. "I see, nandito na si Ibarra. I heard that you are the one who exposed Senator Lebral's wrong doings."
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Sir." Tumango naman ito at pinagsiklop ang kanyang kamay.
"You did your job well, kaya pinatawag ka namin dito dahil kailangan na ikaw ang gumawa ng mission na ipapagawa ng Presidente sa'yo."
Nagulat ako sa sinabi nito. "Pardon? Ang Presidente, General?"
"Yes, what you heard was right, Ibarra." Ibinigay nito sa akin ang isang puting folder.
"Take a look at that, padami ng padami ang mga krimen na nangyayari sa probinsya ng Lanao de Norte. Ngunit nakakapagtaka na sa paglitaw ng mga krimen na ito ay ang pagkawala ng mga suspect." Lintaya nito habang tinitignan ko ang report.
The general was right. Madaming nakikitang patay sa lalawigan at lahat ng ito ay ang mga taong may ginawang krimen.
"Kung gano'n, General, Colonel, bakit ito magiging secret mission ko? Kung ang pinapatay ng killer ay mga suspect sa mga krimen, hindi ba't masyadong magaan ang trabahong 'to?" Umiling ang Colonel.
"This mission was not easy as you think it is, Ibarra." Naglatag ito ng mga picture sa lamesa. "The same thing happened to the corrupt members of the senate. Hindi coincidence na nangyari ito dahil lahat ng mga senator na natimbog ay may koneksyon sa Norte."
Napatingin naman ako sa General. "Hindi lang si Lebral ang natimbug kundi ang iba rin."
"If that's the case, bakit hindi iilan ang ipadala mo, General?" Napalingon ako kay Major ng magsalita ito.
"I can't send few of you, lalo ka na, Major Forbes." Gulong tumingin ako kay General.
"Bakit, General? Major Forbes is more efficient than me as you can see." Umiling ito.
"He is efficient, indeed. But Forbes are known in the country. Even if you take this mission, makikilala at makikilala ka dahil kalat ang mukha mo sa media, Forbes."
Napabuga naman ako ng hangin. So kailangan ay hindi kilala ang gagawa ng mission na ito. Kaya ko ito, napatumba ko nga si Lebral, paano pa kaya ang taong ito?
"But General, Sir, what is the instruction of this mission?" Seryusong tumingin ang General sa akin.
"We want you to reveal who is the person behind this. You will be working as undercover at the Governor's place. He can be trusted, pero kapag may nangyari na hindi maganda, I am giving you the privilege to arrest even if he is the culprit as long as you have gathered the evidence that can take him down. Kung hindi man, find the person and still do the same."
YOU ARE READING
Blood Bound
RomanceWhat will you do if a 6 feet tall, messy hair, hooded eyes with smirk plastered on his lips caged you in his arms?