NICOTIANA POV
Tatlong araw na ang nakalilipas ngunit hindi pa din gumagaling ang sugat ni Lotan sa likod. Palala ng palala ang nararamdaman nitong sakit to the point na umuungol na ito sa sobrang sakit. Tanging pag-iyak na lang ang nagagawa ko habang pinapanood kung paano niya indahin ang sakit.
Kailangan pa siyang turukan ng sedatives nila Keylon at Leo para lang umayos ang pagtulog nito. Araw-araw patindi ng patindi ang nerbyos ko, nag-aalala ako na baka lumalala na ang sumpa.
"Mukhang pinapabagal ng sumpa ang paggaling ni master," problemadong turan ni Leo.
Andito kaming tatlo nila Keylon sa kwarto ni Lotan. Bumaba na muna ako saglit sa sala para makinig sa pinag-uusapan ng dalawa. Tahimik lamang akong nakikinig sa usapan nila habang nag-iisip kung paano ko matutulungan si Lotan.
"That's entirely possible," Keylon stated firmly, his voice tinged with concern. "His power was fading at an alarming rate, draining the very essence of his life. The wounds he bears are just one of the signs of what's happening to him. Even if those injuries weren't there, he would still feel himself growing weaker with each passing day."
Mas lalo akong napayuko sa sinabi ni Keylon at nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao na nakapatong sa hita ko.
"Kasalanan ko 'to, kung hindi sana... kung hindi ko sana-" bago ko pa matuloy ang sinasabi ko, pinutol na agad ito ni Keylon.
"It's not!" Keylon shouted, "don't you ever think that it's your fault!" Keylon's eyes were blazing.
Nanlalaki ang mga mata ko nang marealize ang sana ay sasabihin ko kanina. Mabilis akong napatakip sa bibig ko habang mabilis ang bawat paghinga. Muntik na, muntik ko nang masabi... Muntik ko na naman mailagay sa kapahamakan ang buhay ni Lotan.
"Is something you're not telling me, guys?" Leo asked, confusion was written on his face.
"None, tss..." Keylon hissed. "How was the search for that witch?" he asked, his brows knitted together.
Napahilamos si Leo sa mukha niya sa sobrang frustration. "Iyon na nga, wala pa ding lead kung nasaan na iyon. Baka naman patay na talaga siya?"
"We're not sure with that. For now, I'll continue on finding some leads. I'll be away for a few days, take charge here," Keylon instructed as he rose from his seat. "Nico, take care of Lou-Lou and leave the rest to us."
"Hmm, kami na bahala, Nicotiana. Manatili ka lang sa tabi ni master, iba pa din ang power of love," pagpapagaan ni Leo sa mood ngunit nahuli ni Keylon ang leeg nito at hinila na siya papalabas.
Mapait akong napangiti bago tumayo na din. Nang makalabas sila sa kwarto, walang imik akong bumalik sa itaas. Naupo ako malapit sa kama niya at pinagmasdan itong matulog. Mukha talaga siyang isang prinsepe kahit saang banda siya tignan. Nakalugay ang purple nitong buhok habang exposed ang mga muscles sa mga braso. Nakadapa pa din ito habang natutulog at hindi man lang gumagalaw sa pwesto niya.
Napakawala kong kwenta sa totoo lang, ipinasok ako ni Lotan sa bahay niya para tulungan siyang maalis ang sumpa pero heto ako ngayon, walang kaalam-alam kung paano ito aalisin sa kan'ya. Mukhang mas pinalala ko pa nga ata lalo dahil naging selfish ako. Hinayaan ko ang sarili kong mahalin siya kaya ngayon mas lumala na ang sumpa.
Ayaw ko man aminin pero higit pa sa inaakala nilang lahat ang kalagayan ngayon ni Lotan. Mabibilang na lang sa kamay ang mga bulaklak sa puno ni Cotton. Kusa na lang nagbagsakan ang mga luha ko dahil sa sobrang bigat na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilang mapahikbi habang awang-awa sa sitwasyon ni Lotan.
"Ano bang dapat kong gawin, Lotan?" Lumuluhang tanong ko sa natutulog na binata. "Hindi ka pa pwedeng mamatay, makakalaya ka pa sa kulungan na 'to. Madami ka pang dapat gawin sa buhay."
Sunod-sunod ang malalakas na paghikbi ko, kahit anong punas ang gawin ko sa mga luha ko hindi ito mawala-mawala. Ayoko pa siyang mamatay, ipaparamdam ko pa sa kan'ya ang pagmamahal na pilit kong itinago. Babasahan niya pa ako ng fairytales sa gabi bago matulog, ipagb-bake ko pa siya ng napakaraming cake.
Ang dami ko pang gusto gawin kasama ka Lotan. Kaya please, labanan mo 'yang sumpa mo at gumising kana diyan. Kung kinakailangan na sumama ako sa paghahanap sa witch na iyon, gagawin ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo, kung may magagawa man ako ngayon, iyon ay ang kausapin si Cotton. Siya na lang ang pag-asa ko para matulungan si Lotan.
Nilapatan ko ng isang halik si Lotan sa kan'yang pisngi at naglakad pababa. Nagmamadali kong tinungo ang ikatlong palapag at binuksan ang pintuan sa greenhouse.
"Cotton!" Hinihingal kong tawag sa puno ngunit hindi ito nagsalita.
Tumayo ako sa harapan nito habang walang pigil sa pagtulo ang mga luha ko. "Please, magsalita ka naman, kailangan kita ngayon," pagsusumamo ko sa puno ngunit tila nabingi na ito.
Dahan-dahan akong napasalampak sa sahig dahil sa sobrang panghihina. Bakit hindi na siya nagsasalita? Muli kong pinagmasdan ang puting puno at ang mga bulaklak nito. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa huling dalawang bulaklak na nasa puno.
"H-Hindi... hindi 'to maaari..." napapailing na sabi ko.
"C-Cotton!" Sigaw ko sa puno. "COTTON!! Gumising ka diyan! Anong dapat kong gawin para mailigtas si Lotan?!"
"AHHHHHHH!!!"
Napasigaw na lang ako dahil sa tindi ng nararamdaman ko. Wala akong magawa kundi titigan ang dalawang bulaklak na na nakakapit sa puno. Ang dalawang bulaklak na nagsisilbing bilang ng buhay ng lalaking pinakamamahal ko. Hindi, hindi ako susuko, may dalawa pang natitira. Lumuhod ako sa harapan ng puno at pinagkiskis ang dalawang palad ko.
"Nagmamakaawa ako sayo, tulungan mo ko..." walang tigil sa pag-alpas ang luha ko habang nakaluhod sa harapan ng puno.
"Gagawin ko ang lahat ng gusto mo mailigtas ko lang si Lotan. PLEASE!!"
"PLEASE! I'M BEGGING YOU!"
"ANONG GUSTO MO?! GAGAWIN KO LAHAT NG GUSTO MO! PLEASE, HUWAG MO LANG KUNIN SA'KIN ANG LALAKING PINAKAMAMAHAL KO!"
"Ayoko pa siyang mamatay. Hindi pa niya oras, Cotton. Nagmamakaawa ako sayo..." paghihinagpis ko.
Halos mawalan na akong boses sa kakasigaw para lang marinig ako ni Cotton. Basang-basa na din ang mukha ko sa mga luha na ayaw tumigil mula sa pagpatak. Nawawalan na ako ng pag-asa, hindi na aabot si Keylon. Bago pa man siya makabalik, wala na si Lotan.
"Please, gagawin ko ang lahat ng gusto mo," Nanghihinang paki-usap ko.
"Really, you'll do anything?"
To be continued...

BINABASA MO ANG
Anger Lotan (Curse #2)
Teen FictionHighest Rankings: #1 nocheating #2 hottie #1 sunshine #2 endgame #4 hotness #3 prince #6 curse #6 hell A once-proud, womanizing demon prince has been cursed for 400 years, confined within an old bookstore as punishment for breaking a high witch's he...