Introduction

1 0 0
                                    

Ang dalagang nakaupong nakasuot ng aesthetic casual attire ay si Marianne Sophia Del Mundo. At siya ang bida ng kwentong ito.

Third Person POV

Nasa loob ng HR Department si Marianne Sophia nakaupo ito at eleganteng nakasuot ng puting polo shirt na tenirnuhan ng black slacks at itim na heels. Napakaganda rin ng postura ng pagkakaupo nito habang nasa upuan nakasabit ang black blazer nito. Unang tingin pa lamang ay makikita mo ang confidence nito. Bumabagay din ang wavy black hair nito sa kanyang outfit. 

Mayroon rin itong enchantic beauty at mapagkakamalan mong nakakatandang kapatid ng Filipino -Kpop Idol na si Gehlee Dangca ng UNIS dahil sa carbon copy nitong mukha. Ang pinagkaiba lamang ay may dalawa itong malalalim na dimple sa magkabilang pisngi. Kaakit akit din ang katamtamang laki ng nunal sa ibabang bahagi ng mata ng dalaga at lalong dumagdag ang attractiveness nito dahil sa nunal ng ibabang gilid ng labi nito. 

Korean style din ang make up ng dalaga. Napaka- simpleng tingnan pero napakaganda. 

" Tell me about yourself" saad ng HR Admin na inaaplyan ni Marianne Sophia.

Bago sumagot ay isang matamis na ngiti ang itinugon ni Marianne Sophia. Para ipakitang may pleasing personality sya na isa sa mga nakalagay sa qualification. 

"I'm Marianne Sophia Del Mundo, 22, from Camarines Sur. I'm a fresh graduate  of Bachelor of Science in Entrepreneurship at Universidad De Sta. Isabel De Naga Inc. I graduate with flying colors. I'm Optimistic, responsible, team player, flexible and competitive which I believe that could contribute to the company. " saad ng dalaga pero sa totoo ay hindi lahat ng kanyang inusal ay may katotohanan. Masyado na syang pressure at the same ay atat ng magkatrabaho lalo na't maraming matang sumusubaybay sa kanya. 

Sinagot nya lamang ang HR Admin ayon sa gustomg marinig nito. Dahil kung sasabihin nya ang totoo ay magiging pangit ang resulta. 

It's only a day after her graduation pero imbis na magdiwang at magpahinga muna ay bumiyahe agad ito papuntang Manila para sa initial interview, assessment at final deliveration. Matagal nya na itong pinaghandaan dahil hindi paman nakakamarcha ay panay send na sya ng email. 

Tatlong oras lang rin ang tulog nito dahil 9 AM ang report nya para sa interview. Wala pa mang resulta ay ramdam na nitong makakapasa sya. 

Be On TopWhere stories live. Discover now