Chapter 5

52 1 0
                                    

Daniel's POV

Muntik ko nang mabangga si Kath! Ang bobo bobo ko!

Kung nagkataon edi nawalan ako ng 

LISENSYA! oo tama. Lisensya.

Kinuwento ko narin kay albie at sa kapatid kong si JC yung nangyari. Dito kasi sila natulog ni Albie sa kwarto ko.

"Ano pare? Si Kath?! Nagsorry ka ba?" Albie.

"Ayiieee! Kuya, concerned ka?" JC

"Hindi."

"Harsh mo naman." Albie.

"harsh? Eh pano yung nangyari 2 years ago?"

Oo inaamin ko concerned ako. Muntik na nga akong madulas kanina eh. Pero dehins pwede!

Focus Daniel.

FOCUS.

I can't let what happened earlier affect my plans. Mas matindi parin yung ginawa ni Kath sakin 2 years ago.

----FLASHBACK 2 YEARS AGO----

February 26, 2011

Andito ako ngayon sa park. Kumakain ng ice cream mag-isa habang naglalakad.

"Excuse me po! Excuse me po kuya!!!"

Pagtingala Ko, isang anghel nakita ko. Natameme ako. Love at first na ata talaga. Ang ganda niya. Mataas yung buhok niya tapos may bangs siya.

*BOOOGSH!*

"Nako sorry po! Sorry!! Okay ka lang? Ang dumi na ng tshirt at mukha mo. Sorry!!!!"

Ngayon ko lang din napansin na natapon pala sakin ang ice cream ko.

"ummmmm.... O-ok l-lang.." naautal kong sabe.

"ahhh.. Sorry talaga. Eto panyo ko oh. I hope that helps." sabi ng anghel ko.

Sabay abot ng panyo niya.

"nawalan kasi ng preno yung bike ko. Kaya di ako nakatigil. I'm really sorry."

"ahhh eehhhh, ok lang." sabi ko sabay kamot ng ulo ko.

"ahh sige ha.. Andun na yung mga kaibigan ko. Sayo nalang yung panyo ko. Sorry talaga ha."

Tapos kinuha na niya yung bike niya at dumiretso dun sa mga grupo ng babae.

Oh shiii! Di ko man lang nakuha ang pangalan niya. Pag tingin ko sa panyo, may nakita akong initials. KC.

Siya kaya yun?

************

Simula nung araw na yun, araw araw na akong pumunta sa park. Nalaman ko na tuwing hapon siya pumupunta sa park sa may fish pond na bridge.

Halos 1 month din akong pabalik balik.

Oo na! Stalker ako. Pero parang mahal ko na ata siya.

A Chance For Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon