Chapter -03 Approval

1 0 0
                                    

Kinabuksan ay maaga akong gumising upang mag jogging. Napapansin ko kasing medyo nagkakalaman na ulit ako dahil puro kain na lang ang ginagawa ko. Hindi naman ako gaanong kataba pero hindi din naman ako payat,sakto lang talaga. I'm content with my physical appearance but I also want to live healthy.

Nagpalit lang ako ng leggings at hoodie. Hindi pa kasi gaanong kaliwanag kaya malamig pa sa labas. I plugged my earphones before heading out of our house.

Nagtungo ako sa part na walang mga bahay at doon ako tumabo pabalik balik. May mga aso kasi pag sa kabahayan ako tumakbo at isa pa ay mas maganda anng view at hangin dito. Talagang presko at ang sarap sa pakiramdam.

Isang oras din akong tumabo pago ko napag desisyunan na umupo at panoorin ang paglabas ng araw. I sat at the grass while listening to Ben&ben songs.

Napapikit ako upang damhin ang sinag ng araw. Nagsimulang magka kulay ang paligid ng kulay ginto.

May mga wildflowers din sa gilid ng sementadong kalsada na syang nagpapadagdag sa ganda ng paligid. Parang open field lang kasi ito dahil sa maliliit na damong tumutubo.

Hindi pa kasi nagsisimulang magsaka ang mga farmers dito dahil hindi pa panahon ng pagsasaka.

Pag hapon naman ay nabubuhay ang paligid dahil sa mga kabataan at batang naglalaro ng kung ano-ano sa palayan.

We're living in a small village. Hindi ito magarbo gaya ng mga nasa syudad dahil nasa province lang kami na syang nagpapaganda sa paligid. Walang pollution dahil lahat ay disiplinado.

We also have nature springs and waterfalls here but it's kinda far from houses. A village with province lifestyle,such a dream.

I remember Jiller once again. His smile,the way he looks and everything about him. I never thought I'll end up having a crush on him like he's out of my league but when I learned to appreciate him,I realized how good he is. He don't just have the looks but also the qualities of a real man and not a boy. He's mature physically, mentally and even spiritually. Ofcourse I know that now since we go to the same church.

Kinuha ko ang phone ko upang kunanan ng litrato ang napaka gandang sunrise at nilagay ko ito sa Fb story ko. I waited for a couple seconds to check who viewed my story and I almost jump when I saw Jiller viewed my story.

Nate-temp tuloy akong mag selfie at ipost ngunit paawisan na ako at hindi na fresh tignan,mamaya na lang siguro pag uwi ko at pagkatapos kong maligo.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa lugar bago ko napagdesisyunan na umuwi na dahil nagsisimula na ang araw ng mga tao at may mangilan ngilan na di'ng dumadaan na mga motor at sasakyan.

Pagkapasok ko sa bahay ay nagtungo agad ako sa shower upang makaligo. Pagkatapos ay nagtungo ako sa dining area dahil tinatawag na ako ni mama.

"Faith,hali ka'na at sumabay ka nang kumain." sambit ni Mama Irean.

"Mama,naman eh. Kakatapos ko lang mag jogging,eh,papakainin nyo ako agad? Pa'no ako magbabawas ng timbang nyan?" nakangusong saad ko.

"Kumain ka padin kahit konti lang dahil a—" hindi na naituloy ni mama ang sasabihin nya ng si papa na ang naagtuloy nito.

"Ang umagahan ang pinaka importanteng meal sa buong araw," pagtiutuloy ni Papa Miljan kaya natawa na lang kami pareho. Ito kasi ang laging ssinasabi ni Mama tuwing sinasabi naming ayaw naming maag umagahan kaya kabisado na namin.

Umupo na lang din ako at nagsimulang kumain pagkatapos naming nanalangin. Iba parin talaga ang pakiramdam pag sabay-sabay kaming kumain.

"Faith,nakita mo kanina si Jiller?" biglang tanong ni Mama kaya napaubo ako dahil kasalukuyan akong ngumungiya ng bacon.

Agad naman akong inabutan ng tubig nang pangalawa komg kapatid naa si Johnson. Agad ko itong ininom at nagpasalamat bago ako tumingin kay mama.

"Hindi po,Mama. Bakit nyo naman naitanong?" nakakunot noong tanong ko dahil sa bigla nyang pagbaggit sa pangalan ni Jiller.

"Nakita ko kasi sya kaninang nagjo-jogging sa subdivision nang nagpunta akong bumili sa grocery jan sa malapit." sagot naman ni Mama.

"Baka sa kabila po sya nag jogging,sa may palayan po kasi ako nag jogging kanina." kalmadong sambit ko naman. Mabuti na lang at hindi sila nagtanong kaninang maubo ako pagkarinig ko sa pangalan nya.

"Ganon na nga siguro. Nako,kay gwaponh bata non at ng tangkad pa. Ganon sana ang maging boyfriend mo,Faith. Gwapo na nga matalino pa kaya sigurado ang kinabuksan mo sa kanya pag naagkataon," nakangiting sambit ni mama na parang teenager na kinikilig sa kanyang kinakaupuan.

Na'ko,Mama,kung alam mo lang na gusto ko yang taong tinutukoy mo ay baka mahampas mo pa ako.

Pero kinikilig ako sa part na boto na agad si Mama kay Jiller kahit hindi pa naman kami. Si Mama kasi yung tipong hindi agad namimili kaya nagulat ako na gusto nya si Jiller para saakin at sya din ang kauna unahang lalaki na nabanggit ni mama na gusto nya pata sa'kin. Wait,did I just think of having a relationship with him?!

Pero pagnagkataon ay hindi na sya mahihirapang makuha ang loob ng pamilya ko dahil pakiramdam ko ay pasok na agad sya.

Na'ko ikaw na lang talaga ang kulang Jiller. Ang swerte mo naman dahil pasado kana agad sa pamilya ko.

Sandali lang,bakit ganito na ako mag react ngayon eh wala naman akong pakialam sa kanua dati? Bakit masyado na akong naglu-look forward para saaming dalawa? Naging special sya para sa'kin kahit wala naman syang ginawa para mapalapit ako sa kanya o ano. Hindi nga kami nag uusap masyado,maliban na lang sa mga mumunting interakyon naming dalawa ataliban doon ay wala na.

Magkalapit nga ang bahay namin ngunig lumaki akong hindi sya gaanong nakikita dahil hindi sya palagalang bata na nakikipaglaro sa lansangan. Kahit nga ata tumambay ako sa harap ng bahay nila ay hindi ko sya mahahagilap sa dalang nyang lumabas.

Hindi pa nga nya naranasang maligo sa ilog malapit samin na syang nagbabaran at dahilan ng pagkapalo ko noong bata ako.

Magkalapit lang kami pero pakiramdam ko ay ang layo namin sa isa't-isa. Ano ba dapat ang akyatin ko para mapalapit sa kanya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing The FallWhere stories live. Discover now