Senate Beat

44 1 0
                                    

DISCLAIMER: This work is purely from the imagination of the author itself. Please don't take it seriously, just enjoy it. This is AU.

Enjoy reading mwaa </3

__________________

Miles' POV

Bigla akong nagising dahil sa tunog na narinig ko mula sa labas ng kwarto ko. Hindi na 'ko nagdalawang-isip at agad na bumangon. Kahit na nakasara ang pinto ko ay rinig na rinig ang halakhak nila Ate sa labas.

Naglalakad ako sa papunta sa kusina para kumain. Medyo inaantok pa ako pero may pasok ako mamaya at kailangan ko nang magprepare.

"Okay ka lang, Miles?" Panimula ni Ate.

"Oo naman, ate... bakit?" Walang emosyon kong tanong.

Mukha bang hindi ako okay o sadyang concern lang si ate sa'kin?

"Ang tamlay mo kasi,"

"Inaantok pa 'ko, ate plus mamaya ko na malalaman kung saang beat ako mapupunta." I said. Sana naman ay sa health and science beat ako mapunta para sa internship na 'to. Ayoko sa iba.

"Feeling ko sa senate beat ka mapupunta," pang-aasar ni Ate. Yep, she knows na isang beat lang ang gusto ko.

"Ate naman!"

Tinawanan lang ako ni Ate at nagpatuloy na kami sa pagkain. Hindi talaga pwede sa'kin ang hindi kakain ng breakfast, may tendency kasing mahilo ako pag hindi ako nakakain.

"Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, nahanap na ng mga pulis sa Indonesia," bigkas ng news reporter mula sa TV.

"Haaay buti naman at nahanap na rin 'to si Alice after 2 months," Ate exclaims. I noticed na halo-halo ang emosyon niya ngayon.

"Buti nga e. Biruin mo at sinubukan pa niyang magtago sa ibang bansa." Bigkas naman ni Mama habang nakatingin kay Ate.

Wala naman akong imik at patuloy lang na kumakain. Honestly, wala akong interes kay Alice kahit na bukambibig siya ni Ate simula nung May.

"Nararamdaman ko na naman ang tensyon sa susunod na senate hearing. Ate said. "Sana naman this time ay maayos na ang pagsagot niya unlike before." Dagdag pa niya sabay biglang kumunot ang noo.

Si Ate kasi ang naka-assign sa senado para mag report kaya sa tuwing umuuwi siya rito ay puro na lang Alice Guo ang naririnig ko. Hindi pa naman ako naririndi, malapit na siguro.

⋆𐙚₊˚⊹♡ ༘˚⋆𐙚。⋆𖦹.✧˚

On the way na 'ko ngayon sa school, habang nasa byahe ay iniisip ko kung anong beat ang maibibigay sa'kin. I'm not expecting naman na health and science beat ang ibibigay sa'kin but please.

Nakarating na 'ko sa school at agad na dumiretso sa classroom namin, wala pa si Sir Soriano kaya nag-scroll muna ako sa phone ko.

Ano ba 'to, puro naman si Alice Guo ang nakikita ko.

As a aspiring journalist, shinare ko na rin ang Facebook post tungkol sa pagkakahuli kay Alice Guo. Impairness, gumanda siya ngayong maikli na ang buhok niya.

Lumipat ako sa TikTok para malibang dahil wala pa rin si Sir. Hanggang dito ba naman ay puro Alice Guo.

Ang dami rin pa lang mga stan account rito sa TikTok tungkol kay Alice. Ibang klase aah!

"Good morning, class. Good morning." Bigkas ni Sir dahilan para itabi ko ang phone ko.

"Ready na ba kayo?" He started sabay bahagyang tumawa.

"Please be reminded na anumang beat ang ma-assign sa inyo ay nakabase sa inyong kakayahan. I assigned all of you carefully dahil alam kong mas mala kayong mahahasa sa beat na ito."

Tahimik ang marami sa'min at ang iba naman ay nakuha pang ngumiti, kagaya ko.

"Okay, let's start with Angelo... your beat is health and science,"

WHAT!?

Hindi pwede

Isa-isa kaming tinawag hanggang sa ako naman ang tawagin.

"Miles, your beat is politics,"

I slightly smiled, "specific po, Sir?"

"Senate beat."

Halos natigilan ako dahil sa narinig ko. I don't have a choice but to accept and enjoy this beat or else hindi ako makakapasa sa internship na 'to.

"Thank you, Sir."

"Lahat kayo ay naka-assign na mga beats. You all know what to do. Prepare yourselves, relax, at mag-enjoy. Lastly, I expect perfection so aim for it. Your internship will start tomorrow."

Lahat naman kami ay tumango dahil sa mga sinabi ni Sir.

"Class dismissed."

⋆𐙚₊˚⊹♡ ༘˚⋆𐙚。⋆𖦹.✧˚

Pauwi na ako at habang nasa byahe ay nag-iscroll lang ako sa TikTok, kahit nasa FYP ako ay puro si Alice pa rin ang lumalabas. Ano ba ito?

Bigla tuloy akong na-curious kung ano bang meron sa kaniya. Ano nga bang meron sa kaniya? Bakit ang daming nababading sa kaniya? Given namang maganda siya, pero bakit?

Hindi ko na namalayang nakangiti na pala ako dahil sa panonood ko kay Alice. Sana okay ka lang, Miles.

"Paulit-ulit yata yung music na 'yan, nak?" Seryosong tanong ni Papa.

"Pa?"

"Halos sampung minuto ko nang naririnig yang music, nak. Ang haba ah." Shocks

"LSS na po kasi ako, Pa. Ang ganda lang." I said without emotion at tumango lang si Papa.

10 minutes na rin pala akong nakatitig sa 12-second TikTok video ni Alice. I mean, who's to blame? Napakaganda at nakakaakit.

Maybe this time (Alice guo x fan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon