"Tangina..."
Nakatingin ako sa city lights habang nasa rooftop ng building ng apartment ko, naka kibit balikat habang inaantay na maubos nalang ang mga luhang kanina pa pumapatak.
Ang mga luhang pumapatak ng walang tigil na dulot ng iisang propesora na walang ginawa kundi ang paasahin at gawing laro ang pagmamahal ko para sakanya.
"Bakit ba ganyan ka?" Halos hindi na marinig ang boses ko dahil napaos na ako.
Halos mapa-upo na ako sa sahig dahil lamang sa propesora na hindi naman kayang ibigay ang ninanais kong pagmamahal ako lang naman ang umaasa.
Napaka sakit mo.
Napaka sakit mo mahalin, Seraphine Airich.
"Ahh... Tumigil ka na nga Laide, sinasayang mo lang ang mga kuha mo sa taong hindi mo naman deserve..." Sinusubukan kong patigilin na ang sarili sa pag-iyak dahil nakakahiya na kung may maka-kita sa akin.
Habang sinusubukan kong patahanin ang sarili nung naka-rinig ako ng isang bugtong hininga dahilan upang tumingin ako sa sa likudan ko dahil akala ko ay isang tao lang rin na gustong makalanghap ng hangin.
Nakakahiya naman kung makikita nila akong umiiyak diba?
Paglingon na dapat ay hindi ko nalang pala ginawa dahil ang taong iniiyakan ko lang kanina ay nasa harap ko na, ang taong dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon dito sa rooftop.
"What are you doing at this hour, Nathaira?" She said in her cold voice.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil napatitig nalang ako sa pagmumukha niya, pagmumukha niya na mukhang anghel kaya hindi mo aakalaing pinaglaruan niya lang ang feelings ng estyudante niya at nireject ito kanina lamang.
Hindi ko namalayan na umaagos nanaman pala ang mga luha ko habang naka-tingin pa rin sakanya, bakit ba sobrang affected ko e nareject at napaglaruan lang naman ako ng isang propesora na kilala bilang mabait at charming. Bakit ba sobrang lakas ng effect niya sa akin? Dahil ba minahal ko siya simula nung first year?
Tangina mo naman... Seraphine.
"Bakit ba kada makikita kita... Nasasaktan ako?" Umiiyak kong usal sa kanya.
"Bakit ba sa tuwing nakikita mas lalo kitang minamahal?" Itinulak ko ang kaliwa niyang dibdib ng kaunti dahilan upang lumayo siya sa akin.
Patuloy na umaagos ang mga luha ko habang siya ay tinitignan lang akong umiyak sa harapan niya, she is so cruel to be acting like this.
"Why the fuck did you show me all the love I wanted to feel when you know for yourself you would just reject me afterward?" I spoke again.
"Are you that cruel... for you to make me believe that you love me too and that I have a chance to you?" Halos mapaos na ako habang nagsasalita.
Gusto ko siyang samapalin at saktan pero hindi ko magawa dahil baka pagsisihan ko lang din na sinaktan ko siya..
Tinignan ko siya para makita kung may emosyon ba siyang ipinapakita ngunit wala, tanging blunt face lang ang nakapaskil sa mukha niya dahilan para matawa ako ng kaunti bago punasan ang mga mata ko at nagsimulsng maglakad paalis sa rooftop.
Hindi ko kayang makita ang pagmumukha niya... Dahil sa tuwing nakikita ko siya tanging sakit lang ang nararamdaman ko.. Sa tuwing nakikita ko siya lagi lang nagfaflashback sa akin ang nakita ko sa sarili niyang opisina..
They were kissing.
They were making out inside that damn office..
It keeps on going back inside my head whenever I try to forget it and it pains me to the heart.
I always get that ache in the heart whenever I remember that scene..
"I'm sorry..." She whispered softly, she exhaled calmly before speaking, "Save yourself to being with me trapped in my worst and harsh world... Thaira."
YOU ARE READING
Fleeting Affections
FanfictionFrance Millefeur and Seraphine Airich have their own low points in their lives; one choose to continue until she succeeds, while the other one decides to just go with the flow and accepts her destiny. Two different coping mechanisms but only one des...