CHAPTER 1

1 0 0
                                    


SECRET

CHAPTER 1- Ulo....

AMARA POV

Maaga akong nagising kaya hito ako mag isa sa room 6:20am palang naman kaya wala pa talagang masyadong tao. Sadyang na paaga lang talaga ako, ng maburing ay lumabas na lang ako ng room namin total mamayang 8:00am pa naman pasok ko.

Habang nag lalakad ako may iilang akong nakakasalubong na binabati ako ng good morning kaya binabati ko rin sila ng pabalik ng may ngiti sa labi.

"Ang ganda niya talaga no'h. At ang bait pa."

"Siyang totoo... Kaya ang daming nag kakagusto kai Amara."

Napailing na lang ako sa mga sinasabi nila patungkol sakin, para sakin ang ganda hindi nakikita sa panglabas na anyo kung hind sa pang loob yun ang totoong ganda. Aanuhin mo naman ang gandang sinasabi nila kung ang pangit naman ng ugali mo kaya para sakin hindi ako tumitingin sa panglabas na anyo kung hind sa kagandahan ng ugali.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad, ilang buwan na lang ay makakapag tapos na ko at iiwan ko na ang school na ito. Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot lahat kasi ng schoolmate, classmate at ang mga gurong walang sawang turuan ang mga student nila.

"A-ama-raa ba-bakit ka naka ngiti ng mag isa jan?" na palingon naman ako saking likod ng marinig ko ang boses ni Kaivan, tree years ko rin siyang naging kaibigan at hanggang ngayon ganyan parin siya mag salita. Minsan ko na rin siyang tinanong kung bakit ba lagi siyang nauutal pag may kausap o may kumakausap sa kanya kaya minsan tuloy na tatawa na lang ako sa kanya.

Sobra din ang bait ni Kaivan na kahit binubuli siya ni Kevin never niya itong pinatulan na kahit umuuwi siyang laging may pasa sa ibat ibang parte ng katawan niya, kaya pati ang iba ay ginagaya na rin si Kevin sa pangbubuli kai Kaivan. hanggang ngayon kasi ang init parin ng dugo ni Kevin dito. Naiinis na nga ako eh...

"Hindi ko lang maiwasan na mamiss itong school." Ngumiti naman ako sa kanya, na siyang kinapula ng muka niya.

"G-gano-n ba..." tumango naman ako sa kanya.

"Tika... Ano yang na 'sa braso mo, Kaivan? Inaway ka na naman ba nila..!?" na pansin ko ang braso niyang may malaking pasa na parang hinampas ng kung ano hanggang sa mag kulay ube na. Pilit naman niya iniiwas sakin ang kamay niya para hindi ko makita, pero huli na siya dahil Na kita ko na. Halata din sa muka niya ang sakit kaya lalo akong na karamdam ng galit para sa grupo nila Kevin. Alam kung si Kevin na naman ang may gawa nito.

"Ha-yaa-an mo n-na lang Amara. Ok l-lang n-na-man ako..." pinakalma ko muna ang sarili ko ng maramdaman ko ang takot niya.

"Haayyy, Sorry..."

"W-wala k-ka naman da-pat ihingi ng s-sorry A-mar-ra." Nginitian ko na lang siya gaya ng ginagawa ko para iparating sa kanya na ok na, na hindi na ko galit o naiinis pag binubuli siya ni Kevin.

Hindi ko kasi siya na samahan kahapon dahil busy ako sa art room ako kasi ang na pili para lumaban sa isang event na gaganapin sa susunod na buwan. Dito sa school lang naman pero ibang school ang kalaban kaya nagiging busy na ko at hindi ko na siya na babantayan o na sasamahan, pag kasama niya kasi ako hindi siya na lalapitan ni Kevin o kung sino man na pinag-uutusan niyang ibuli si Kaivan.

Sinamahan ko muna si Kaivan sa clinic para ipagamot ang sugat niya ng making ok na ay nag paalam na rin ako dahil malapit na ang oras ng pasok ko. Mag kaiba kasi kami ng course, BACHELOR OF ART ang akin ang kanya naman ay about doctor.

Malapit lang din naman ang building sa building samin. Malawak kasi ang university ng school na to kaya mag kakaiba talaga ang bawat course ng building. Hindi ko rin alam kung sino ang totoong may ari ng school na to ang sabi kasi may iba daw talagang nag mamay-ari nito pero walang na kakaalam kung sino? Marami rin ang gustong makilala sa may ari nitong school at isa na ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SECRETWhere stories live. Discover now