14- Broken

10 2 3
                                    

Broken

My relation with Elias is almost perfect. Minsan na lang siya umaalis papuntang Milan kapag kailangan lang talaga siya. Hinihintay niya na lamang itong matapos at plano niyang dito na lamang sa bansa tatanggap ng mga projects. We have so many plans together.

Hanggang ngayon ay nanatiling lihim ang relasyon namin. Siguro mas mabuting manatili muna itong tago. Im still not ready for what will people think about us.

Sa ngayon ganito muna kami. Masaya naman kami sa ganitong set up.

But I thought everything would be fine.
I never thought that all of that would come to an end.

"Rai..." tawag sa akin ni Rafael habang hawak nito ang phone niya. He looks like he's having second thoughts and worried.

Nasa recording studio kami kanina pa.
Inabot niya sa'kin ang phone niya. I'm still confused by his behavior. Tinaggap ko ito.

Halos buhusan ako ng malamig na tubig nang mabasa ko ang nasa site.

"Starlight member Neon Riley Brazona secretly dating the son of Mr. Victor Finnegan...Engr. Elias Finnegan" nagtatakang binasa pa ito ni Yohan.

I read this over and over again because I thought I might be wrong.

Halos hindi ako makaimik doon habang tulala sa picture naming dalawa ni Elias na nasa post. Even the ring and the bracelet. Hindi ito nakawala sa mga mata ng taong nasa likod nito. Kuha ito noong nasa La Union kami. We are smiling and looking at each other.

"Is this real, Rai? Hindi naman diba?" si Jaeki.

Tumingin ako sa kanila habang naghihintay sa sasabihin ko. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Kirby.

"Totoo ba Rai?" tanong nito. Bigla kaming natigil at sabay-sabay na tumingin sa humahangos na si Kuya Allen.

"Rai, wag ka munang mag bukas ng – " Nakita nito ang hawak kong phone. Naguguluhan man ang mga kaibigan ko ngunit bakas rin sa mukha nito ang pag-aalala.

Agad akong pinatawag ng head producer kasama si Kuya Allen. Kanina pa ako nito tinatanong ngunit parang hindi ako makausap ng maayos.

Natatakot ako at kinakabahan. I don't know what to say. Hindi ako naging handa sa bagay na ito. Parang sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung aaminin ko ba o hindi.

I ignored my friends. Lalo na ang tawag ni Elias.

"Is this true?" tanong sa akin ni sir Primo. He looks confused and disappointed. Hawak niya ang tablet kung saan naroon ang news at picture namin ni Elias.

"Rai, sabihin mo na, na mali ang nasa post. Pwede natin kasuhan ang nagpakalat 'nun." Sabi ni kuya Allen sa tabi ko. Kahit siya ay kinakabahan sa nangyayari. Mariin akong napapikit. Ano nga ba nag gagawin ko?

"Alam mo bang pwedeng masira ang grupo niyo dahil sa eskandalong ito? Kung hindi naman ito totoo. Mag-lalabas kami ng statement para dito, na mali ang paratang nila. Hindi rin ito papayagan ni Mr. Finnegan dahil pangalan rin ng anak niya ang masisira."

It barely caught my attention. I'm just thinking about how our group, the one we've worked so hard for, might fall apart, and I can't bear the thought of Elias's name being tarnished. Why didn't I think of this?

Malalim na bumuntong hininga si sir Primo habang hinihintay akong mag-salita. He looks impatient.

Bigla itong napatayo nang bumukas ang pinto ng opisina niya.

"Engineer Finnegan." Bahagya itong yumuko nang pumasok ni Elias. He seems serious.

"Huwag po kayong mag-alala, kami po ang aayos ng eskandalong ito. Baka nagkakamali lang po ang nagpost nito." paliwanag ni sir Primo.

Reaching the starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon