15- Dinner

14 1 0
                                    

Dinner

Kung ano man ang meron kami ay tinapos ko na agad. I denied the rumors about us. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako kinausap ng management tungkol sa issue. Nakita ko na lamang na may pinost sila ng letters tungkol sa maling balita na pinapakalat ng isang page.

Agad naman itong pinaniwalaan ng mga fans. Bahagya akong nakaramdamn ng guilt sa pagsisinungaling ko.

Para rin naman ito sa lahat hindi ba? Mali ang kung anong meron kami kaya dapat na ayusin.

Halos hindi ko sagutin ang tawag ni lola o kaya ni tito. Tanging si Kuya Allen na lamang ang pinapakausap ko sa kanila. Hindi ko kayang kausapin sila dahil alam ko na magtatanong sila tungkol doon.
Nais kong magpahinga muna.

They asking me to have a vacation. Pero hindi ko iyon tinanggap. Hindi ako sumang-ayon. Dahil kapag tinakasan ko ito ngayon, baka kung anong isipin ng mga tao.

Mariin kong ikinuyom ang kamay ko. Nais kong suntukin ang sarili ko. Tama naman ang ginagawa ko hindi ba?

Alam kong hindi ko maiiwasan ang mga tanong ng mga tao. Ilang beses akong nag-ensayo sa harap ng salamin kung paano sagutin kung sakali mang tanungin sa akin ng mag-iinterview ang bagay na iyon. Ngunit nag-tataka ako dahil hanggang matapos ang interview ay walang tanong na nilabas tungkol sa totoong relasyon ko kay Elias.

Ginawa talaga ng VF entertainment ang lahat para maalis ang pangalan at malinis ang pangalan ni Elias.

Napabaling ako kay Kirby na biglang tinapik ang braso ko nang matapos kami sa pag-shooting.

"Relax lang, Rai. Kanina ka pa wala sa sarili." Nakangiting sabi nito. Pilit akong ngumiti rito. Habang nag papalit ng damit sa dressing room. Bigla kong napansin ang singsing sa kamay ko. Hindi ko man lang naibalik sa kanya. I took it off and put it to my bag.

"Rai, tara na!" tawag sa akin ni Rafael. Nakita ko silang naghihintay na sa may pintuan. Kinuha ko ang bag ko at sumunod na sa kanila.

Halos marami rin ang nakaabang na fans sa bungad ng hall kung saan ang shooting. Bahagya akong kinabahan. Para bang nahihiya akong humarap sa kanila.

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kung hindi lang ako inakbayan ni Yohan ay hindi pa ako gagalaw.

"Dude, loosen up! Don't worry, we got you." Mahinang bulong nito sa tabi ko.

"Neon! I love you!" sigaw ng isang fan sunod ang sigawan. I bit my lower lip. How can I smile at them if I feel like I'm betraying them. Mamahalin pa ba nila ako kapag nalaman nilang ang iniidolo nila ay may naging karelasyon na kapwa lalaki?

Sa buwang nagdaan. Paunti-unti nasasanay na ulit ako. I became close with my bandmates. Kapag wala kaming trabaho ay nag-t-travel kami kung saan saan. They never asked me about my sexuality. They respected me about it. Hinihintay lang siguro akong mag-open up sa kanila.

"Rai!" tawag ni Yohan. Napangiti ako nang bigla ako nitong kinuhanan ng litrato.

We are here in Korea. "I'll send you the picture, you look fine."
Sabay na kaming bumalik sa camping van namin kung nasaan iyong tatlo.

"Grabi ang lamig talaga rito.....paabot po." Inabot ko dito ang can ng beer. Umiinom kami habang hinihintay na matapos sa iniihaw ni Jaeki.

"Ano nga pala ang plano mo Rai? Diba inaalok ka ng management ng acting project?" tumango ako rito habang sumisimsim sa beer.

"Kung tatanggapin mo, makakatambal mo si Athena. Swerte mo."

"It's also a big opportunity to enhance your talent." Si Yohan

"Pag-iisipan ko pa."

Mga limang araw lang kami sa Korea bago bumalik ng bansa. I took the acting project. Bagong experience rin naman ito. Kinukulit rin naman nila akong kunin ito.

"Hi Rai, Im Athena." Ngumiti ako dito at nakipagkamay.

"Nice to meet you, Athena."  Halos tatlong oras ang naging meeting namin at sa susunod na araw ang script reading. Kinakabahan ako dahil baguhan pa lamang ako sa pag-acting.

"Okay ka lang?" tanong ni Athena sa tabi ko. This will be our first shooting.

"Yeah, medyo kinakabahan lang."

"Kaya mo 'yan, kapag tumagal masasanay ka lang." sabi nito. Mas may karanasan na kasi ito. She's a child actor when she started. Kaya medyo kinakabahan rin ako dahil sa beterana na ang katambal ko. It's a love story about two rival students became a lover. It's an adaptation from a wattpad stories. Im not familiar to wattpad.

"Thanks ." Tanging nasabi ko.

"Ako bahala sayo."

"Sabi mo 'yan ha." Natatawang sabi ko. Tumawa na rin ito.

"of course!"

I did my best for this project. Buti na lamang ay hindi nag-sasawang tulungan ako ni Athena. She's really kind and patience to me. Dahil doon ay naging malapit kaming dalawa.

"Congrats! Isang take lang iyon." Lapit nito sa akin nang matapos kami sa ilang scene.

"Syempre, ikaw nagturo e." sagot ko dito. Tumawa naman ito.
Bahagya kaming natahimik. "Ah Rai, pwede ka bang ma-invite mag-diner?" nahihiyang tanong nito.

Napaisip naman ako. Madami na ang natulong nito at wala pa akong nagagawa para magpasalamat sa kanya. I nodded and said yes to her. Bigla itong natuwa.

"Okay tomorrow night?"

"Sige."

"Thank you, Rai." Sabi nito bago nag-paalam umalis.

I took my phone when I lay in bed. Nakita ko na finollow ako ni Athena. I followed her back. While scrolling through Instagram, I suddenly saw a post from Selena. She was with Elias. Ito ang unang kita ko sa kanya nang maghiwalay kami. He became very private after the issue. Walang naging balita sa kanya. Ang alam ko lang ay nasa France lang ito. Wala na rin kaming komunikasyon. He even deleted his Instagram.

Selena became a model in France. Matagal na rin itong hindi bumabalik ng bansa simula nang mag-disband ang grupo nila. Hindi ko alam kung nag-uusap pa sila ni Lory dahil magkaibigan ang dalawa noon.

Bahagya akong napatingin sa picture nila. They're so perfect for each other. Aaminin ko na bigla akong nakaramdam ng kirot. I want to be responsible for my decision. He looks fine now.

"Hi! I'm so sorry kung late ako." Tumayo ako at dinaluhan siya. She kissed my cheek. Bahagya akong nagulat dito.

"Kanina ka pa ba?" tanong nito habang hinihintay namin ang mga pagkain.

"Hindi pa naman, no worries. Okay lang naman sa akin."

We both talk about our work, hobbies and likes. Ang dami naming napag-usapan at pareho kaming nagkakasundo. Halos hindi namin namamalayan ang oras. We both laughed when we realized the time. I insisted to pay for our dinner.

"Thank you, Rai. Sa susunod libre naman kita." Sabi nito nang ihatid ko siya sa sasakyan niya.

"Thank you din, A" kumaway ako dito bago kinuha ang motor ko at umalis na rin doon.

Reaching the starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon