"Kasi ibang level tayo. This uniform..."
Itinuro nito ang black at red uniform.
"This is the main uniform ng school. At itong white coat na hanggang tuhod it's for the mission uniform, ito ang susuotin mo kapag may gagawin tayong mission inside or outside of the campus. And this black cloak you can wear this anytime you want."
"Pero diba class time ngayon? so dapat nasa room kayo hindi ba? "
"Yes. Pero minsan lang, it's because we do training and missions kaya hindi kami nakakapasok. Depende na rin kay leader" .
"Leader? "
"Yes. In our group, we have a leader and that is Shadow."
Napaisip siya. Yung shadow ba na tinutukoy nito ay yung lalaking hindi gaanong nagsasalita na kasama niya kanina?
"Nga pala, apat lang ba tayo dito sa dorm?" Nakuha niyang itanong habang nagbibihis.
"Hindi. Mayroon pang isa. Si Fauvia (read as phovia) wala siya ngayon dito pero makikita mo rin siya. She was the girl version of Shadow tahimik lang pero nakakatakot."
"Kung ganun ibig sabihin malakas din siya. Pagnagkataon ako lang pala ang mahina dito." Natatawa niyang sabi ng matapos ibutones ang uniform.
"Of coarse not! Isinama ka ni Master Hamasaki sa grupong ito so it only means, malakas ka." Lumapit si Viola sa kaniya at ipinaharap siya sa salamin.
"Ayan! Bagay sa iyo ang uniform. Tara punta na tayo sa training room.''
Hinawakan siya ng dalawa sa magkabilang kamay at hinila palabas.
Hindi katulad kanina na wala ni isang estudyante sa daanan, ngayon marami na kapwa may kasama at kausap na iba ring estudyante. Pakalat kalat ang mga ito sa hallway na dadaanan nila.
Para siyang mahihilo dahil sa mga galaw ng mga estudyante, yumuko siya ayaw niyang may makakita at makakilala sa kaniya na siya yung babaeng alipin. Ngunit nagtaka siya ng makalagpas sila sa mga ito ay wala ni isa man lang sa mga ito ang nakakilala sa kaniya.
"Ang ganda mo na raw kasi kaya di ka nila nakilala agad.''
Alanganin siyang ngumite.
"Ano nga pala ang gagawin natin sa training room? "
"Ipapakilala ka sa ibang myembro ng grupo."
Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Dahilan para mapahinto siya.
"Wag kang kabahan. Mababait naman yung iba except kay marice na mataray at kay leader na suplado at seryoso pero kahit ganun sila they are powerful. Kaya wag na wag mo silang mamaliitin." akbay sa kaniya ni Cleo.
"Mas lalo tuloy akong nacurious kay shadow. Hindi ko kasi siya masyadong namukhaan nung kinuha nila ako sa auction."
"Naku! Ang gwapo kaya ni leader and and sexy pa." kinikilig na sabi ni cleo, nakukuha tuloy nila ang atensyon ng ibang estudyante.
"Sexy? Panu mo naman nasabing sexy?"
Naguguluhan niyang sabi.
"Kasi ang sexy ng damit niya talo pa ang babae yung tipong tanging dibdib lang nito ang natatakpan tapos yung abs niya kitang kita." Nang lingunin niya si cleo ay nakatingin ito sa itaas na parang iniimagine nito na naroon si shadow.
Sa sinasabi nito ay mas lalo siyang naguluhan. Sigurado ba silang lalaki ang shadow na iyon? Baka bakla? Pero nung nagsalita naman ito ay lalaking lalaki ang boses nung binili siya ng mga ito.
"He's not gay."
Ngayon napalingon naman siya sa nagsalitang si Viola na kanina pa tahimik sa kanilang tabi.
''Huh? "
"Kaya niya rin bang magbasa ng isip?"
"You're thinking that he's a gay right? And I am telling you now that you're wrong."
"Ganoon talaga ang damit niya." Dagdag ni cleo.
"Ah..okay." Ang weird naman nitong si Viola kanina lang okay naman siyang kausap.
"Nandyan ka pala Viola? Kala ko naiwan ka eh." Biro ni cleo.
"Waley." -viola
Nakangusong naglakad padabog na parang bata si cleo. Napailing na lamang siya.
***
Ilang sandali pa nasa harap na sila ng isang pintuan.
"Eto na ba ang sinasabi mong training room?" Hindi niya mapigilang magtanong
"Uhuh."Patango - tango sabi ni cleo.
Napakapit siya kay Cleo ng biglang gumalaw ang sahig na kinatatayuan nila .
"Anung nangyayari? May lindol ba?"
"Nope. Mukhang naglalaban sila. Masaya to. DALI! " bigla nitong hinawakan ang doorknob ng pintuan at pinihit pabukas.
Sumalubong sa kanila ang puro usok. Hindi niya maaninag ang nasa loob dahil sa makapal na usok na galing sa lupa.
*cough*
*cough*
*lakad*
*lakad*
Mabilis na tinakpan niya ang ilong at pinakiramdaman ang paligid.Mukhang siya na lamang ang naroon sa pintuan kung paano?? Hindi niya rin alam.
Napaatras siya ng biglang may bumulusok na kung anong bagay sa harapan niya.Nahati ito at tumalsik ang ibang bahagi nito sa paligid at ang iba ay papunta sa KANYA!!!
Wala na siyang oras para iwasan ito kaya mabilis na iniharang niya ang isang kamay sa harapan at ipinalabas ang kapangyarihan.
Isang bughaw na harang ang lumabas mula sa kanyang palad at sinalubong nito ang bagay na tatama sa kaniya.
"WAVE!! "
Nilipad ng hangin ang tuwid niyang buhok sa lakas ng impact ng pagtama nito.
Sa isang iglap, nawala ang lahat ng usok sa paligid at nawala din ang bagay na iyon sa kanyang harapan. Parang dinaanan ng gyera ang lugar na sinasabi nilang training room kanina ng tuluyang humupa ang usok. Pero nagtaka siya ng makitang napakalawak ng lugar ay mistulang gubat ito dahil sa napakaraming puno na kakatumba lamang, may ilan ding nakaligtas at nakatayo pa.
Nang umangat siya ng tingin ay doon niya nakita ang dalawang taong nakatayo sa gitna, nakamasid lamang ang mga ito sa kaniya .
"Wow! Paano mo nagawa yun??"
Hindi niya alam kung saan galing ang dalawa dahil bigla na lamang ang mga ito na sumulpot sa tagiliran niya.
"Maybe that's your power right?" Viola.
Sinubukan niyang ibuka ang bibig para magsalita pero
"Psh! Pagrand entrance pa! " nakita niya sa di kalayuan sa kanila si Marice na nakaupo sa isang eleganteng upuan.Teka—paanong? nagkaroon ng ganoong upuan sa gubat?? Sa pagkabigla muli niyang inilibot ang paningin sa paligid.
Wala na ni anu mang puno siyang makita sa paligid.wala na rin ang pagkasira ng lupa.Isa na lamang malawak na sementadong sahig na lamang ang naroon. Walang anumang bakas na may labanan na nangyari kanina. Bumalik na sa dati ang lahat.
What the hell??
Anong klaseng lugar to??
BINABASA MO ANG
Catillon Academy
RandomWith the visible chains on her arm set by Night, ayumi had through enough to stay away from the dark continent. She's losing her hope, not until she was being sold to this academy which let her felt being loved and experienced the freedom which she...