3 RR

2 0 0
                                    

Ang southern sector ay inilaan ng gobyerno para maging isang paupahang area. Dahil diyan ay sagad na sagad ang mga lugar na puwedeng pagtayuan ng mga gusali. Ang mga apartments dito ay napakataas na para bang mga concrete poles na ginawa ng hindi manlng kinunsidera ang exposure sa Araw.

Si Luo Feng ay nakatira sa 32 na palapag sa isang apartment na may 36 na palapag.

Gusto mo bang pumunta sa dojo mamayang gabi Feng? Sabi ni Wei Wen habang patungo siya sa kabilang apartment

Kailangan ko pumunta sa isang family education meeting mamayang gabi pero pagkatapos nito ay baka sakaling pumunta ako sa dojo. Huwag mo na ako hintayin mamaya. Sabi ni Luo Feng habang ito ay naka ngiti at kumakaway sa kanya habang paakyat siya ng hagdan ay nagcocover ng apat na baitang kung kayat para siyang isang nagmamadaling panther at narating niya ang ikalawang palapag sa loob lang ng dalawang segundo.

Third Floor, Fourth Floor....

"Step! Step!"

Kahit na tumatakbo na si Luo Feng sa hagdanan ay napakaliksi parin nito dahil nagawa niya pang magbigay daan sa mga nakakasalubong niyang mga residente na pababa ng hagdan.

"Nakauwi ka na Feng?"

Opo Uncle Wang. Hindi man lang naapektuhan ng pagtakbo niya ang bilis ng kanyang paghinga na bilang isang "Elite" member ay wala itong pinagkaiba sa mabagal na paglakad.

Para sa opinyon ng nakararaming nakatira sa building na iyon ay nagpasya sila na huwag na pagawan ng elevator ang kanilang building dahil maaaring tumaas lamang ang buwan nilang bayad sa renta dahil dito. Kaya ngayon ay sanay na sanay nang umakyat baba ang mga residente kahit na dosedosena pa ang taas ng kanilang inaakyat.

At para sa kanila ay walang kakuwenta kuwentang bagay ang pagpapagawa ng elevator.

Napakamahal ng kuryente sa kanilang siyudad at ang defense system nito ay pinagagana rin ng kuryente. Matindi ang pangangailangan ng kanilang bansa sa kuryente.

32nd Floor!

May walong pamilya ang nakatira sa ika 32 na palapag ng apartment na iyon. Isa na rito si Luo Feng.

"Kacha!" Sabi ni Luo Feng habang hawak niya ang susi at binuksan niya ang pintuan.

"Kuya ikaw ba iyan?" Sabi ng isang boses na nangagaling sa loob ng kanyang tirahan.

"Oo" sabi ni Luo Feng at isinara niya ang pintuan. Ang tirahan ni Luo Feng ay mayroong isang kuwarto at Isang sala. Ito ay may kabuohang sukat na 36 ping*.

Bago pa man mag simula ang kanyang mga ala ala ay nakatira na sila ng kanyang buong pamilya na binubuo ng kanyang kapatid na lalaki at ang kanilang mga magulang sa 36 ping na lugar na ito.

Ano yang binabasa mo Hua? Sabi ni Luo Feng habang papunta sa balkonahe.

Isang sakitin at napakapayat na teenager na nakawheelchair ang may hawak na isang libro sa English ang makikita sa balkonaheng iyon. Noong makita iyon ni Feng ay agad ito napatawa. Oh hindi ba yan ay si "Pulaisi" na tinaguriang investing expert? Hindi ba ang stock god na si 'Bafeite' ang pinakasikat sa kanilang mga investing expert?"

Walang gaanong naiintindihan si Luo Feng pagdating sa stocks and investments.

Hindi nababagay sa akin si Bafeite. Napakalapit mga ideals ko sa mga teorya ni Pulaisi at maging kung paano rin ito magisip. Sabi ng sobrang payat na teenager habang itinataas niya ang kanyang ulo at ngumiti Ng kaunti.

Ituloy mo na ang pagbabasa mo sabi ni Luo Feng habang ito ay tumatawa.

Sinadyang tingnan ni Luo Feng ang mga binti ng kanyang nakababatang kapatid at nakaramdam ng sakit sa kanyang puso. Noong bata pa sila ay nasagasaan ng sasakyan ang kanyang nakababatang kapatid. Ang buong parte ng kanyang binti sa ilalim ng kanyang hita ay durog na durog na nagresulta sa pagkabaldado nito. At dahil na rito ay nakaramdam siya ng matinding pressure dahil sa kanyang kapansanan na kahit ang kanyang pagaaral ay nagagawa na lamang sa pamamagitan ng long distance lesson gamit Ang internet.

At dahil na rin matagal na itong hindi nasisikatang ng araw, namutla ng todo ang mukha ng kanyang nakababatang kapatid na para bang ito ay may sakit.

At wala rin masyado siyang kaibigan dahil may pagkaintrovert Siya.

Hindi kalakihan ang sahod nila nanay at tatay para palakihin kaming magkapatid. Ang kapatid ko pa ay may kapansanan kaya napakalaking pasakit nito sa pamilya namin. Ito rin ang dahilan kung kayat nakayanan lamang naming manirahan sa isang murang paupahang bahay kagaya nito.

Kailangan kong baguhin ang kapalaran naming ito.

Naisip si Luo Feng gamit ang kanyang puso.

Mayroong akong crush kay Xu Xin pero hindi pako gumagawa ng anumang galaw dito. Hindi ko pa rin nasusubukang mag simula ng isang relasyon.

Ayon sa batas ay pwede ng magpakasal ang isang magkasintahan kung sila ay 18 years old na kaya maraming tao ang nagkakarelasyon habang high school ang nagpapakasal pagtapos nilang gumraduate. Napaka kaunti as in kaunti ang mga taong walng karelasyon sa high school kaya paanong nangyari na wala akong karelasyon?

Dahil siguro wala akong panahon para makipagrelasyon! Hindi mayaman ang pamilya namin kaya wala rin akong gabay ng isang bihasang guro. Nakadepende lang ako sa sarili ko sa lahat. Sabi ni Luo Feng habang tinitingnan niya ang kanilang lumang sofa na puwede ring magsilbi higaan. Itong napakaraming taon na ito na kung saan kaming apat ay nakatira sa loob ng tirahan na ito na mayroon lamang na isang kuwarto at isang sala lamang. Kami ng kapatid ko ay natutulog sa kuwarto habang ang aming mama at papa ay natutulog sa sofa sa aming sala.

Sinisiguro ko na patitirahin ko balang araw ang aking pamilya sa isang napakalaking bahay na mayroong elevator sa loob.

Pahihigain ko sina mama at papa sa isang napakalaking kama.

Hindi ko na rin hahayaang mahirapan pa ang kapatid ko sa pagakyat baba sa hagdanan

Mayroong napakalaking bintana ang bahay na ito upang makapasok ang napakaliwanag na sinag ng Araw.

Ang mga salitang ito ang paulit ulit sa isipan ni Luo Feng kung kaya ay napakasipag nito.

Kaya----

"Di"

Kumulo na ang tubig sa electric kettle. Ibinaba ni Luo Feng ang kanyang libro at sinalin sa thermos ang tubig mula sa electric kettle. Nagsalin din siya ng mainit na tubig sa isang malaking plastic cup at inilagay ito sa kanilang lamesa.

 Strongest FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon