ADAM COLLIN'S POV
"Maubusan ka sana ng hangin kakatawa!"bwesit na bwesit kong asik kay Kuya Sebastian,
Pagkatapos ko kasi siyang balikan sa airport ay umuusok na ang ilong nito kaya naman bago niya pa ako sermunan ay kinuwento ko na sa kaniya yung encounter ko doon sa babae. Heto siya ngayon at wala na yang bukas kong tumawa kaya naman sinamaan ko na ito ng tingin. Asar na asar na nga ako dahil kay Dad tas dinagdagan pa nung babae kanina na ipagdadasal na lang daw ako tapos tinatawanan niya pa ako.
"You know, I want to meet that girl and thank her dahil pinasaya niya ang araw ko," rinig kong pahayag niya.
Napairap na lamang ako sa kawalan dahil sa sinabi niya at nag-pokus na lamang sa pagmamaneho.. Mahirap na at makalimutan kong kuya ko 'tong kasama ko at bigla ko na lang siyang masapak sa pang-aasar niya sa akin.
"Open the trunk, ako na kukuha ng mga maleta ko," rinig kong wika ni kuya habang tinatanggal niya ang kaniyang seatbelt.
Tinanggal ko muna ang seatbelt ko bago ako nagsalita, "ako na magdadala niyan. Mamaya ay sermunan na naman ako ng magaling mong ama dahil pinagbitbit ko yung paborito niyang anak," naiinis kong asik sa kaniya. Naalala ko na naman kasi ang pag-utos sa akin ni Dad kanina na parang naubusan kami ng driver dahil ako pa talaga ang nautusan niya.
Tumawa naman si kuya, "come on. Intindihin mo na lang si Dad, tumatanda na kasi," pag-alo niya sa akin.
"Ever since ganun na siya," saad ko saka kumuha ng pakete ng sigarilyo sa compartment ng sasakyan ko. Sisindihan ko na sana ang stick na sigarilyo na nakuha ko ng tabigin ni kuya ang kamay ko.
"I told you to quit smoking," seryosong turan nito sa akin.
"Paminsan-minsan na lang naman," sabat ko saka akmang sisindihan ulit ang sigarilyo nung mabilis niyang kinuha ang stick sa bibig ko.
"We are outside the company baka may makakita sa iyo," saway niyang muli sa akin.
"As if may makakakilala naman sa akin," sarkastikong turan ko at ibinalik na lamang ang lighter sa compartment. Nawalan na din ako ng gana na magsigarilyo sa kakulitan ni Kuya.
Bumuntong-hininga naman ako, "you know sooner or later makikilala ka din nila," saad niya.
"Mauuna pang pumuti ang mata ko kaysa uwak diyan sa sinasabi mo. Sino ba naman ako para ipakilala diba?" asik ko sa kaniya.
"Adam—"
"Sige na Kuya pumasok ka na sa loob. Ipa-park ko lang 'tong kotse tapos ako na magdadala ng mga gamit mo. Ewan ko ba kasi sa iyo, imbes na sa bahay ka umuwi, dito agad ka dumitso," pagputol ko sa mga sasabihin niya pa saka bahagya siyang tinulak para lumabas na siya sa kotse.
Pailing-iling ito nung binuksan ang kotse. Bago pa siya makalabas ay nilingon niya ako, "I'll order some food, anong gusto mo?" tanong niya.
"Kahit ano, bahala ka na," sagot ko naman sa kaniya.
Tumango na lamang ito saka sinara ang pinto ng kotse. Naging hudyat ko naman ito upang magmaneho papunta sa parking space dito sa labas ng Highland Corp.
ROSE'S POV
"Last question, Ms. Rose..."
Nakahinga na ako ng maluwag dahil sa sinabi ng interviewer. Grabe halos mag-iisang oras na ako dito sa loob ng conference room. Para na akong ginisa sa mantika nitong interviewer. Ganun kahirap ang humanap ng trabaho dito sa Pilipinas.
"Ms. Rose, are you still with me?"
Napabalik ako sa realidad dahil sa sinabi niya. "Y-yes po," kinakabahang sagot ko sa kaniya.
"The last question is bakit hindi ka namin kailangang i-hire?" seryosong tanong niya kaya lihim akong napalunok ng laway.
"Sa tingin ko po, hindi niyo ako kailangang i-hire kung naghahanap kayo ng may experience na para sa posisyong ito dahil hindi ko yun mai-o-offer sa inyo. But kung naghahanap kayo ng taong purisgido, willing matuto, madiskarte at gagawin ang lahat, then please hire me dahil di ko po kayo bibiguin," may kumpyansa kong sagot sa kaniya.
Nakita ko naman ang bahagyang pag-angat ng labi niya sa sinabi ko pero mabilis itong napawi nung tumayo siya.
"We will call you if you are qualified," saad niya sa akin saka nilahad ang kamay niya sa harap ko.
Pilit naman akong ngumiti saka tumayo na rin at tinanggap ang pakikipagkamay niya. "Thank you po," tugon ko kahit sa loob-loob ko ay nalungkot talaga ako. Ganun naman lagi ang sinasabi nila pero hindi ka naman talaga nila tatawagan.
Pagkatapos kong bitawan ang kamay nung interviewer ay sinenyasan na niya ako na pwede na akong lumabas. Nag-bow lang ako sa kaniya saka kinuha yung bag ko at lumabas na sa conference room. Habang naglalakad ay binibilang ko ang resume na meron ako. Since nandito na din naman ako, maghahanap na lang ako ng ibang pwedeng pasukan dito. Kailangan ko na talaga ng pera dahil paubos na yung pensyon ni mama at may kailangan siyang gamot.
"Sorry po," mabilis kong paghingi ng despensa sa nabangga ko dahil sa wala nga sa daan ang focus ko.
"Ayos lang." Napaangat ako ng ulo dahil sa mala-anghel na boses na narinig ko. Mabilis kong tinikom ang bibig ko dahil muntik na malaglag ang panga ko dahil sa poging nasa harap ko.
"Miss?" tawag pansin niya sa akin kaya naman nabalik ako sa realidad.
"So-sorry po," mabilis kong wika saka paulit-ulit na nag-bow sa kaniya. Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa kaya napatingin ulit ako sa kaniya pero sa hawak ko naman siya nakatingin.
"Nag-apply ka?" tanong niya sa akin. Tanging tango lang naman ang naisagot ko sapagkat natatameme talaga ako. "Best of luck," nakangiting wika niya sa akin saka ako nilagpasan.
Naamoy ko pa ang pabango niya na mukhang mamahalin dahil amoy elegante talaga. Di ko tuloy mapigilang mapangiti, ang pogi niya talaga. Mas pogi siya kaysa doon sa nakakatakot na cab driver kanina. Napailing na lamang ako dahil sa naisip ko at saka napagdesisyunang pumunta na sa exit. Bago ako makalabas ay nakita ko yung picture nung lalaki kanina.
"Sebastian Selvestre, CEO." Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. OMG! Nabangga ko ang CEO ng kompanyang ito. Nakakahiya!
Mabilis akong naglakad palayo dahil sa kahihiyang naramdaman ko na napalitan ng sakit dahil sa kung sinumang bumangga sa akin kaya napasalampak ako sa sahig sa lakas ng impak.
"Bakit hindi ka... ikaw na naman!"
"It's you again!"
![](https://img.wattpad.com/cover/375728436-288-k788990.jpg)
BINABASA MO ANG
Heartstrings' Affection | Lies Between Lines Series #1
Lãng mạnLies Between Lines Series #1: Heartstrings' Affection Dianne Rose Diaz/ Diane Rose Geonzon, determinadong anak na ang gusto lamang ay maipagamot ang kaniyang "kinilalang" ina kaya naman nung pinalad siya upang magtrabaho sa isa sa pinakamalaking kom...