16- Words

16 1 0
                                    

Words

"Congrats Rai!" yakap sa akin ni Nathan. Luigi and Nico are also there. Sila lang tatlo ang nakapunta sa graduation namin ni Lory.

"Salamat guys."

"Buti natapos niyo na rin. Kayo na lang dalawa ang naiwan e." natatawang sabi ni Luigi. Binigay nito sa akin ang kumpol ng bulaklak habang yung isa naman ay inabot kay Lory.

"Picture naman tayo!" ani ni Lory habang inaabot kay Nathan ang phone niya."

Natawa na lang ako nang magreklamo si Nathan.
"Lagi na lang ako taga kuha." Reklamo nito.

"Malamang jan ka magaling." Si Luigi na nakaakbay na sa akin.

"Bilisan mo!" utos ni Lory. Ngumiti kami lahat sa camera. Nagpakuha na rin kami ng picture sa kung sino para makasama si Nathan.

"May party sa bahay, ano punta ba kayo?"

"Syempre, kami pa ba?" tumingin sila sa akin. Ngumiti ako habang umiiling. Naintindihan naman nila ang dahilan ko.

Agad akong yumakap kay lola nang bumisita ito sa bahay, naroon rin si tito.
Maliit na salo-salo lamang ang ginawa namin kasama sina Kirby.

We celebrate together. Konting inuman lang kasama si tito at kuya Allen.

"Kumusta ka naman apo?" tanong ni lola nang kami na lang ang nasa kwarto ko. Dito ko muna sila pinatulog. Si tito ay nasa sala na natulog dahil ayos lang daw siya doon.

"Ayos lang naman po, lola. Kayo po ba?"
Marahan niya hinaplos ang mukha ko. Ang kulubot na noo nito ay tila may nais tanungin sa akin.

"Mahal na mahal kita apo higit pa sa buhay ko, huwag na huwag mong iisipin na mag-isa ka lang, nandito ako at si tito mo. Kahit ano ka pa o kahit sino ka pa. Tanggap ka namin hindi iyon magbabago." Sabi nito. Iniwas ko ang mata ko nang mapansin ko ang kislap ng tubig sa mata ni lola.

"Sus, si lola nag-eemote. Dahil ba iyan sa tumatanda na po kayo?" Natatawa kong asar dito. Ngumiti lang ito.

"Ang apo ko, lumaking gwapo at mabait. Sigurado akong proud sayo ang mama mo, kung narito man siya." Sabi niya habang hinihimas ang buhok ko.

Ngumiti ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa paghimas ni lola sa buhok ko, gaya ng ginagawa niya noong bata pa ako.

"Lagi kang mag-iingat dito ha. Huwag mong papabayaan ang kalusugan mo."

"Opo lola"
Kanina pa ito nagbibilin sa mga kung ano ang dapat gawin. Natatawa na lang ako dahil paulit-ulit lang naman ito.

"Ma, Malaki na si Rai. Kaya na niyan ang buhay niya. Huwag kang mag-aalala sa kanya. Tara na para makapagpahinga pa ang apo niyo." Kumindat sa akin si tito. Dahil kong hindi niya pipilitin si lola ay hindi pa ito aalis.

"Ingat po kayo" sigaw ko. Bumusina lamang si tito bago sila umalis.

Bago ako pumasok ng kwarto ay natanggap ko ang mensahe ni Athena. Nag-aaya ulit ng dinner. Bahagya naman akong na-guilty nang nakalimutan kong imbitahan siya sa graduation party ko kahit na konting salo-salo lamang ito.

I replied to her.

"Akala ko hindi mo ako sisiputin." Nakangusong sabi nito nang dumating ako sa tinext niyang location. Tinignan ko ang oras sa relo ko. Maaga ako ng sampung minuto.

"Inagahan ko talaga. Ayaw kong maghintay ka ulit sa akin." Sabi niya nang mapansin ang pagtingin ko sa oras.

Naupo na ako sa harap niya. Nilibot ko ang paningin ko dahil mukhang mamahalin ang restaurant na Napili niya ngayon. Nakakahiya tuloy mag-palibre dito.

Reaching the starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon