[ Beatrice’s POV ]
“ Bey ! May laro daw kayo ngayon “ sigaw ng bestfriend kong si Stefhanie . Stef daw for short . Mas sosyal daw pakinggan pag ganun e . By the way I’m Beatrice Gusman , but they call me Bey.
Intersection namen this month at dahil sa magulong schedule , hindi nanaman ako nakapagdala ng PE uniform ko. Bket ba kase ganito sila -__- Late na magannounce ng game. Kailangan ko pa tuloy umuwi para kuhanin yung uniform ko .
“ Stef , ikaw na bahala magpaalam saken sa next subject teacher naten ah ? Uuwi muna ako “
“ Owwsure . Ingat sa paguwi ha ? bumalik ka agad at may game ka pang ipapanalo “
Pagkatapos kong magpaalam sa Mapeh teacher ko, lumabas na ako ng school para umuwi .
Mga one hour din inabot ko bago ako makabalik sa school. Pagdating ko nagpalit na agad ako dahil next game na daw kami. Since wala na din kameng klase naisipan na naming tumambay sa court para manood.
“ Stef ,dun tayo tumabi kay mami “
Mami is our friend , Jessica . We call her mami kase parang sya na yung Mami ng friendship family namen :)
“ Wushuuu . Andun lang kase yung crushieee mo eh “ panunukso ni Stef.
“ Well , dahil dun na nga kaya bilisan mo naaa ! baka umalis pa eh “
Tumakbo agad kami ni Stef para maupo sa may Netpost . Dun nakatayo malapit si Ethan. My supeeer crushieee :”> Pero syempre natural lang para hindi halata ^___^
“ Hmm . Kunyari nanonood pero sumusulyap ? “ pangaasar ni Stef
“ Shhh. Wag ka nga maingay ? baka makahalata e . Tska nanonood naman talaga ako . Napapatingin lang XD “
“ weee . Lande neto XD “ sabay hila sa buhok ko .
“ Oyy . Wag nga kayo maingay ,ang lalandi nyo “ sabat ni Mami . Mangiinis nanaman -__- Haha .
“ Tsee . Wag ka nga , Ingget ka lang e :P “ –
“ Ingget ka dyan . Kumukha na nga lang kayo ng payong at naiinitan tong baby ko” sabay hawak sa pingi si Ethan.
“ Ayy . Landi mo din eh no ? You don’t do that to me , not with my baby ! “ sabi ko pero medyo mahina lang para di marinig ni Ethan.
“ So handa mong ipaglaban Bey ? “ bulong ni Stef.
“ Haha . Oo naman no ? Ano mami ? Kilala mo ba yan ? “
Nakikitawa lang samen si Ethan . Ewan ko kng naririning nya yung mga pinagsasa-sabi ko at naniniwala sya o ewan ? Basta ang alam ko nakikita ko yung maganda nyang ngiti :) At kinikilig ako . Yaaay :””>
“ Oo , si Nathan to diba ? “ confident pa sa sagot nya ah ?
Nathan is Ethan's Older brother . Magkamukhang magkamukha sila kaya marami ang nalilito sa kanilang dalawa .
“ Nyaay . Si Ethan kaya yan ^^ ! “ sigaw ko . ( Oo . sigaw pa talaga XD )
Nung ginawa ko yun , ewan ko ba kung anong gagawin ko . Parang gusto kong tumakbo at magtago -__- Nakakahiyaa kaya (>o<)
Di ko alam gagawin ko . Tiningnan ko si Ethan .
Lumingon sya saken sabay sabi , “ Kilala pala ako neto :) “