"Nasaan na naman ang upuan ko?" Mahina kong reklamo nang makitang iba na naman ang inuupuan ko.Kainis naman ihh! favorite upuan ko iyon. Tinignan ko yung upuan nina Kisha at Jess sa tabi ko pero hindi naman iyon
Alam na alam ko ang upuan ko... May pangalan na nakaukit doon.
'Marcus' ako ang naglagay no'n. Kahoy din kasi ang upuan namin at hindi naman bago 'yon kaya sinulatan ko yung desk. I know bawal pero para lang inspired ako.
Hindi buo ang araw ko 'pag hindi iyon ang inuupuan ko.
"Kainis naman, ba't ba napapalit ang upuan kapag umaga?" inis ding sabi ni Jess dahil matic na tutulungan nila akong maghanap.
Ayon nga ang ginawa namin, hanep sa kabilang row pa napunta, layo ah!
Nang mapagpalit namin ay napangiti ako
"Tsk! Masaya kana?" si Kisha
"Yup! Thanks" parang tanga kasi pakiramdam ko nagbalik din s'ya sa'kin.
Nagsimula ang klase, Philosophy ang unang subject. Dito ko rin talaga ramdam na bobo ako e, wala kasi akong maintindihan sa mga lessons or kulang pa sa inspiration ito?
Hindi ko na nasimulang sundan ang sinasabi nung teacher namin kaya wala na rin akong gana ngayong makinig. Paano e hindi ko naman na magets.
Mag study na lang ako ng sarili mamaya.
Nagtagal ang pagtuturo ni Ma'am at nagreready naman kami ngayon para sa second class. Pero may ten minutes pa na time.
Kukunin ko sana ang phone ko ng biglang tapikin ako ni Kisha sa balikat
"Huyy teh! yung crush mo oh!" parang kinikiliti niyang sabi sa'kin
Kaagad akong lumingon sa may pintuan... "Huh? Si Marcus? Nasaan???"
"Dumaan na, punta yatang canteen."
Matic akong napatayo, pero canteen?? Mas malapit doon sa hagdan nila ah? Ba't dito pa dadaan.
Napa-angat ang tingin sa akin ni Jess..."Oh saan kana man pupunta?" tanong niya.
"Bibili lang, may gusto ba kayo?" pagkukunwari ko, sana huwag na silang magpabili.
Nagtinginan naman silang dalawa at may mapanuksong tingin sa'kin ngayon
"Sus sus sus! susundan mo lang e. Tara na samahan ka namin." at tumayo na rin sila
Wala naman na akong magagawa dahil 'di naman papipigil 'yang mga iyan
Lumabas kami at nagpuntang canteen. Malayo pa lang tanaw ko na sina Marcus kasama yung dalawa sa mga kaibigan niya.
Ito na naman, nag slowmo na naman ang paligid ko. Bakit kaya ganito kapag nakikita natin ang taong gusto natin no? Kulang na lang huminto na talaga ang oras kakatitig sa kanila.
Nasa gilid lang sila, kaya sa may harap kami pumwesto. Umorder lang kami, hindi ko siya nililingon at pakunwaring walang pake.
Pero tangina, yung puso ko!! gusto nang magwala... Kaunti na lang sisigaw na ito ng "Marcus, gusto kita. Pakiss nga." siyempre joke 'yan.
Ang pogi niya shit! ang cute rin... bagay nga sa kaniya ang nickname naming Mr. Cutie lalo na kapag ngumingiti siya na halos nawawala ang mata, tapos yung maamo niyang mukha- iyong maliit na dimples sa dalawang pisngi niya.
Jusko lord! Ibigay mo na sa'kin please!!!
Ang tangkad niya rin talaga, bagay ang clean hair cut sa kaniya. Maputi at ang linis linis niyang tignan sa white polo uniform at black slacks and shoes.
![](https://img.wattpad.com/cover/376567384-288-k866411.jpg)
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1)
Teen FictionCompleted | Siel Series #1 | Light BL Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making efforts an...