"Oh, Iho. Maaga pa. Hindi pa p'wedeng buksan ang gate." kausap sa'kin ni manong GuardNasa first gate kasi ako, pagkalabas ko ng complex dito kaagad ako pumunta. Wala naman kasing mapagtambayan e.
May maliit na hagdang bato dito, kaya dito na lang ako umupo. Balak ko mag hintay hanggang sa matapos ang laro.
"Ah.. hindi po Sir Guard. May hinihintay lang po."
"Ay gano'n ba, dito iho, may electric fan.." alok niya doon sa upuan malapit sa guard house at may malaking electric fan siya doon.
"Hindi na po, salamat po." pagtanggi ko
Mahangin naman dito at presko.. nakakaantok tuloy
Napaisip tuloy ako kung anong nangyayari sa loob, bumalik kaya ang sigla ni Marcus sa paglalaro? Gusto ko sana panoorin kasi taon-taon naman lagi ko siyang pinapanood.
"Hoy!" naagaw ang pag mumuni-muni ko ng dumating si Jan, na hinihingal pa.
Kumunot naman ang noo ko sa kaniya, ginagawa nito dito?
"Ba't ka nandito?" agap kong tanong, gusto ko nga mapag-isa. May asungot naman na dumating
Umupo siya sa tabi ko... "Sungit ah, pake mo ba." sinapak ko siya ng mahina sa balikat
"Takte ka, sinundan mo ba ako? 'di ba sabi ko tapusin niyo yung laro."
"Wow ah, taas ng confidence. 'Di kita sinundan no. Ang init init sa loob, para akong nilelechon. Kaya lumabas na lang ako, ikaw 'di ka rin nakatiis no?" pang-aalaska niya sa'kin
Sus, walang wala sa'kin yung init sa loob no, yung malamig na tingin ni Marcus ang hindi ko matagalan.
"Pake mo rin ba?" asar ko din
"May pake ako kasi tao ako." balik niya, parang 'di naman
"Konting tao, konting halimaw..."
"What--" gulat niyang sabi, hindi na ako nakaiwas ng bigla niyang ikulong ang ulo ko sa braso niya
"Halimaw pala ah..." sabay kiliti niya sa'kin...
"T-eka---" pigil tawa kong awat sa kaniya
Nang makawaka ako, sunod sunod na suntok sa balikat niya ang ginawa ko
"Gago ka! pag nagulo ang buhok ko humanda ka sa'kin." banta ko
"Bagsak ang buhok mo, kahit magulo 'yan, maganda pa rin." pambobola niya
Inirapan ko naman siya... "Nambola ka pa."
"Hindi ah, hindi nagsisinungaling ang mata ko. Kapag sinabi kong cute ka maniwala ka." napangisi naman ako sa binigkas niya, parang tanga naman ang isang 'to
"So cute ako?" pag kumpira ko, sabi na eh, humahanga din sa'kin 'to
Ngumuso naman siya at nilagay ang daliri sa baba niya, parang nag-iisip
"Hmmm... hindi.. hindi ko naman sinabing cute ka. Kapag lang..."
Tangina, paepal talaga ang hinayupak na 'to.
"Ang pangit mo talaga.." Inis kong sabi, kahit na hindi naman totoo iyon dahil escort namin ang isang ito sa room. Matangkad, pogi at mabango
"Mana sayo boss." singhal niya
Nagtuloy ang asaran namin at aaminin kong nabawasan ang inip at antok ko sa dahil sa kaniya
Maya-maya naka received ako ng text galing kay Kisha
(Kisha Mariano: "Teh, saan ka? Tapos na ang laro. Panalo bebe mo")
Kaagad naman akong napa ngiti ng malawak after kong mabasa 'yon. Nacurious yata si Jan kaya kita kong nilalapit niya ang ulo niya para makita kung ano iyong binabasa ko sa phone ko.
"Panalo sila... sabi ko sayo e." pagyayabang ko ngayon
Nilayo naman niya ang mukha niya at inirapan ako...
"Tsamba lang 'yon." hinampas ko siya kaya napa 'aray' siya
"Tsamba mo mukha mo... magaling talaga sila no!" masigla kong sabi, sayang lang at hindi ko napanood.
"Nanalo naman na sila, tara na kumain. 11:40 na din" inip niyang yaya sa akin, sakto naman dahil kakabukas lang ni manong guard ng gate.
"Mauna ka na. May hihintayin pa ako." kita ko naman kaagad ang paglingon niya
"Sino? sina Kisha. Susunod na lang ang mga 'yon, itext mo." pilit pa rin niya
Kulit ah, ba't ba hindi pa siya kumain kung nagugutom na siya?
At ang tagal naman yata nilang lumabas.
"Mauna ka na--- Marcus!!" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana kay Jan dahil biglang nakita ko ang pagdaan ni Marcus, buti na lang napansin ko. Mag-isa siya ngayon, sakto!
Malaking hakbang ang ginawa ko para makapunta kay marcus.
"Congrats! Panalo kayo ulit hehe!" pabebe kong sabi
Tumango lang naman siya sa'kin at aalis na pero pinigilan ko siya
"Uuwi ka na? Tara kain tayo diyan, sa karinderya ulit , libre ko." ngiti kong ani
Naghihintay ako ng sagot niya habang nakangiti pa rin, sana pumayag siya!!
"Sorry, I need to go." at bagsak ang balikat ko pagkatapos niyang tumanggi
Nakabihis na siya ngayon ng pants at black and white adidas polo shirt, aalis? may pupuntahan ba siya?
"Ahh..busy ka? s-sige... next time na lang." mahina kong sabi, ang sakit talaga sa tuwing tatanggihan niya ako
Mabilis kong tinakbo pabalik kay jan, nagulat siya do'n at bakas ang pagtatanong sa mukha niya
"Tara na, kumain na tayo." sabi ko sa kaniya pero 'di sadyang napalakas ko yata iyon
Ambang tatayo na sana sa pagkaupo si Jan ng biglang may humawak sa kamay ko.
Pareho kaming gulat na gulat ni Jan, daig pa namin nakakita ng multo... Guwapong multo nga lang
"Ahhmm... I have time pa pala... Tara!" nakaawang man ang labi at gulat na gulat ay nagpati-anod lang ako sa paghatak sa akin ni Marcus.
Nalilito man ay hindi nakawala sa akin ang malaking ngiti sa labi. Nilingon ko si Jan at minuwestra na mauuna na kami, kita ko naman ang matamlay niyang pag tango.
Bumalik ako sa sarili ko at masayang sinabayan sa paglakad si Marcus.
"Saan mo gustong kumain? sa karinderya ba ulit?" tanong ko pagkalabas namin ng gate
"Ikaw ang bahala.... Dito ka nga, ang likot mo." tabi niya sa akin sa gilid, labasan kami kaya madaming sasakyan ngayon
Lihim naman ang ngiti ko, tanginaaaa kakilig naman oy!
Nilipat niya ako sa gilid, sa hindi ako madadaplisan ng mga sasakyan.
Mas lalo akong napangiti ng mapansing sa paborito kong karinderya kami papunta.
"Paborito mo na rin ba dito?" wika ko
"I don't know, i just find this place so simple...yet the ambiance makes me feel happy."
Siguro kasi kasama mo ako... pero siyempre hindi ko sinabi 'yon. Mamaya mabwisit na naman sa'kin ang isang 'to.
Masaya rin ako kapag kumakain ako dito dati, pero iba na ang saya ngayon kasi kasama at kasabay ko ang taong gusto ko.

YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1)
Novela JuvenilCompleted | Siel Series #1 | Light BL Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making efforts an...