TAO LANG AKO..

36 1 0
                                    

Bakit ako sumuko?
kasi masakit na? kasi di ko na kaya? kasi nahihirapan na ako? kasi pagod na ako?
Bakit nga ba?
Simple lang ang sagot ko sa iyo..
Kasi TAO lang ako..
Oo kilala ako sa pagiging malakas ko.. sabi nga nila "I'm a woman with a strong personality". Kaya kong dalhin ang sarili ko.. kaya kong ngumiti at tumawa  kahit sa loob ko ay durog durog ang puso ko. Kaya kong maging matatag sa kabila ng lahat ng problemang kinakaharap ko.. Kaya ko. Kaya ko kasi  pinili kong kayanin at pinilit ko maging matatag sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman ko..
Kaya ko at kakayanin ko kasi kailangan... Kailangan kong kayanin dahil ito lang ang tanging magagawa ko para sa sarili ko...
Malakas ako at iyon ang problema dahil minsan iniisip ninyo na okay lang saktan ninyo ako kasi alam ninyong kaya ko at dahil doon nakakalimutan ninyong tao rin ako.. Tao rin ako nasasaktan, nalulungkot at minsan napapagod din..
Kung ang superhero nga na may kapangyarihan,  minsan ay natatalo at bumabagdak din ako pa kayang TAO lamang
Kung ang makinarya nga na minsan nasisira at pumapalya rin, ako pa kayang tao lang...
Simpleng tao lang ako at iyan ang nakalimutan mo. Malakas man ako sa paningin mo pero may kahinaan din ako at minsan nagpapanggap lang ako kasi ayokong magmukhang mahina sa harap mo..
Tao lang din ako at nasasaktan ako sa bawat masakit na salitang binibitawan mo.
Hindi ako perpekto at hinding hindi ako magiging perpekto dahil walang ganun, walang perpektong tao at kahit libutin mo ang buong mundo walang ganun..
Tao lang ako eeh.. pasensya na pero tao lang ako...
Sumuko ako kasi tao lang ako nasasaktan, napapagod at nanghihina...
Sumuko ako hindi dahil pagod na ako kundi dahil ayoko na, dahil pinili ko umayaw at huwag nang lumaban pa.. Kung tutuusin kaya ko pa eehh kaso ayoko na.. Ayoko na kasi wala akong rason upang ituloy pa ang laban na sa simula pa lang ay talo na.. Dahil napagtanto ko na sa ating dalawa ako lang ang lumalaban at ako lang ang nageeffort. Ayoko na at ito na ang pinal na desisyon ko para sa ating dalawa.
Pasensya na dahil pinili kong tumalikod at isuko ka pero panahon na para sarili ko naman ang pagtuunan ko ng pansin.
Mas matatag ako at iyon ang problema nating dalawa. Dahil mas matatag ako pinili mong maging mahina. Pinili mong maging mahina dahil alam mong maasahan mo ako sa panahon ng problema..
Ayoko na..pasenya pero talagang ayoko na..
Napagisip isip ko na kung talagang gusto mong ituloy ang laban eh di sana lumaban ka kaso hinayaan mong ako ang lumaban dahil pinili mong maging mahina. Naging makasarili ka at hindi mo naisip na nasasaktan na ako at nanghihina.
Hindi mo kasalanan na mahina ka. ang mali mo lang talaga, pinili mong maging mahina kahit alam mong kaya mong maging malakas. Inabuso mo ang pagiging matatag ko dahil pinanindigan mo ang pagiging mahina mo.
Naging makasarili ka dahil habang ako ay nagdudusa ayan ka nakaupo na pinapanood akong lumaban para sa ating dalawa.. Ako ang prinsesa at ikaw ang sundalo pero dahil mahina ka hinayaan mong ang prinsesa ang lumaban para sa iyo.. Nakakatawa dahil sa pagiging makasarili mo nagmumukha ka nang tanga.. Simpleng bagay lang iaasa mo pa sa iba.. Kung noon nagbubulag bulagan ako sa iyong mga ginagawa puwes ngayon hindi na. Napagtanto ko na hindi kita kailangan para sumaya dahil ang pagiging masaya ay isang desisyon na ako mismo ang makakagawa.
Hindi kita kailangan dahil matatag ako at salamat sa pagiging mahina mo dahil natutunan kong maging masaya kahit wala ka sa buhay ko.
Salamat sa pagiging mahina mo dahil mas naging matatag ako.. salamat sa pagiging mahina mo dahil natauhan ako.. Patawarin mo ako kung ikaw ay tinalikuran ko dahil matagal na kitang pinatawad sa pagiging tanga mo.
Ang totoo makasarili ka at hindi ka mahina dahil kung talagang gusto mo gagawa ka ng paraan para ipaglaban ako pero hindi mo ginawa at salamat na din dahil naging tanga ka...
At dahil tanga ka aking napagtanto na hindi ka nararapat para sa akin. Ang taong kailangan ko ay isang taong kaya ako ipaglaban at panindigan  at hindi isang taong duwag at walang alam. Kailangan ko ng isang taong kayang manatili sa tabi ko at lumaban kasabay ko at hindi isang taong mahina at umaasa lang sa lakas na taglay ko.
Pasensya na pero ito na lang ang masasabi ko sa iyo.. Siguro hindi naman talaga kita minahal kaya ganito kadali para sa akin na bitawan ka at siguro nadala lang ako ng awa kaya lumaban ako para sa ating dalawa.
Hindi kita kayang mahalin dahil tao lang ako at hindi ko kayang mahalin ang isang tulad mo  Sumusuko na ako dahil alam kong walang patutunguhan ang lahat ng ito.. Sumusuko ako dahil karapatan kong sumaya at hindi ako sasaya sa piling mo... Sumusuko na ako dahil ayoko na.
Ayoko na dahil Tao lang ako...

RANDOMS THOUGHTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon