CHAPTER 2

2 0 0
                                        

........ Boogsh!! Blagg!! Boom!!......

Pupungat pungat akong bumangon sa kama ko dahil sa ingay sa labas ng kwarto ko!!! Nagkamot ako ng ulo.​ Araw araw na lang!!!!

Yura- RIOOOOOOOOOO!!!!!!!!

Biglang natahimik ang paligid. Ilang segundo pa ay napatalon ako sa kama ko dahil bigla na lang syang pumasok sa kwarto na may dalang kaserola at sandok at paulit ulit na hinahampas yun.

Rio- Yow, Rise and Shine.
Yura- pwede bang kahit isang beses lang.​ Hayaan mo naman akong magising ng matiwasay.
Rio- Luto na ang pagkain.​ Lets go.

Para syang walang narinig na lumabas na uli ng kwarto ko. Ahhhh!!! Nakakainis!!! Hinampas hampas ko ang unan ko. Lumabas nako at dumiretso na sa dining area.

Rio- Mommy.​ Tikman mo.
Aimy- hmm...

Tumango tango si mommy sa kanya.

Rio- Sarap?
Aimy- kuhang kuha mo na ang luto ko.
Rio- alright!
Yura- Si Daddy?
Aimy- overtime sa work.​ Pauwe na sya pero mauuna na tayo kasi may mga dadaanan pa sya.​

Umupo na kami sa lamesa.​

Yura- bakit parang napapadalas ang overtime nya? Napaka limited na ng tulog nya.​
Aimy- kilala nyo naman ang daddy nyo.​ Beside he is Japanese. All Japanese are like that. Sanay nako for the 25 Years na magkasama kami.
Yura- but still.
Rio- sya sya sya.​ Kumain na muna tayo, baka lumamig yung niluto ko.

Bumuntong hininga na lang ako. Nagsimula na kaming kumain.​

Aimy- Anyway. Ano nga palang nangyare sa school nyo?
Rio- hm? Ahh may event Mom.
Aimy- I mean yung nangyare kagabi.​

Napatigil ako sa pagsubo at nagkatinginan kami ni Rio.​

Yura- kagabi po?
Aimy- Yeah. I was scrolling sa Group chat ng mga co parents ko. And may pinag uusapan silang bagay.​
Yura- like?
Aimy- hindi ko din maintindihan eh. Parang tungkol sa Isang student na binugbog.

Binugbog?

Rio- nalaman nyo ba kung sino?
Aimy- I was into something else kagabi kaya hindi ko na nalaman.​ Pero dahil dyan. Magiingat kayo ha.​ Unang beses na nangyare yan sa school nyo, alam ko hindi yan palalampasin ng dean. Pero doble ingat padin okay? Lalo ka na Rio.​

Rio- bakit ako?

Tinaasan ko na lang sya ng kilay.​

Pagkatapos namin kumain ay nag intindi na kami para pumasok.​ Paalis na kami ng dumating naman si Daddy.

Yama- O.​ Ihahatid ko na muna kayo.​
Rio- Wag na Dad. Kaya na namin to. Kumain ka na tsaka magpahinga.​
Yama- you sure?

Nginitian namin sya pareho sabay yakap at nagpa alam narin kami.​ Tahimik kami parehong naglalakad, siguro pareho kami ng iniisip ngayun. Na curious kami pareho kung sino kaya yung estudyante na sinasabi ni Mommy na nabugbog.​
Tumingin sya sakin at kinuha ang bag ko.

Rio- Whatever kung ano mang mga chismisan mamaya, wag ka ng makisali sa kanila.
Yura- kelan mo pako nakitang nakipag chismisan?

Bumuntong hininga na lang sya at patuloy kaming naglakad.​ Pagdating namin sa gate ng school, inihagis nya na sakin ang bag ko tapos nanguna ng maglakad.​

Yura- san ka pupunta? Malapit na mag time.​
Rio- May dadaanan lang ako sa 3rd floor. Mauna ka na sa classroom.

Tsk! Ako ang sinasabihan nyang wag makipag chismisan, sya naman tong agang aga makikibalita agad.​ Dire diretso nako sa classroom, at as expected lahat ay may kanya kanyang kumpol.​Mabilis na tumakbo si Mina papalapit sakin at hinila ako hanggang sa upuan ko.​

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suspicious BrotherWhere stories live. Discover now