One

9 1 0
                                    

"Jusko, Porsya! Lunes na lunes at unang araw ng iyong klase, pero naka-all black ka na naman. Paaralan ang iyong pupuntahan at hindi lamay!" reklamo ni Mama habang ako'y nag-aayos para sa first day ko ng huling taon sa high school.

Napahawak ako sa sintido ko saka kinuha ang bag ko. Hindi ko alam kung saang parte ng kanyang utak galing ang hirit na iyon, pero ayoko nang patulan.

"Ma, alis na ako," sambit ko, sabay kuha sa bag ko. Mas mabuti pang umalis na lang ako kaysa pakinggan ang walang preno niyang bibig. Hindi ko na rin hinintay ang sagot niya. Tumakbo na ako palabas ng bahay at ng subdivision.

Wala naman kasing dress code sa public school na pinapasukan ko. Puro nga naman itim ang laman ng kabinet ko sa bahay. Eh ano pa bang magagawa ko? No choice, girl! Black is always my favorite color. Hindi ko rin alam kung bakit, pero black is neutral. After my lola died, parang nawala ang hilig ko sa pink at violet.

"Kuya, sa Lana High School po," ani ko kay manong driver ng tricycle. Lagi lang akong nagco-commute, wala naman akong magagawa. Hindi rin naman gumagana ang motor sa bahay namin at, as usual, wala akong kasamang pumasok.

I'm Porschea Madrid. I'm 19 years old, pero nasa senior high school pa lang ako. Ewan ko ba, nag-stop ako ng isang taon noong nasa Grade 8 na ako. Tapos, inulit ko pa ang Grade 11. Bali, irregular student ako last year. So dapat, nasa 2nd year college na ako ngayon, pero wala eh. Mas inuna ko ang mental health ko kaysa sa pag-aaral.

"Dito na lang po, kuya. Salamat po," sabi ko sabay abot ng bayad kay manong. Diretso na ako sa classroom namin. High school pa lang ako, kaya hindi pahirapan sa paghanap ng classroom. Diba, di makarelate ang mga college dyan.

Pagdating ko sa harap ng pintuan, dahan-dahan akong sumilip. Sabi ko sa sarili ko, ngayong taon, magfo-focus na ako sa pag-aaral. Hindi na ako magiging maingay.

"HOYYYY NAMISSSS KO KAYOOOO!" Bungad ng isa sa mga kaklase ko. Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Pare-pareho pa rin ang energy nila kahit na nahati kami sa dalawang sections ngayong taon. Nasa ABM strand ako, at kahit anong pilit ng mga magulang ko na piliin ang ibang strand, hindi ko binitawan ang ABM.

Hindi kumpleto ang batch namin ngayon dahil shinuffle kami ng teachers para makilala namin ang kabilang section. Maganda naman ang unang araw. Syempre, nandiyan pa rin yung magkakatabi ang magkakaibigan.








---

Pangalawang araw namin sa klase. Inayos kami ng adviser namin sa seating arrangement, at malas, wala akong nakatabi sa mga kaklase ko dati. Puro bagong mukha ang nasa paligid ko. Sa harap ko, may isang lalaking tahimik na tahimik. Masyadong mahinahon ang kilos niya, kaya inisip ko kung baka hindi siya straight. Sa gilid ko naman, may babaeng maganda pero napakaingay.

Mapapasabi ka na lang talaga na "Good luck, buong school year maingay ang paligid." It was still a good day though. Nag-getting-to-know na kami, at sinimulan nang i-memorize ang mga pangalan ng mga bago kong kaklase.

After a week, dun ko lang nalaman ang pangalan ng nasa harap ko. Faizan pala ang pangalan niya. Inakala ko talaga na bi siya noong una, pero straight pala siya. Yung nasa gilid ko naman, si Micah. She's fun to be with. Mabait siya, kaya hindi ko naramdaman na mag-isa ako. I liked being seated with them.

Kaso, kahit isang linggo na ang lumipas, si Faizan, tahimik pa rin. Hindi ko pa siya nakikitang nagsalita. Kapag may iaabot siya, hindi man lang siya kumikibo. He even ate his snacks outside the classroom, na medyo odd para sa akin.

Pero, lagi akong nagugulat kapag nag-i-stretch siya ng katawan. Sobrang flexible niya! Like he would twist his back to the side in a way that made me blink in surprise. Para bang sanay siya sa ganun.

FaizanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon