장 1 [TGTB]

781 42 0
                                    

Eto nanaman, at nakahiga lamang ako sa kama ko buon araw. Makapunta nga kina Krystal.

Namiss ko na yung si Krystal. Tagal na din naming di nakapag bonding kasi nga magkaiba kami ng year at di kami nagkikita sa school masyado.

Nagsimula na akong magbihis upang pumunta sa bahay ni Krystal, at nagtext sa boyfriend ko.

To: Lulu baby ❤

Hey, punta muna ako kina Krystal, baby ha? I love you.

Nasa tapat na ako ng bahay ni Krystal. Pero ang pinagtataka ko, bakit bukas yung pinto? Hindi naman nila pinapabayaan yung pinto na iwang naka bukas ah?

Baka may magnanakaw? Baka nag tangka itong pumasok?

Lumapit ako sa pintuan upang tignan kung anong meron, pero, may narinig akong boses. Boses ni Krystal.

"Anong gagawin mo kay tanga?"

Tanga? Sino? Tsaka, sino naman kausap niya? May kaaway kaya 'tong si Krystal?

Kakatok sana ako ng napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ng pinakamamahal kong boyfriend.

Anong ginagawa niya dito kina Krystal? Kailan pa sila naging close? At kakatext ko lang sakanya na pupunta ako dito, ah? Imposibleng kakarating niya lang kasi nung dumating ako, nakaparke na yung sasakyan niya sa tapat nitong bahay.

But, what he just said broke my heart.

"Di ko naman mahal yun eh."

Sa di ko namalang may tumulo nang luha. Ano yun? Bakit parang may nararamdaman akong ako yung sinasabi ni Luhan? Pero, sana hindi.

"Ang tanga talaga ni Tiffany. Hindi niya ba niya alam na pinagkakaisahan lang natin siya? Ewan ko lang pero ako yung nasasaktan para sakanya eh. HAHAHAHAHA. Ang galing talaga natin, Baby."

So, sila nga? Ang manhid ko. Ang tanga ko. Akala ko na akala ko lang ang lahat ng mga akala ko tungkol sa kanilang dalawa. Lahat pala ng akala oo ay totoo.

Napaluhod na lang ako sa sahig at umiyak ng iyak. Ang sakit isipin na may kahati ka sa mahal mo. Ang masakit ay talagang yung tinuturing mong kapatid ang kahati mo.

Di ko namalayang nasa harap ko na pala silang dalawa. Naka akbay pa siya kay Krystal. Wow! Just wow! Hindi ba sila nahihiya?

"Andito ka pala? So alam mo na?"

Ang babygirl ko. Bakit siya ganyan? Asan na ang babygirl ko? Yung mabait, mahiyain at magalang kong babygirl? Bakit siya ganito?

"Sorry tanga."

Ang sakit.

"Babygirl."

Nanghihina na talaga ako.

"Eonni. Einni sorry."

Yumakap siya sakin.

Pero, mali siya Tiffany. Sinaktan ka niya.

Tinulak ko na lang siya at tumayo.

"Ano ba!?"

Sumigaw na ako.

"Bakit ang sama-sama niyo? Ha? Bakit niyo ba ako ginaganito?"

Sumisigaw ako sa harap ng dalawang taong mahal ko. Di ko kaya. Pero, ang sakit ehhh.

"Eonni!!" umiiyak narin ang Babygirl ko.

Tumalikod na ako. Pero, nagsalita ang boyfriend, este ex ko pala.

"Tiffany!"

Humarap ako sa kanya, with one eyebrow up. Namumugto na yung mata ko kaso alam ko parin kung paano itaas ang isang kilay ko.

The Girl They BetrayedWhere stories live. Discover now